Chapter 7 - I'm In Love

31 4 0
                                    


“I love you.”

Muli ay nakaramdam na naman ako ng init sa pisngi ko matapos kong basahin ang message ni Kristoff.

“I love you, too,” I replied.

Never have I experienced of being in love for not so long time. May I love yous din naman kami ni Ken, pero iba pa rin ‘yong nakita sa personal ang tao.

Mahilig akong magbasa ng mga romantic novels before. Some of them are idealistic, ang iba naman ay realistic. Sa ngayon ay hindi ko pa ma-organize ang learnings ko para mai-apply ko sa totoong buhay. All I know is that, I am loved by Kristoff regardless of our differences in faith.

And speaking of faith, may malaking chance na magiging Born Again Christian na talaga ako just like Kristoff. Well, ‘yan ay kung dadalhin niya ako sa church nila. Sa pagkakaalam ko, kapag ang tao ay nagkajowa ng Christian o kung ano man tawag d’yan tapos siya hindi naman Christian, sa kalaunan magiging Christian din siya. Tulad nung kapit-bahay namin na nagkajowa siya ng INC tapos siya naging INC na rin. I guess, ‘yon din ang tadhana ko na kailangan kong tanggapin.

***

I waited for his call kasi sabi niya tatawagan niya ‘ko. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko at agad ko ring kinuha ‘yon at sinagot ang tawag. I get excited sa tuwing tatawag siya.

“How are you?” umpisa niya.

“I’m okay, thank you for asking. Ikaw?”

“I’m good, by God’s grace. Busy kaunti sa ministry.”

Nabanggit niya pala sa akin na nasa worship team daw ‘yon. I was curious about it so nagtanong ako kung ano ‘yon. According to him, sila raw ‘yong parang banda sa church nila tuwing kumakanta na sila.

”Lex, can we meet again?”

Kinabahan ako sa tanong niya and at the same time, na-excite ako.

“Sure. Kaya lang ayaw sumama ng mga friends ko.”

“Okay lang ‘yan. Next time nalang.”

“Sige.”

***

“Hi,” aniya nang makarating sa kinauupuan ko. Halata sa matamis niyang ngiti na masaya rin siyang nakita ako ulit.

“Masaya tayo d’yan, ah?” asar ko pa.

“Sinong hindi sasaya kapag nakikita ka?”

Walang oras ay umiwas ako ng tingin para hindi niya mahalata na kinikilig ako sa mga salita niya.

“Tara na?” aniya.

At sumunod na ‘ko sa kanya. Pinatong niya ang kanang kamay sa ulo ko habang naglalakad kami. Palibhasa, matangkad kasi siya. Samantalang ako, hindi naman sobrang liit, hindi rin matangkad. Sakto lang.

Napagpasiyahan naming pumunta sa Joy World at sinabi ko sa kanya na basketball ang gusto kong laruin do’n. Naalala ko tuloy ‘yong lalaki dito na sinabing natalo niya ‘ko. Nasa’n na kaya ‘yon.

“Sige, laro ka. Videohan kita?”

“Ano ba naman ‘yan! Laro tayong dalawa. Kung sino mas malaki ang score, siya ang panalo.”

“Okay, later. For now, maglaro ka muna d’yan, videohan muna kita, okay?”

Bumagsak ang mga balikat ko.

“Okay, sige.”

Nagsimula na akong maglaro at unti-unti rin akong nag-eenjoy at muntik ko nang makalimutan na nasa likod ko pala si Kristoff. Nilingon ko siya.

“Halika!” aya ko sa kanya.

***

Huminto na kami sa paglalaro at naisipan munang kumain.

“You’re so cute,” aniya saka sumubo.

Nakaramdam ulit ako ng init sa magkabilang pisngi ko sa narinig.

“Ano ba,” wika ko at tumawa nang mahina.

“Everything makes no sense without you, Lex.”

Hindi ko mapigilang ngumiti nang matamis.

“Ang sweet mo naman. Ano bang nakain mo?” ani ko at tumawa ulit. Saka uminom ng tubig. Pakiramdam ko anytime sasabog ang puso ko.

“Cute,” wika niya lang.

“Oo nga pala, ano ba tawag d’yan sa taong nagpipreach sa church n’yo tuwing Sunday?”

“Pastors?”

“Ah, okay. Alam ba ng Pastor mo na may jowa ka?”

Uminom siya ng tubig matapos kong matanong sa kanya ‘yon.

“Ahm, well, hindi pa.”

“Okay.”

“But I’ll tell him, for sure. Ikaw ba, alam na ba ng Mama mo?”

Ako naman ang hindi agad makasagot sa tanong niya. Sa totoo lang, hindi pa alam ni Mama na may boyfriend na ako.

“Hindi pa. But I’ll tell her,” ani ko.

***

Nagtimpla ako ng gatas at habang iniinom ko ‘yon, hindi ko mawala sa isip si Kristoff. Wala na akong pakialam kung paano nagsimula ang relasyon namin ni Kristoff. Basta ang alam ko, he is into me and I am into him.

Nung naging broken hearted ako ni Ken, hindi ko na naisip na mag-entertain ulit ng lalaki. Hindi ko nga rin naisip na pumasok sa may label na relationship, e, iyon ngang walang label na relasyon namin ni Ken, masakit na, paano pa kaya siguro kung may label.

Pero ika nga, expect the unexpected. And they also say, good people come unexpectedly.

It’s so good to be in love and to be loved. There’s nothing that can keep us from being alive but love, love makes it possible.

I think this is true love kasi no matter how imperfect I am, Kristoff loves me still and I can’t find any man anymore.

Sa pagkakaalam ko, I don’t want to loose Kristoff. At sana ganoon din siya sa ‘kin. I don’t want to cry over and over again because of a guy and I don’t want to be hurt anymore.

Why can’t we just keep choosing people we love everyday? In that way, walang masasaktan.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now