CIM2

10.1K 107 9
                                    

Hindi maikakaila na pababa ng pababa ang edad ng mga nagbubuntis kaakibat nito ang pagtaas ng bilang ng mga batang walang ama.

Charing lang! Feeling newscaster. Anyway,

Walang plot to kaya medyo magulo. Eto na ang request na karugtong ng masugid kong mambabasa. Mahal ko kayo kahit konti lang. Tsup..

- -

Jayron, akyatin mo nga si Lily baka kung napano na 'yon, kanina ko pa pinatawag para makakain. Hinarang pa ng ina nya ang katawan nito sa harap ng TV. Napakamot sya ng ulo at nakaramdam ng iritasyon.

Ma, ipatawag mo na lang kay Kaka, minsan na nga lang ako makapanood ng TV oh. Si Kaka ang working student na kinuha nila para magbantay kay Lily. Nag-aaral mula hapon hanggang gabi. Ito rin ang nagtuturo kay Lily ng mga basics sa pag-aaral na sya namang kinagalak ng huli. Matalino si Kaka, masipag at responsable. Sa sobrang kasipagan nito pati hindi nito trabaho ginagawa tulad na lang ng paguluto, paglalaba at kung ano ano pa na hindi naman inoobliga dahil ang tanging trabaho lang dapat nito ay samahan si Lily palagi at sagutin ang mga tanong ng munting ina.

Nag-aaral pa din naman sya pero pagkatapos ng pag-aaral nagmamanage sya sa gabi hanggang madaling araw ng coffee shop na pag-aari ng ate nya. Sya kasi ang gumagastos sa pangangailangan ni Lily. Ito ang kaparusahan nya dahil sa maling nagawa nya. Araw ng linggo kaya sinamantala nya ang magpahinga at mapanood ang paborito nyang palabas sa animax.

Naglalaba si Kaka ng mga damit nya. Dali na at kakain na, nakahain na ako. Pinatay nito ang TV at in-unplug. Padabog syang tumayo at naglakad na animo'y may bakal ang mga paa.

Lily lumabas ka na nga dyan, pag tinawag ka para kumain bumaba ka kaagad. Hindi pa man sya nakaabot sa may pintuan nakasigaw na sya para marinig nito. Marahas syang huminga ng walang marinig na sagot. Binuksan nya at pinto at napalundag ng may maramdamang kumulbit sa mga paa nya.

What the f*ck Lily! Halos lumuwa ang mata nya sa gulat. Napatingin sya kay Lily na nakakunot nanaman ang noo na nakatingin din sa kanya. Sa posisyon nito halatang gumagapang ito pero hindi naalis sa isip nya ang ganoong reaksyon ni Lily. Napatampal sya sa noo.

Oh no! Wrong move!

Anong f*ck kuya? He cursed silently. Ito na nga ba ang sinasabi nya. Umandar nanaman ang curiosity nito. Agad syang nag-iisip ng isasagot pero nablanko ata sya at 'di makahanap ng sasabihin.Mabuti na lang at naalaa nya ang posisyon nito.

Anong ginagawa mo dyan sa sahig? Gumagapang ka ba? Baka pasukan ka ng lamig. Napasimangot naman ito at gumapang ulit. Pumunta ito sa lagayan ng mga sapatos at kumuha ng isang pares. Umupo ito at pilit na isinusuot ang sapatos.

Ano ba Lily!? Maaga ata syang mahahighblood dito. Napasimangot pa ito ng todo.

Hindi kasi ako makayuko di ko masoot tong shoes na bigay ni mommy. Todo pout pa ito na animo'y batang nagsusumbong. Oh well, bata pa naman talaga ito.

Napahinga sya ng malalim at nilapitan ito. Sya na ang nagsuot ng bagong sapatos nito. Napangiti pa ito ng maisuot na iyon. Napangiti na rin sya ng mapagmasdan si Lily. Limang buwan na ang dinadala nito at maumbok na nga ang tyan kaya siguro di na makayuko. Tumaba din ito at spoiled sa mommy nya dahil lahat ng gusto nito lalo na pag sinusumpong nakukuha. Napailing na lang sya. Hindi nya maikakailang mas gumanda pa si Lily simula ng tumira ito sa bahay nila. Pumuti ito at mayroon nang kulay ang pisnge. Marunong na din itong mag-ayos, salamat sa tulong ni Kaka na all around ata ang talent. Napawi ang ngiti nya nang inabot nito ang dalawang kamay para magpabuhat.

Here we go again!

Ito lagi ang gusto ni Lily ang magpabuhat sa kanya at magpahele sa gabi. Noong una okay lang sa kanya pero sa nakikita nya ngayon hindi na okay. Ang laki na ng tyan nito at domoble ang timbang kaya baka di nya makayang buhatin ito.

Curiosity of an Innocent MindWhere stories live. Discover now