-CHAPTER 3-
[Patricia's POV]
"Jade ano bang ibibigay mo at- - - - "
O.O
... ai mali, hindi si Jade ang nasa harapan ko, gwapo eh, saka lang ako natauhan.
"hello!" sabi nito na naka ngiti.
Oh my! Si Niccolo, hala! Ba't andito siya sa bahay? Anong gagawin ko? Lupa, please mabiyak ka at kainin mo na ako.
"oh no!" yun lang ang lumabas sa bibig ko, wala akong ibang maisip na gawin. Ang ginawa ko ay tumakbo ako pabalik sa kwarto ko sa sobrang hiya. Ba't naman kasi napadpad ang taong yun dito. Takbo Patricia ! takbo!
"ui teka lang!" narinig ko pa ang sigaw na yun ni Niccolo. Anu ba namin buhay to pambihira. Ano ba namang sumpa meron ang araw na ito. Pagkapasok ko ng kwarto ay napatingin ako sa salamin para lang mas mabigla at mahiya.
Sheeeeeeeet!!!!!
Buhaghag kasi ang buhok ko at nakashorts lang ako at yung Jersey na bigay sa akin ni Jet ang suot ko, para akong pokpok na hindi nabayaran tae na..
"Patricia !? anong nangyari sa'yo?" si mama, nakita siguro ang pagtakbo ko kaya ako sinundan.
"natatae po ako mama."
"anu!?"
Ang dumi naman ata ng alibi ko, masyadong brutal ang bahong pakinggan. Yung medyo malinis naman.
"nagka diarrhea po ako mama." Okay na siguro ang alibi na yun..
"bakit anu ba anghuli mong kinain?"
"di ko po matandaan."
"eh pano yung bisita mo?"
"sabihin niyo na lang po sumama pakiramdam ko."
"osige uminom ka nga gamot ha?"
"opo mama."
Haaaaiiiiii sana umalis na siya, hindi na man Friday the 13th ngayon ba't ang malas ko. Pano nga pala napunta ang isang yun dito ?
Maya-maya ay nakarinig ulit ako ng mga katok.
"Patricia anak eto yung wallet mo, pinabibigay ni Niccolo." So siya talaga nakapulot ng wallet ko at at pumunta pa siya dito para personal yung isauli. Wew! Kinikilig ako. "umalis na siya at may naghihintay daw sa kanya."
Kinuha ko yung wallet ko. Medyo gumaan gaan ang pakiramdam ko kahit papano, naibalik kasi sa akin and I.D ko, no wonder nalaman ni Niccolo address ko. Mas lalo tuloy akong nahiya. Tinakbuhan ko pa yung tao ay yung artista nagmagandang loob na nga. Mas lalo tuloy akong humanga sa kanya, 'pano ko kaya siya mapapasalamatan? Wag na lang kaya para di na rin kami magkita. Wala na kasi akong mukhang maihaharap sa kanya. Nakaka strike 2 na kasi ako. Napukaw ang atensiyon ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext, tiningnan ko yun, number lang.. nagtaka ako, sinu kaya 'to.. open..
From: 09XXXXXXXXX
Goodnight Patricia, sleep well.
Pagkabasa ko sa message nay un ay si Jet ang unang pumasok sa isip ko, kasi nga diba maliban sa parents ko at kay Jade pag naiinis na ay si Jet lang ang tumatawag sa akin ng buoung pangalan ko. Sa isiping si Jet nga yun ay nakaramdam ako ng tuwa, matagal na kasi kaming walang communication at matagal ko ng dinelete ang number niya. Pero syempre nag reply ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/37222770-288-k888100.jpg)
BINABASA MO ANG
we belong to you and me
Romance"we don't belong to our Past, we don't belong to our ex's, we don't belong to anyone because we belong to you and me" - Niccolo "mabuti pa nong fan mo palang ako kontento na ako makita lang kita sa Tv, pero ngayon God! i'm dying to be with you all t...