Chapter 9 - Never Heard Of This

29 7 4
                                    


Limang buwan na ang nakalipas nang hiniwalayan ako ni Kristoff, at hindi na rin ako active sa CCM kasi busy sa school. Nito ko lang din napagtanto na ang dami palang activities sa Church na ‘yon to the point na makaka-absent ako sa school tapos sinabihan lang ako na worldy daw ang pag-aaral kaya dapat mas inuuna ang mga gawain sa Church. Kaya parang nawalan ako ng gana do’n, ang daming bawal. Bawal magjowa, halos ‘yong pag-aaral bawal na rin.

Linggo ngayon at nasa bahay lang ako at nagce-cellphone. Ilang minuto na akong naglakbay sa Facebook. Sinubukan ko ring tingnan ang Facebook ni Ken, ganoon pa rin, hindi pa rin siya active. Kay Kristoff naman, hindi ko na nakikita ang mga post niya kasi hindi na rin kami friends at baka 'Friends' lang ang privacy sa mga post niya.

May mga iilan na rin akong Christian friends sa Facebook. ‘Yong iba sa kanila ay churchmates ko, ang iba naman ay sa online ko lang nakilala at hindi ko na matandaan kung paano kami naging friends.

Maya-maya, may nakita akong isang post.

“Shocking Message” by Paul Washer, ‘yon lang ang nakalagay. Nakikita ang mukha ng preacher pero hindi ko kilala. Si Lindy pala ang nag-share no’n, wala man lang siyang nilagay na caption kung anong meron sa video kaya hindi ko na lang pinansin ito.

***

“Exam na natin bukas, Lex,” ani Maureen.

“I know.”

“O, ba’t ka tulala d’yan?”

“May naalala lang ako tuwing may exam.”

“Ah, si Kristoff.”

Tumingin ako sa kanya at nag-pout.

“Sinabi mo pa. Eh kasi naman, first meet namin after ‘yon ng exam natin, e.”

“Alam ko. By the way, hindi na ba kayo ulit nakapag-usap?”

“Hindi na. Sabi raw hindi na Christian ‘yon,” ani ko at nagkibit-balikat.

“Anong ibig mong sabihin? Huh? Sino nagsabi? At paanong hindi na Christian?”

“Ay ewan ko! Tara na nga.”

Habang naglalakad kami sa hallway papuntang canteen, may narinig akong may tumawag kay Mau sa gilid kaya nilingon namin ito.

“Mau! Si Ryan, o!” si Vince pala, ang taong wala sa mundo.

Tiningnan ko naman si Ryan at parang nahihiya pa ito kaya pilit nitong tumalikod. Sinapak ko nang malakas si Maureen sa balikat.

“Ay, o! Ang haba ng buhok mo, o!”

“Ano ba! Bilisan mo!”

Hinila niya pa ako. Nahihiya rin ang babae.

“Alam mo kung puro kayo nahihiya, hindi kayo magkakajowa niyan,” ani ko at tumawa nang malakas. Hinarap ko muli sina Ryan at Vince kahit medyo malayo na kami sa kanila.

“Ryan! Gusto ka nitong Si Maureen!” sigaw ko pa.

“Lexi!”

“Oh, tama naman, a?”

“Kainis, bahala ka d’yan,” aniya at naglakad nang mabilis. Tinawanan ko lang siya.

Nang makarating kami sa canteen, pumili na agad kami ng makakain ni Maureen.

“Ang mahal talaga dito, ‘no,” mahina kong sabi kay Mau.

“Ma—

“Mahal ang paninda o mahal mo ang nagtitinda,” biglang sabi ng lalaki na sumulpot kaya hindi na naka-sagot sa ‘kin si Mau.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now