CIM2

8K 81 33
                                    

A/N: Magbunyi!! 🎉🎉

Kailan ako papasok sa school? Marunong na ako magbasa at magsulat. Marunong na din ako ng fraction at division. Masaya ba sa school? Gusto ko pink ang uniform ko. Nasa kwarto sila ni Lily at nanunood ng TV. Nakasandal ang ulo nito sa balikat nya habang hinihimas ang buhok nito. Napansin niyang mabilis antokin si Lily kapag ginagawa niya iyon.

Napatigil siya sa tanong nito at nahulog sa malalim na pag-iisip. Gusto niya ring maranasan ni Lily ang normal na buhay 'yong walang limitasyon pero nagdadalawang isip siya. Kaya na ba talaga nito ang buhay sa labas? Nakakuha na ng diploma si Lily sa elementarya at pwede na itong mag enroll sa highschool pero parang ayaw niyang ibahagi sa mundo si Lily.

Alam niyang makakabuti iyon para dito pero 'di siya mapakali sa pwedeng maramdaman nito sa unang pagpasok nito sa eskwelahan alam niyang maninibago ito. Napabuntong hininga na lamang siya.

Pagkatapos mong manganak at kapag kaya mo na saka natin planohin ang gusto mo. Okay lang ba sayo?

Gaano katagal? Napakamot nanaman siya sa ulo. Hindi talaga ito titigil hanggang makuha nito ang gustong sagot. Alam niyang matalino ito sa katunayan naipasa agad nito ang mga pagsusulit na ibinigay dito para sa elementarya. Mabilis din itong matuto lalo na sa tamang paggalaw at pag-uugali ng mga batang kasing edad nito.

Mga dalawang taon. Kapag medyo malaki na ang baby natin. Hinimas niya ang tiyan nito. Sabik na siyang makita at maalagaan ang anak niya.

Matagal pa pala. Bigla itong naghikab at sumiksik sa leeg niya. Alam niyang matutulog na ito kaya hinayaan na lang. Agad niya namang binuhat si Lily ng mapansing tulog na ito.

Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. Napakabata pa ni Lily pati na rin siya. Maswerte siya dahil may negosyo ang pamilya niya na agad pinamahala sa kanya para sa pangangailangan nila. Napaisip siya sa mga batang kasing edad nila na katulad ng sitwasyon nila. Mahirap. Kahit na may trabaho siya at libreng bahay nahihirapan pa rin siya. Minsan nagsisisi siya sa mga ginawa niya minsan naman natatanggap niya. Magulo ang isip niya lagi madaming katanongan sa isip niya mga bagay na maaaring mangyari kung di niya ginawa ang mga pagkakamali niya. Pero sa bandang huli wala siyang mapagpipilian kundi ang tanggapin ang kapalaran niya kasi ang mumunting anghel niya.

----

Bigshot tayo tol. Hindi kana namin nakakasama eh.

Pinag-iisipan niyang mabuti kung sasama siya o hindi. Matagal tagal na rin mula ng huling lumabas siya. Nasa ikawalong buwan na ang pagbubuntis ni Lily at parati siyang stress dahil biglang naging clingy ito sa kanya at kung anu ano na lang ang pinapagawa sa kanya. Namimiss niya na ang nightlife niya siguro naman kahit papano pwede siyang lumabas ngayong gabi lang naman.

Nagbihis na siya para lumabas. Hindi niya ugaling magsabi sa mga magulang niya kung saan siya pupunta pero malakas ang loob niya na maiintindihan siya ng mga ito. Napapailing nanaman siya. Ito ang mahirap sa pagiging isang batang magulang. Lahat ng ginagawa dapat may isasaalang alang lahat dapat may katutoran alang alang sa anak pero nasasakal na siya minsan. Bata pa siya alam niyang kasalanan niya ang nangyayari sa kanya pero kailangan niya rin minsang magpahinga.

Saan ka pupunta? Napamura pa siya sa isip niya sa gulat. Si Lily nakatingin sa kanya ang inosente nitong mga mata nag-aabang sa sagot niya

Diyan lang sa labas magpapahangin. Dito ka lang. Matulog ka na. Sumimangot at padabog na nagbihis.

Saan ka naman pupunta? Manghang tanong niya rin dito.

Diyan lang sa labas magpapahangin. Napabuntong hininga nanaman siya. Bigla atang sumakit ang ulo niya kaya napahilot siya sa sentido niya.

Lily... Parang ano man oras susuko na siya.

Hindi ito humarap sa kanya pero alam niyang nakasimangot ito. Ginulo niya ang buhok sa inis. Ilang buntong hininga pa ang pinakawalan niya bagi kausapin ito.

Tara sumama ka na sa akin. Lalabas tayong dalawa. Gabi na baka kung ano oa mangyari sayo sa labas. He prayed to god na sana bigyan pa siya ng mahabang pasensya para sa ina ng anak niya.

Hindi rin siya natuloy sa pagpunta sa mga kaibigan niya. Kailangan niyang magsakripisyo kundi mag aalburuto nanaman ang munting ina. Bumili lamang sila ng makakain sa isang fast food at pumunta ng parke. Tuwang tuwa ito na sumakay sa swing.

Madaming pumapasok sa isip niya. Paano kung hindi niya nabuntis si Lily 'di sana malaya pa itong gawin ang gusto at makipaglaro sa kaedad nito. Napailing nanaman siya. Gustong gusto niya ng iuntog ang sarili niya sa pader.

Man up Kayron!

Nilapitan niya ito at pilit na itinuon ang pansin dito. Masaya itong naglalaro sa mabagal na swing. Nililipad ng hangin ang maikli nitong buhok habang nakapikit itong nakatingala sa maaliwalas na gabi. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Maganda si Lily alam niya iyon. Marami itong mararating kapag nagkaroon lang ito ng pagkakataon kundi lang dahil sa pagiging gago niya. Malapad ang ngiti nito na parang walang ibang iniisip. Hindi niya alam kung tatagal ba siya sa ganitong sitwasyon kung kaya niya ba talagang panindigan hanggang sa huli. Pero bahala na ang sagot niya sa mga katanongan niya.

Matuling lumipas ang mga araw. Babae ang naging anak nila. Mas lalo siyang nagdoble kayod sa pagtatrabaho lalo na at kinukulit na siya ni Lily na mag-aaral ito sa susunod na pasokan.

Malaki na ang pinagbago ni Lily. Dahil na rin siguro sa pagkakaroon ng mother instinct ng isang babae lalo na at ginagabayan ito ng mga magulang niya.

Pinag-aral din niya ito ng pagluluto dahil nabobored daw ito sa bahay nila. Hindi niya lubos maisip na makakaya ni Lily ang maging isang ina at asawa. Parang hindi niya na ito kilala pero masaya siya sa pagbabago nito. Hindi na siya nahihirapan sa pakikipag-usap at pagpapaliwanag. Alam niyang handa na itong mag-aral iyon ang magiging malaking sorpresa niya para rito. She deserves everything kaya todo kayod siyang maibigay ang pangangailangan nito. Alam niyang unti unti naitatama niya ang pagkakamali niya at gumagaan ang loob niya sa isiping iyon.

--'
A/N: boring? Next update mag-aaral na si Lily. Magkakaroon na ng conflicts. Masaya to. Haha.

Curiosity of an Innocent MindWhere stories live. Discover now