CIM

11.2K 106 9
                                    

Dalawang buwan na ang nakalipas simula ng may mangyari sa kanila ni Lily. Walang tao ng maihatid nya si Lily sa kanila noon, somehow nakahinga sya ng maluwag pero nagiguilty sya.

Hanggang ngayon di nya alam kung ano ang dapat nyang gawin. Naguguluhan sya at di nya alam kung saan sya magsisimula.

"Tahimik ka ata hijo, may problema ba?" Nakokonsensya sya, ang bait ng mga magulang nya para lang mabahiran ng kawalanghiyaan nya.

"Hindi mo ba tatanggapin ang alok ng tito mo na bakasyon sa New York?" Ang kanyang mama na matamis na nakanngiti sa kanya.

Naisip nya bigla na hindi sya karapat dapat na maging anak ng mga ito. Naghahanap lang sya ng tiyempo sasabihin nya rin naman.

"Oh my golly, I am so pretty and this pretty lady is so tired!" Humahangos na umupo ang ate nya sa upuan at kumuha ng pagkain.

"What happened anak? Para kang di nakakain ng ilang buwan." Napatingin ang ate nya sa kanya na tila ba may nais sabihin bago binalingan ang ama nila.

"Remember Liliy?" Tumango ang mag asawa. Bigla naman syang naging parang tuod. Hell, anong nangyari kay Lily?

"Well, dalawang buwan na syang di nagsasalita at halos di makakain then kanina sinugod naman sya sa hospital dahil akala namin nalipasan na talaga ng gutom then..." Tahimik lang silang nakikinig pero sya di mapigilang pagpawisan ng malapot.

"Is she okay? What happened?" Nag alala na rin ang mama nila kay Lily. Sumubo pa ng ilang beses ang ate nya. Lumunok at uminom ng tubig bago magsalita. Tila ba nagpapasuspense pa ito.

"The doctor said she's 7 weeks pregnant." He heard his parents gasp. Sya naman nanlalaki ang mata at biglang tinakasan ng kulay sa mukha.

Tinitigan sya ng ate nya na para ba may alam ito sa ginawa nya.

"Oh my god, but how? She's so young." Bulalas ng mama nila.

"Seriously love? You really want to know how come a girl can get pregnant?" Tatawa tawa pa ang kanilang papa.

"Lucio!! I don't mean it that way. Magseryoso ka nga."

Nagkatitigan sila ng ate nya. Ilang beses na syang napalunok.

"Maybe we should ask Jayron how come Lily got pregnant." Natigil ang mga magulang nila sa pag uusap at natuon ang tingin sa kanya.

"Why? Alam mo ba kung sino ang may kagagawan Anak? We should report it. Bakit di mo sinabi Jayron? Hinayaan mo pa hanggang sa umabot ng ganito." Nagpapanic na ang kanilang mama.

"Yeah right, bakit hinayaan mo little brother na umabot hanggang dito?"

Naningkit ang mga mata ng ama nila at binalingan si Jayron.

"May kinalaman ka ba sa nangyari kay Lily Jayron?" Dumagundong ang boses ni Lucio sa loob ng dining room.

"Lucio, bakit mo pinagbibintangan ang anak mo? Hindi magaga--"

"I'm sorry ma, pa. I am sorry!" Di nya na mapigilang mapaiyak. Agad naman tumayo si Lucio at sinuntok ang anak. Tumilapon si Jayron sa sahig pero hindi sya gumalaw.

"Dyosko Lucio maghunos dili ka, tigilan mo yan, anak mo yan." Linapitan pa nito sa Jayron at kwinelyohan si Jayron.

"Anong ginawa mo sa bata? Sumagot ka!!" Niyuyugyog pa ni Lucio si Jayron. Pilit pinapatigil ni Helen ang asawa pero tila ba sinasapian ito at galit na galit kay Jayron.

"I-i re-raped her. I'm sorry. I'm sorry." Napatigil si Helen at di napigilan ang asawa ng suntukin ulit ang anak at tadyakan.

