-CHAPTER 6-
"miss are you okay?" inabot niya ang kamay niya sa akin. Saka ko lang siya tiningnan. Nabigla pa ako ng makita ko ang mukha niya, nakasombrero siya pero nakilala ko mukha niya. Gusto kong tumakbo, gusto ko uli siyang takbohan pero wala na akong lakas dahil na rin siguro sa kakaiyak at bigat ng loob na nararamdaman ko. Base sa ekspresyon ng mukha niya ay nabigla rin siya.
"Patricia!?" D*mn ! why calling me with my fullname.
"aaaaaaiiiiii !! ayun siya si Niccolo !"
Sabay pa kaming napatingin sa may bandang likuran niya. Nakita naming ang isang grupo ng mga kababaihan na sa palagay ko ay sobrang obsessed kay Niccolo.
"cr*p! they found me" narinig kong bulong ni Niccolo. "c'mon !" inabot niya ulit kamay niya sa akin.
"huh !?" nalito ako at hindi malaman kung ano ang gagawin kaya hindi ako kumilos.
"oh great !" bulong niya at bigla niyang hinugot ang kamay ko at hinila ako patakbo. Sa sobrang kalitohan ay wala na akong nagawa kaya nakitakbo na rin ako.
"si Niccolo tumakbo ! and who's that girl with Him?"
" Is that His girlfriend? No way, His mine. !"
Narinig kong sinabi yun ng 2 sa mga babae. Tiningnan ko si Niccolo, nakita kong umasim yung mukha niya. Di ko siya masisi, grabe naman kasi mga babaeng yun, nakakababa ng dignidad. Sobrang fan naman ako ni Niccolo pero hindi naman akon ganun, pathetic.
Pero teka lang, anu 'to ngayon? Hawak-hawak niya ang kamay ko habang tumatakbo kami, para yung mga nasa pelikula lang, parang yung dalawang nagmamahalan na tumatakbo palayo sa mga taong gustong maghiwalay sa kanila, pang Romeo at Juliet.. Shet ba't ganito iniisip ko, dapat nag eemote ako ngayon, umiiyak nga ako diba? Lumingon lingon ako, medyo malayo layo na rin ang natakbo namin. Nasa beach na kami, medyo late na kaya kukunti na lang ang mga tao, may mga iilang nag night swimming. At biglang . . . . . . . . .
teka nga pala, ba't ako isinama ng isang 'to? Bigla akong huminto at hinila ang kamay ko na hawak niya dahilan para huminto rin siya at nakakunot ang noong tumingin sa akin.
" ano bang problema mo?" pasigaw niyang tanong at hindi ko nagustuhan ang tono niya.
"problema ko? Eh ba't mo ako isinama pagtakbo mo.?"
"ba't ba ang arte-arte mo? Dapat pa nga magpasalamat ka kasi isinama kita." Aba't ang kapal nga pala neto. Nakakaturn-off, akala niya sa akin? Crush na crush siya? Well, totoo naman talaga, ulit, akala niya sa akin desperada tulad ng mga babaeng humabol sa kanya kanina? Well, nagkakamali siya.
"bakit sinabi ko ba sayo na isama mo ako? Hindi naman diba? Ngayon sasabihin mo sa akin dapat ako magpasalamat? Hoy kahit ikaw pa ang celebrity crush ko hindi ako tulad ng mga babaeng humahabol sayo." Sobra akong nainis kaya wala na akong preno. . . . naamin ko pa tuloy na siya celebrity crush ko.
O.O
well, di na siguro bago sa kanya yun. artista siya kaya alam kong alam niya na halos buong bayan may crush sa kanya, ang iba patay na patay pa nga.
"eh ba't ka ba kasi umiiyak? I hate to see a woman crying eh nangyari nagkabunggoan tayo at umiiyak ka, para ka pa ngang bata eh."
"aba't. . . . . . . . . . parepareho kayong mga lalaki. Mga gago !" ayan. . . . lumabas tuloy pagiging bitter ko. Nakakainis eh, ang gwapong lalaki nagsusungit.
Hindi na siya nagsalita, nakaramdam ulit ako ng hiya, nadamay pa siya sa bitterness ko. Ang ginawa ko ay humarap na lang ako sa dagat para na rin umiwas sa kanya. Sana umalis na lang siya. Pero hindi siyaa umalis, naramdaman ko ang paglalakad niya, hinintay ko ang pagtabi niya sa akin. Pero wala, tagal niya namang tumabi hindi naman siya malayo sa akin. Lihim akong lumingon at ayun may kasamang bata, mga 12 years old ata, nakipag selfie. Putik ! akala ko naglakad siya papunta sa tabi ko kanina. Aisst nakakainis, assuming kasi, yan napapala, napapahiya. Niyakap ko na lang ang mga tuhod ko at ipinatong ang ulo ko. Sarap lasapin ng hangin sa dagat, nakakagaan nng pakiramdam. Sa sobrang sarap ng hangin napapikit ako.
BINABASA MO ANG
we belong to you and me
Romance"we don't belong to our Past, we don't belong to our ex's, we don't belong to anyone because we belong to you and me" - Niccolo "mabuti pa nong fan mo palang ako kontento na ako makita lang kita sa Tv, pero ngayon God! i'm dying to be with you all t...