IV. Face Down

1K 49 4
                                    

SA kabila ng pagtanggi ni Atty. Hidalgo sa kanya noong nakaraang linggo, hindi pa rin mawala sa isip ni Olive ang paghingi ng tulong mula rito. Alam niyang ito ang makakatulong sa kanya at walang iba, pero paano nga ba 'yon mangyayari kung pera na pangtapat sa pera ng asawa niya ay wala siya?

Olive sighed for the nth time that morning while doing the laundry. Isa na naman ito sa mga usual household chores na ginagawa niya sa mansion. Hindi nga rin siya naglalaba noon dahil allergic ang mga kamay niya sa laundry soap and powder, pero buti na lang ay merong washing machine at dryer kaya naaasikaso pa rin niya ito habang nakasuot pa ng rubber gloves

"Olive!" sigaw ng kanyang asawa mula sa loob ng mansion. Agad niyang binitawan ang laundry basket na hawak hawak saka lumakad takbo papunta sa kinaroroonan ng asawa.

"Bakit, Gio? May kailangan ka ba?" tanong niya nang makita ito. Naghihintay ito sa mismong side door ng mansion na dumidirekta sa pool area at laundry area kung saan siya nanggaling.

Gio's forehead knotted. "What are you doing?"

"I was doing the laundry when you called my name. Meron ka bang kailangan?"

"I'll fetch you later around five in the afternoon. Mom and Dad want to meet us for dinner later," wika ng asawa.

Olive nodded. "S-Sige. I-text mo na lang ako kung papunta ka na para makapaghanda ako."

"Make sure to wear something decent, 'yung hindi ka magmumukhang cheap," Gio told her. Kahit nasaktan sa sinabi ng asawa ay tumango na lamang muli si Olive. Tinalikuran na niya ito nang magpasya itong umalis na para pumasok sa trabaho.

Olive went back to the laundry area and continued doing the laundry, her thoughts still lingering on the idea of annulling her husband.

Nang matapos siya sa paglalaba ay nagtuloy tuloy ang araw ni Olive na nakatunganga lamang siya. She would watch movies and catch up on series in the entertainment room of the mansion, but she really has nothing else to do. Kung pinayagan lang sana siya ni Gio na magdala ng classical piano rito para makapag-practice siya at makatugtog during her free time, siguro ay 'yon ang lagi niyang pinagkakaabalahan at hinding hindi siya mabuburyo.

When Gio texted her that he is on his way, Olive was already prepared to be fetched by him. She wore a long sleeved emerald green dress that stopped at her knees and a pair of cream low heeled shoes. Tinali niya rin ng nakapusod ang mahaba niyang buhok at kaunting makeup lang ang nilagay sa mukha.

Nang dumating ang asawa ay walang kibo ito pagsakay niya sa kotse, bagkus ay dali dali na lamang itong nagmaneho patungo sa destinasyon nila.

Gio brought them to a restaurant and parked the car. Bago pa lamang sila bumaba ay pinaalalahanan na siya ng asawa.

"You better not act like a victim in front of my parents, Olive," he told her.

Tumango siya habang nakaiwas ang tingin. "A-Alam ko, Gio."

"Mabuti na 'yung malinaw. Tatanga tanga ka pa naman, baka makalimutan mo."

Agad na siyang bumaba ng kotse nang marinig ang komento nito. She does not want to hear any cruel words from him that will surely put her in a bad mood. Kung sila lang sanang dalawa, kaya niyang tiisin 'yon lahat, pero hindi pwedeng mapansin ng mga magulang ni Gio 'yon kaya iiwasan na lang niya ang asawa.

Like the good actor that he is, Gio held her waist as they entered the restaurant and walked her to where his parents are already seated, waiting for them to arrive. Masiglang masigla na kumaway ang mga ito sa kanila mula pa lang sa kanilang pagpasok.

"Oh, it's so great to see you two again!" his mother exclaimed in glee. Tumayo pa ang mag-asawa para yakapin at makipagbeso sa kanila ni Gio.

"G-Good evening, Mom and Dad," pagbati niya sa mga ito kasabay ng asawa. Tipid niyang nginitian ang dalawa.

Boss Lady #4: Laws in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon