-CHAPTER 4-
[Jet's POV]
Dumating nga ang kotseng inaabangan ako at tama nga ako, papa niya na naman naghatid sa kanya. Pinagmamasdan ko lang siya habang naglalakad, as I watched Her, I smile, ganun pa rin kasi siya, tulad pa rin ng dati. Di siya ang tipo ng babaeng sobrang mahinhin, may pagka nagger siya at yun ang hahanap hanapin mo sa kanya. Pinagmasdan ko lang siyang naglalakad, humahanap ako ng tiyempo at humuhugot ng lakas ng loob para lapitan siya.
Kahapon ng makita ko siya sa may quadrangle ay gusto ko siyang lapitan kaya lang dumating si Gabbi, Gabbi was my first girlfriend. Nag usap kami ni Gabbi. We're good friends now and that time we're talking about Patricia. Humingi ako ng advice at sabi niya ay kelangan ko raw kausapin si Patricia bago pa mahuli ang lahat, sabi niya maraming oras but chances are limited at tama siya. Sa totoo lang matagal ko nang gustong lapitan at kausapin si Patricia di ko lang talaga magawa dahil inuunahan ako ng hiya. What I did to Her is unforgivable, I was just so insecure that time. Nagpadala ako sa ego ko. Gabbi broke up with me because she want to make her study as Her priority. Natakot akong baka gawin din yun ni Patricia. She was the top notcher of their class, she's always on top samantalang ako ay average lang. gusto kong may patunayan din, ayokong baling araw sasabihin ay sasabihin din niya sa akin na gusto niya maging priority pag aaral niya. Gusto kong ipakita sa lahat na kahit we're in a relationship we can still be on top, pero magaling talaga si Patricia, nasaktan ego ko kasi dapat ako nagtuturo sa kanya. Masyado akon nadala that's why I broke up with Her with no valid reason. Nakita ko sa mga mata niya kung gano ko siya nasaktan pero dahil sa katangahan ko ay pinanindigan ko na lang nagging desisyon ko. It was a grave decision, sobra kong pinagsisihan, I still want Her, I want her back. At ngayon ay nakapag desisyon na ako, lalapitan ko na siya. Nasa may hallway siya ng lumapit ako.
"Good morning Patricia !" nagulat ko ata.
"ai pating !" yung mga expression niyang ganyan ang isa sa mga namimiss ko. May pagka mali mali kasi ang isang 'to. Calling Her with her fullname is one of my way to make har feel special gusto ko kasing naiiba ang tawag ko sa kanya. Ayokong ituring siya tulad ng turing ko sa iba.
"pwedeng makisabay Patricia?"
"anu sa tingin mo ginagawa mo?" napailing ako, wala talaga siyang kupas.
"di ka pa rin nagbabago Patricia."
"hindi naman lahat ng tao kelangan magbago para lang makalimut."
Huh? Naguluhan at nabigla ako sa sinabi niyang yun. anu ibig niyang sabihin? Tumingin ako sa kanya, kitang kita sa mukha niya ang pagkalito. I really miss her.
"Patricia—-"
"naku mauna na ako, malelate na ako sa klase." Alam kong umiiwas lang siya, pero hindi, determinado na ako.
"Patricia sandali."
"anu ba!?" ngayon ay inis na ang nakikita ko sa mukha niya. Okay lang mainis ka sa akin Patricia, kahit sigawan mo pa ako, basta ang mahalaga ay babawi ako sa'yo.
"next week sa acquaintance natin, magpeperform ako, manood ka ah?" well may napili na akong kanta at dedicate ko yun sa kanya.
"aahhhmmm I'll try." Lihim akong napangiti 'ill try' ibig sabihin nun mas malaki ang tsansa na manonood siya."
"sige ahh, aasahan kita, pasok ka na andito na tayo sa classroom niyo."
"sige Jet mauna na ako."
Nang makapasok na siya sa classroom ay tinukso pa kami ng mga kaklase niya. Hatid sundo ko rin kasi dati si Patricia.
"uuuuuiiiii nangangamoy balikan!!"
BINABASA MO ANG
we belong to you and me
Romance"we don't belong to our Past, we don't belong to our ex's, we don't belong to anyone because we belong to you and me" - Niccolo "mabuti pa nong fan mo palang ako kontento na ako makita lang kita sa Tv, pero ngayon God! i'm dying to be with you all t...