chapter 1

51 1 0
                                    

-CHAPTER 1-

[Patricia's POV]

"ui Pat buti na lang nakita kita, may balita ako sayo!!" excited at hinihingal na sabi ni Jade nang maupo sa harap ng upoan ko.


"naku Jade ah, wala akong panahon para sa mga chismis mo na yan, alam mo namang nag-aaral yung tao, malapit na exam natin, mag-aral ka rin kaya." Kailangan ko na talagang mag-aral. Isang lingo na lang kasi at exam na namin, kailangan kong mag concentrate at mag focus bago pa man magsalita ng kung anu si Jade, baka kasi madala ako.


"talaga? Kahit na sabihin ko sa'yo na tungkol kay Niccolo Crimson ang ibabalita ko?"

..eto na nga, nadala na ako, nag marinig ko kasi ang pangalan ni Niccolo ay biglang may nga

*ting!*

sa isip ko. Si Niccolo kasi ang ultimate celebrity crush ko, why oh why Niccolo? I can't resist you..


"Jade naman eh, ba't di mo sinabi agad, anu ba tungkol sa kanya?"


"heeep! Suhol muna." Inilahad ni Jade ang kanyang kamay.


"alam mo napakaswerte ko talaga sa'yo, kasi may gold digger akong kaibigan, kainis ka Jade alam mo yun."


"aray gold digger agad? Hmp! 'wag na nga lang"..


Ai nag walk-out..


"Hoy teka lang Jade! Joke lang yun." Pinipigil ko ang pagtawa ko, sinusumpong na naman kasi si Jade ng pagkasensetive niya at syempre, alam ko kasi kung anu magpapaamo sa kanya.."tara na nga kain tayo sa paborito nating fastfood chain, libre ko"


"talaga!?" sabay harap niya sa akin.


Sabi ko na nga ba eh, nag inarte lang ang isang 'to..


"oo. Basta sabihin mo ang tungkol kay Niccolo ah?" yan ang tinatawag na friends with benefits.. haha!


"sige ba! Yan ang gusto ko sa'yo, alam na alam mo ang kahinaan ko." Ngayon ay abot tenga na ang ngiti ni Jade. "tara na nga!"


"naku pag libre talaga mas mabilis ka pa sa alas tres." Yun na lang ang nasabi ko at umalis na kami..


Naglakad na kami palabas ng school building namin, nasa may bandang quadrangle na kami ng siniko ako ng mahina ni Jade sabay bulong.


"Pat look who's there." Sabay nguso niya sa dereksiyon ng mga mini cottages.


Napatingin ako sa dereksiyon  na tinutukoy ni Jade para lang kabahan at lumakas ang pintig ng puso ko. Pano ba naman ang taong tinutukoy ni Jade ay si Jet Jimenez, ang ex ko na siya ring first love ko. 5 months ding nagging kami ni Jet at mahigit isang taon na kaming hiwalay. Naging Masaya ako sa 5 months nay un, I can say it was a perfect relationship when all of a sudden He dumped me.:(


"layo na ata ng inabot ng balik-tanaw mo Pat ah. Baka naman  isa-isahin mo pa sa isip mo ang detalye ng paghihiwalay niyo ah?" naputol ang pag-iisip ko ng magsalita si Jade.

we belong to you and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon