Chapter 5 - Undecided Na Ako

33 6 0
                                    

“Alam mo ba na ang mundo ay magugunaw soon?” ani Kristoff sa kabilang linya. Nasa phone call kami ngayon. Hiningi niya number ko kasi ayaw niyang tumawag sa Messenger dahil delayed.

“Hmm, ‘yon bang katulad sa nangyari sa isang movie ba ‘yon?”

“Alin?”

“Ah! 2012 ang title ng movie na ‘yon. Nagunaw ang mundo do’n. Is that what you’re trying to illustrate?”

“Well, yeah, parang ganoon nga.”

“Totoo ba ‘yon, e, 2023 na tayo ngayon wala namang nangyayari,” sabi ko lang.

“Hindi naman kasi 2012 magugunaw ang mundo talaga. Pero ang alam ko, magugunaw ang mundo. As in lahat, may katapusan.”

Hindi ako sumagot. Napaisip lang ako. Paano kaya kung totoo ‘yon? Siguro nga kasi feeling ko may beginning naman ang lahat so may ending din siguro.

“Ang paggunaw sa mundo ay hindi terrible, Lexi,” aniya at agad din akong natauhan. Siya ring pinagtataka ko.

“Huh? Bakit? Paano kung may mga pangarap pa ang lahat ng tao para sa future nila tapos gugunaw lang pala ang mundo, ‘di ba? Edi, terrible talaga ‘yon, Kristoff,” depensa ko.

“May mas terrible pa do’n, Lex.”

“Ano?”

“Ang magunaw ang mundo at mamatay lahat ng tao pero wala sila sa Panginoon.”

Napatitig ako sa kisame sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. May ilang segundong katamihikan sa linya bago pa siya muling magsalita.

“Ang taong wala sa Panginoon ay mapupunta sa impyerno, at ‘yon ang totoong nakakatakot.”

Hindi ulit ako sumagot.

“Lexi, are you still there?”

“Ah, yes. What do you mean by that pala?”

“Simple lang. Ang taong hindi naniniwala kay Jesus bilang Lord and Savior ay hindi mapupunta sa langit.”

Natahimik muli ako. Hindi ko alam bakit ayokong sumagot. It feels akward to talk about God for me. And it's too serious. I can’t take this talk. I find this conversation weird and boring.

***

“Lexi, ano ang pang-uri sa Ingles?” tawag sa akin ni Binibining Jane.

“Adjective po, Binibini,” sagot ko naman.

Buti nalang madali lang ang tanong. Hindi pa naman ako nakapag-advance reading dahil panay usap kami ni Kristoff kahapon.

“Good.”

Isang oras ang lumipas nang matapos ang klase. Nasa lobby ako ngayon at naghihintay ni Maureen dahil cleaner siya ngayong araw. Siya pa naman ang leader sa group nila as cleaners at ako rin ang leader sa group namin. One time nga inis na inis ako sa isang kaklase na tumakas. Sinumbong ko pa siya sa adviser namin, ayon, napagalitan. Buti nga sa kanya.

Maya-maya lumabas na si Maureen sa classroom at tumayo na rin ako.

***

“Aba, malay ko ba,” tugon ko kay Maureen habang nasa tricycle kami.

“Try mo ngang i-ask kung saang church siya nag-aattend.”

Pinag-uusapan namin ngayon si Kristoff at ‘yong mga sinasabi niya sa akin kahapon noong nag-phone call kami. Sabi ni Maureen, baka raw Born Again Christian si Kristoff kasi ganoon daw sila magsalita.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now