Chapter 12 - I Changed My Mind

22 3 0
                                    


“Lexi, what’s your opinion about self-study?” biglang tanong ni Miss Ruth sa ‘kin. I didn’t expect that coming kasi sa likod kasi siya nakatingin kaya akala ko hindi niya ako tatawagin. Hinay-hinay akong tumayo, indicating na kinakabahan ako. Kinakabahan talaga ako everytime may oral recitation and being in front of many is not my type.

“Uhmm, in my opinion, Miss, self-study has advantages and  disadvantages. But I...I would like to give only one of each sides—”

“Lexi, humarap ka sa classmates mo, ‘wag sa ‘kin,” she commanded at ngumiti siya nang kaunti.

Dahil nasa left side ako, humarap ako sa right side para makita ko ang mga mukha ng mga kaklase ko. Kitang-kita ko pa si Vince na nakangiti at parang inaasar pa ‘ko dahil natawag ako. Humanda siya mamaya.

“Uhmm..‘Yon nga, I would like to give only one of each sides. Ang isang advantage ng self-study is that you can control your time, you..you hold your time. And you can also learn from diffrent resources. While one disadvantage ng self-study is that may mga tao kasi na they do not know their learning capacity, so hindi organized ang pag-aaral nila and how they can reach the goal to actually...to actually undertand the certain topic.”

“Okay, thank you,” settle ni Miss Ruth sa usapan kaya umupo na ‘ko.

***

Dismissal na at nandito pa rin ako sa lobby dahil naghihintay ako ni Mau, cleaners sila ngayon. Nagcecellphone ako at maya-maya ay mag nag-chat sa ‘kin nang sunod-sunod. Pagtingin ko ay si Darlene pala, kapit-bahay namin.

“Lexi..mama mo nasugod sa ospital...”

Agad ding nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng kaba. Walang oras ay napatayo ako sa kinauupuan at tumakbo papalabas ng campus.

***

Binitawan ko na ang bag nang makapasok ako sa bahay. Talagang wala na rito si Mama. Pumuna ako kila Darlene para i-tanong kung saang hospital dinala si Mama.

“Nasa Cortes si Mama mo, Lex!”

Nagpasalamat ako nagmadaling naglakad papuntang kalsada. Hindi ko na alam kung kakalma pa ba ako. Wala akong ibang iniisip kun’di si Mama lang. Paano kung may mangyaring masama sa kanya? Hindi ko kayang mawalan ng ina. Hindi ko kaya. Mawala na ang lahat, ‘wag lang ang aking ina.

Mangiyak-ngiyak akong sumakay ng jeep pero pinipigilan ko ang sarili ko at pilit na kumalma. Nagawa ko nang mag-inhale exhale at lahat-lahat pero tanging matinding kaba lang ang nararamdaman ko.

“Lord, sana po walang nangyaring masama kay Mama,” dasal ko sa isip.

***

Madali kong nahanap ang kwarto ni Mama kung saan siya dinala. Nakita ko siyang nakahiga at parang natutulog. Sa labas ng kwarto ay nandoon si Manong Rolex, ang Papa ni Darlene.

“Manghihingi sana ako ng malunggay kanina, Lexi, kaya tinawag ako sa inyo para magpaalam sa nanay mo. Nakailang tawag siguro ako sa mama mo pero walang sumagot. Hindi ko rin masabing walang tao kasi nakabukas ‘yong gate at pintuan n‘yo kaya sumilip na ‘ko. At do’n ko na siya nakitang walang malay,” paliwanag ni Manong Rolex sa ‘kin, “kaya dinala ko siya dito,” patuloy niya.

“Salamat, po.”

“Ang sabi ng doktor, may pneumonia daw ang mama mo,” sabi niya at yumuko. Close na close kami sa pamilya nina Manong Rolex. May minsan ngang nagshe-share kami ng ulam. Kaya ganoon na lang ang kanyang pagka-lungkot nang malaman niya ang tungkol sa sakit ni Mama.

“Malala po ba ang sakit niya?”tanong ko.

“Hindi ko alam, Lexi,”aniya.

Kinabukasan ay wala pa ring malay si Mama. Hindi na ako pumasok, pinaalam ko na lang si Mau sa nangyari at nag-explain ako sa kanya kung bakit bigla akong nawala kahapon at kung bakit hindi ko na siya hinintay. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now