VII. Fix You

949 42 2
                                    

WALANG mintis si Olive sa pag-iwas sa kanyang asawa kahit nakatira lang sila sa iisang bubong. She does not want to be close to him so she can avoid triggering the beast inside Gio. Ayaw niyang masaktan siya nito muli. Hindi na niya alam kung ano pa ang pwedeng gawin ng asawa niya sa kanya sa susunod na beses na magalit ito.

The strategy she decided to employ was to talk less whenever Gio engages her in a conversation. Literal na isang tanong, isang sagot. Kung kagagalitan siya nito out of nowhere, she keeps quiet and just nods. Olive does not rebut anymore, for she knows that rebuttals will only add more coal to the burning fire.

"Wala ka bang ipapabili, Gio?" tanong niya sa asawa. She is going for her monthly grocery run, and as much as she didn't want to talk to her husband, Olive needs to.

Gio looked up from browsing his phone. "Wala. Just make sure to buy the food items you can actually cook. Sinasayang mo ang pera ko sa kung ano anong pagkain na hindi mo naman kayang lutuin."

"S-Sige. K-Kung may ipapahabol ka, pwede mo naman akong i-text or tawagan," wika ni Olive saka nagpaalam na at lumabas ng mansyon. Tahimik niyang nilakad ang direksyon patungo sa kanyang kotse, at nang makasakay na ay isang mahabang buntong hininga ang kumawala sa kanya.

Hindi talaga niya alam kung ano ang dapat niyang gawin o sabihin kapag nariyan si Gio dahil hindi niya makuha ang timpla ng ugali nito. Four years of marriage with him really never felt like one. In fact, it felt more like a punishment than a marriage.

Sinwerte lang siya kahit paano ngayon dahil hindi pumuputok ang butsi ni Gio sa kanya dahil panigurado ay pisikal na sakit na naman ang aabutin niya rito.

Nang makarating sa mall ay napagdesisyunan niyang magtingin tingin din ng mga pwede niyang bilhin para sa sarili pagkatapos niyang mag-grocery. She is not really going to buy, titingin lang talaga siya. Olive does not have a budget for material things lalo ngayon na pinaghahandaan niya ang buhay after annulment, but simply looking at clothes won't hurt.

She went to the grocery and started picking and looking for the items on her list. Medyo marami ang kailangan niyang bilhin dahil paubos na ang stocks ng pagkain nila. Mahigit isang oras din siyang nag-ikot ikot para mamili, pero sinigurado niyang kung ano lang ang kailangan, 'yon lang ang bibilhin. She does not want Gio to get mad just because she picked some stuff they do not need in the house.

Maingat niyang pinili ang mga fresh food items. Olive made sure to pick the best among the vegetables and fruits on the stand, same goes with the meat and poultry. Hindi siya bumibili ng seafood dahil allergic siya sa mga ito. Kahit anong sea creature na kinakain ay bawal sa kanya dahil delikado ang ma-trigger nito ang kanyang allergy.

The first and last time she ate seafood, her throat closed up which made her suffer in difficulty in breathing and she had to be taken to the hospital. Mula noon ay hindi na siya kumain ng seafood.

After paying for the groceries, Olive dropped them off first in her car then went back to the mall to do some window shopping. Tinignan niya ang relo na suot at binigyan ang sarili ng maximum of one hour para mag-ikot ikot sa mall kahit wala siyang balak bumili.

Olive first went to clothing stores lined up along one hall. The mall she went in caters to the upper middle class to high class status, so a lot of the stores here are international brands.

Tinungo niya ang H&M store na naroon at tumingin tingin ng mga damit. Hindi niya mapigilang matuwa sa ganda ng mga nahahawakan at nakikita. She is not really fond of shopping clothes even before, but when she shops for clothes, Olive makes sure to pick the items that suit her the most.

Mayroon siyang mga nakitang damit na talagang natipuhan niya. Olive thought of trying them on, tutal wala namang masama kung susukatin niya ang mga ito. Hindi naman siya bibili.

Boss Lady #4: Laws in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon