"ANG hudyo na iyon, nawala na naman na parang bula!" Paika-ika na naglakad si Natasha patungong banyo. Wala na si Yael sa kanyang tabi nang siya ay magising. Ayon sa katulong niya ay maaga itong umalis."Aray! Para ako inararo magdamag!" Hawak ang balakang at dibdib na reklamo ng dalaga. "Humanda ka talaganv lalaki ka kapag nagpakita ka, hindi ka na makakaulit!"
"Feeling mo naman ay hahalayin ka pa ulit ng lalaking iyon matapos ka niya makuha nang walang kahirap-hirap?" nakaismid na saad ng kanyang kunsensya sa sarili.
"Gentleman siya!" ipinagtanggol ng mabait niyang isip ang binata.
"So lahat ng hahalay sa iyo na gentleman ay pagbigyan mo ng ganoon?"
"Bwesit ka, tumahimik ka!" parang baliw lang ang dalaga na kinakausap ang sarili sa harap ng salamin.
"Hindi ito maari, isa lang siyang driver tapos itatapon na lang niya ako matapos matikman? Ako si Natasha, nasa akin na ang lahat at kung kinakailangan ko siyang bilhin upang masakyan ko anytime ay gagawin ko!"
Mukhang nahihibang na kausap ni Natasha sa kaniyang sarili. Pero isa pa sa gumugulo sa kaniyang isipan ang dalang kotse ni Yael at ang pananamit nito kahapon. Maging ang gamit nitong pabango ay alam niyang hindi iyon basta cologne lang.
"Ma'am, kanina pa po dumating si Yael at hinihintay ka sa parking lot."
Biglang nawala ang tampong nadarama para sa binata nang marinig ang katulong. Inutusan niya ito na paghintayin ang driver at minadali na ang pagligo.
Halos takbuhin na ni Natasha ang kinaroonan ni Yael. Hindi na rin siya nag-abalang pumili ng isusuot kaos gusto niyang bumagay siya sa simpling buhay ng binata.
Napaawang ang labi ng katulong pagkakita sa masungit niyang amo. Kahit wala itong make up sa mukha ay lalo itong gumanda at mukhang blooming. Hindi rin ito nakabulyaw sa pag-utos sa kaniya.
"Hey slowly, baka mabinat ka!" puno ng kapilyohan ang ngiti at titig ni Yael sa dalaga.
"Ouch!" Daing ni Yael ng kurutin siya ng dalaga sa tagiliran.
"Gago ka, pinakaba mo ako!" Naniningkit ang mga mata ng dalaga sa inis dito.
"Akala mo tataguan na kita matapos kong matikman ang birhin mong hiyas?" pabulong niyang anas at pinigilan ang sariling tumawa.
"Ang bibig mo!" Pinadilatan ni Natasha ng mga mata ang binata at lumingon sa paligid at baka may nakarinig.
Tuloyan ng kumawala ang tawa sa bibig ni Yael, "c'mon, huwag ka nang magalit at baka pumangit ang first Baby natin." Nilambing niya ang dalaga at ninakawan ito ng halik sa pisngi.
Kinilig si Natasha sa simpling biro ng binata. May edad na rin naman siya kaya walang masama kung magkaanak agad sila. Kuntinto na muna siya sa kung anong relasyon mayroon sila ng binata. Ang importante sa kaniya ngayon ay hindi siya tatakasan ni Yael. Kung tungkol naman sa family niya ay independent na siya sa buhay. Broken family siya kaya hindu siya close sa pamilya niya. Nasanay na siyang mamuhay mag-isa at naging maayos ang buhay sa sariling pagsisikap.
"Hintayin mo ako mamaya sa pag-uwi mo." Bilin ni Yael sa dalaga habang nagmamaneho.
"Bakit, saan ka na naman pupunta pagkahatid mo sa akin? May iba ka bang babae?" nalungkot si Natasha sa huling tanong sa binata. Hindi na niya alam kung nasaan ang sasakyang gamit nito kagabi.
"Huwag kang magselos dahil wala akong ibang babae, ikaw lang.u" Inabot nito ang tungki ng ilong ng dalaga at mahinang pinisil.
"Hindi ako nagseselos noh!" nakaingos niyang tanggi sabay paling ng mukha sa bintana upang maitago sa huli ang galak na nadarama. Marami ang nambobola sa kaniya noon pero ngayon lang kinilig sa kaalaman na tinuturing siyang especial na babae sa buhay nito.
BINABASA MO ANG
Biyaheng Langit (Complete)
Short Storya short story, paano matukso sa driver? content are for matured readers. EDITED