"Anong klase kang lalake, di ka namin pinalake ng ganyan." Nanggagalaiti sa galit si Lucio. Of all people, anak nya ang kriminal.

Walang nagawa si Helen kundi ang mapaiyak, di makapaniwala sa narinig. Samantalang ang ate nya ay patuloy lang sa pagkain na parang walang nangyayari.

"St. **** Medical Hospital. Doon namin sinugod si Lily." Tuloy tuloy lang sya sa pagkain.

"Get up, ayusin mo to Jayron." Kumalma narin si Lucio at umakyat na sa kwarto para kumuha ng jacket. Kailangan nilang ayusin ang gusot ng anak.

Tinulungan ni Helen ang anak sa pagtayo. "Im sorry ma, di ko sinasadya." Umiiyak na sya dahil sa sakit ng mga sugat nya at sa katangahang ginawa nya.

"Such a cry baby eh, mag ayos kana puntahan mo si Lily hinahanap ka."

"Sige na anak, magbihis kana, aayusin natin to."

------------------

"Kailangan po ba talaga na doon tumira ang anak ko? Malaking abala na ho, kayo na nga po ang magbabayad ng lahat lahat." Kasalukuyang nag uusap ang mga magulang nila sa loob ng hospital room ni Lily. Nailipat na ito sa private room kaya malaya silang makakapag usap roon.

"Gusto naming maibigay lahat ng pangangailangan ng apo namin pati na rin kay Lily. Hindi naman sa pagmamaliit pero hindi makakabuti ang environment nyo para sa isang buntis lalo na ngayon at maselan ang pagbubuntis ni Lily" Napatingin sya sa kanyang ama. Gusto nya mang tumutol pero wala syang magagawa.

"Naku, laking tulong na ho ito sa amin, kapag ho naisipan nyo na pong pauwiin si Lily wag po kayong mag dalawang isip." Naluluha na ang nanay ni Lily. Di nya akalaing ganito kabait ang mga magulang ni Jayron.

"Hindi ho yun mangyayari, magiging anak na rin namin si Lily, dumalaw kayo kung kailan nyo gusto welcome kayo sa bahay. Ang amin lang mapabuti si Lily at maitama ang mali." Talagang wala na syang magagawa kundi ang panindigan ang mga ginawa nya.

Narinig nila ang iyak ni Lily kaya nagpanic sila. Nagising ito at iyak lang iyak. Pilit nilang tinatanong kung ano ang problema. Natatakot syang lumapit, hanggang ngayon nakokonsensya pa rin sya.

"Kuya, kuya." Patuloy ito sa pag iyak habang tinatawag sya. Napatingin ang lahat sa kanya. Para syang binuhusan ng malamig na tubig. Bigla syang nauhaw.

"Son, what are you waiting? Hinahanap ka." Narinig nya ang boses ng ama at alam nyang dapat syang sumunod.

Unti unti syang lumapit. Pilit sya inaabot ni Lily habang humihikbi. Naramdaman nyang tinulak sya ng ina kaya napabilis ang paglapit nya kay Lily. Inabot nya ang kamay nito. Hinihila sya nito para yakapin at agad nya namang ginawa.

Narinig nyang napatawa ng mahina ang ama nya ng singhotin sya ni Lily at ngumiti at tila ba napayapa ulit itong natulog habang yakap nya.

"Ganyang ganyan ka din Helen ng ipinagbubuntis mo si Jayron." Naibulalas ni Lucio na agad namang ikinapula ng mga pisnge ni Helen.

"Hindi kaya, gawa gawa mo lang yan."

Nagpatuloy ang kulitan ng mga magulang nya.

Napatingin sya kay Lily na payapang natutulog sa tabi nya.

I'll try my best to be a good father.

AN:

Yun, tinapos ko na. Alam ko wala masyadong nagbabasa nito pero proud ako dahil natapos ko to. Sana may mabasa akong feedback alam ko di ito perfect pero sana may maka appreciate.

Kamsahamnida~~

Curiosity of an Innocent MindWhere stories live. Discover now