2020: Pikon

1 0 0
                                    

Biglang napatalon sa tuwa

Napangiti na lang bigla

Maligalig na sasambitin

Na ang pikonan nati'y bitin


Sa tuwing ika'y kausap

Walang ibang hinahanap

Kundi ang salitang "ika'y aking tanggap"

Sasamahan sa lungkot man o ginhawa


Saya'y 'di masukat pag ikaw ang kausap

Wari'y ang isip ay lumulutang sa alapaap

Pikon man kung ituring

Ikaw ay patuloy paring susuyuin


Biruang napunta sa awayan

Suyuang walang hanggan

Paraan ng pagmamahalan

Ang asaran natin at pikunan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

2k14: April's YouthWhere stories live. Discover now