Ikot ako nang ikot sa kama dahil hindi ko magawang ipikit ang mata ko at matulog.
Tinignan ko yung orasan, hindi ko namalayan na 11 na pala.
Birthday ko ngayon, pero bakit parang ang lungkot ko naman ata?
Parang may kulang, parang may mali.
Umupo ako at kinuha yung box sa ilalim ng kama. Binuksan ko to at may bigla akong naisip.
Alam ko na kung ano yung kulang.
Si Luhan hyung.
Si Luhan hyung yung kulang.
Kumuha ako ng isang paper crane doon sa box at inalis yung pagkakafold.
“Happy Birthday Sehuniieee!”
Eto yung binigay sakin ni Luhan hyung last year.
Pinagmasdan ko tong mabuti at may nakita kong sulat sa dulo ng papel. Hindi ko naman mabasa dahil bukod sa maliit ay mandarin ang nakalagay.
我爱你
Ngayon ko lang to nakita. Ipababasa ko na lang kay Tao bukas.
Kumuha pa ko ng ilang paper cranes. Inalis ko yung pagkakafold at para bang gusto kong umiyak, pero wala namang luhang lumalabas.
“Hello Sehun!”
“Bili tayong bubble tea mamaya!”
“Sehun! Sehun! Sehun!”
“Nice to meet you Sehun!”
Palaging gumagawa ng paper cranes si Luhan hyung dati tapos ibibigay niya saakin. Tapos sabi niya alisin ko raw yung pagkakafold para mabasa ko yung mga sulat niya. Pagkatapos niyang sabihin sakin yun, araw-araw na niya kong binibigyan ng paper cranes.
Minsan, kung anu-ano lang yung nakasulat, pero ewan ko ba tuwang-tuwa at parang sasabog yung dibdib ko saya sa tuwing binibigyan niya ko ng ganon.
Tapos isang araw, may binigay sakin na paper crane si Luhan hyung. Yun lang yung naiiba ang kulay at size.
Nagtaka pa ko kasi, ano naman kaya ang nakasulat doon?
Nung binuksan at binasa ko yun, saka ko nalaman yung mga sagot sa tanong ko. Nung inalis ko yung pagkakafold nun, nanghina ako.
Parang kinuha nun yung lakas ko. Tapos nun, sinabi na ni Suho hyung sa iba kung ano ba talaga ang nangyayari.
Sinabi ni Suho hyung na aalis din si Luhan hyung.
Binuksan ko ulit yung paper crane at nagbasa.
“Sorry Sehun. Sorry for leaving. Sorry kasi nasaktan ko na naman kayo. Hindi ko kasi kayang sabihin sayo ng harap-harapan na aalis na ko, baka kasi hindi ko kayanin at magbago pa ang isip ko. Sorry Sehun, sorry.”
Ngayon ko lang din napansin na may nakasulat na namang mandarin sa dulo nung papel na kamukha nung kanina.
Hindi ko namalayan na naiyak na pala ko.
Tumingin ako sa orasan at nakita kong 12 na.
Hinintay kong may magtakip ng mata ko at bumati ng “happy birthday” tapos pagdilat ko, may paper crane na sa harap ko.
Kaso wala akong naramdaman na may nagtakip sa mata ko. Kaya pumikit na lang ako.
Pagkadilat ko, nakakita ako ng paper cranes. Kaso, ito pa yung mga binigay ni Luhan hyung dati.
Kumuha ako ng papel at nagsimulang gumawa ng isang paper crane. Tinuruan ako ni Luhan hyung gumawa noon.
Pagkatapos kong gawin ay nilagay ko to sa harap ko.
Pinaniwala ko yung sarili ko na kay Luhan hyung galing yun.
Pinaniwala ko yung sarili ko na binigay niya to saakin.
Pinaniwala ko yung sarili ko kahit ang totoo, sobrang sakit na ng nararamdaman ko.
Humiga ako at pinalibot sakin ang mga paper cranes na ginawa ni Luhan hyung dahil kahit papano, nararamdaman ko yung presensya niya sa maliliit na bagay na to.
-
hindi ko alam kung drabble ba yan hahaha. alam ko kasi no more than 1000 words eh 500 lang naman yan.
basta drabble yan hahaha.
BINABASA MO ANG
SELU DRABBLES
Short Story"In another existence, maybe it'll be different. Somewhere... someday.... in some other time, maybe this love could've happened."