Chapter 3 Flashback

8 0 0
                                    

Leo Pov

Pagkagising ko naramdaman ko agad ang bigat ng nararamdaman ko agarang tinawag ko ang aking nanay para magpakuha ng biogesic at ng pagkain.

Binuksan ko ang phone ko at tinawagan ko si Dave kasi inaya ko sya nung nakaraan na gagala kami ngayong saturday kaso mukang hindi matutuloy so sobrang bigat ng nararamdaman ko.

"Dave baka hindi ako makasama mamaya kasi napakasakit ng ulo ko" ani ko sakanya.

"Naka-inom kanaba ng gamot?" tanong nito saakin.

"Oo kaka-inom ko palang ng gamot sa susunod na araw nalang tayo mamasyal sorry ah" sagot ko sakanya.

"Ok lang mag rest ka muna dyan" ani nya saakin.

Pinatay kona ang call namin at napag pasyahang mag hilamos muna kasi tanghali nadin ako nagising.Hinanda kolang yung mga kailangan ko oversized t-shirt (mahilig ako sa oversized t-shirts) pajama and syempre underwear ko.

Habang naghihilamos ako medyo guminhawa ang nararamdaman ko at nung natapos akong naligo nagbihis ako at pumunta muna sa baba sa may sala namin.

Maghahanap lang ako ng pwedeng kainin sa ref kasi nagugutom ulit ako, pagbukas ko ng ref kinuha ko yung goya sa ref and yung milk baka kasi mapanis pag di pa ubusin.

Wala akong ginawa magdamag kundi kumain nang kumain at bigla kong naalala ang mga naranasan ko nung highschool ako.Huminto kasi ako ng pag-aaral noong senior highscho ako dahil kapos ang nanay ko kaya naghanap muna ako ng trabaho.

•Flashback•

Naghihintay ako ngayon sa aking boyfriend dahil anniversary namin napag-usapan namin na magkikita kami sa may Feliz pero dalawang oras na ang nakalipas wala padin siya.

Hinintay kopadin ito kahit napakatagal kong naghihintay para sakanya ang akala ko ay may ginawa lang sya pero kahit text or tawag man lang galing sakanya ay walang akong natanggap.Nagulat ako nung tumawag si Dave saakin.

"Hello Leo? nasaan ka?" tanong nito saakin.

"Nasa Feliz ako bakit?" na may halong pagtataka

"Diba anniversary nyo ni Felix?" tanong nya ulit saakin.

"Oo bakit ba ano meron??"dito may nararamdaman na akong mali sa pagtatanong nya.

"Nakita ko kasi siya may kasamang babae dito at magka holding hands sila" ani nito saakin at may sinend siyang picture.

Nung una hindi ako naniniwala na si Felix iyon pero nung tinignan ko nang mabuti ay nakita ko ang bracelet na bigay ko sakanya.Hindi muna nag process sa utak ko yung nakita ko sa screen ng phone ko.

Nakaramdam nalang ako ng mga basa na luha na kanina pa pala umaagos sa mata ko.Agad akong tumayo at umuwi agad sa bahay, pinagtitinginan pa ako ng mga tao dahil sa kalagayan ng muka ko.

Pagkadating ko agad sa bahay namin nagulat si Mama ng makita na ganoon ang kalagayan ko.

Dumeretso agad ako sa kwarto at nagkulong.Iyak lamang ako nang iyak dahil sa pangloloko nya may narinig akong notification doon at nagchat pala yung hayop na si Felix at ang sabi nya.

"I'm so sorry babe may ginawa lang
kasi ako i'm here na where are you?"         message nya saakin.

Kumulo yung dugo ko sa message niya pero pinatili kopading mahinahon ako at sinabing

"Magbreak na tayo Felix manloloko ka" hindi ko na pinatapos ang kanyang susunod na sasabihin at blinock kona agad sya sa lahat ng social media platforms.

Ilang days akong nagkulong sa kwarto hindi ako kumakain or what hindi ako sumasagot sa mga pag tawag ng nanay ko sa labas ng kwarto ko.

Minsan panga ay nakikita ko sa Felix sa labas ng bahay namin at nagababaka sakaling makita ulit ako ngunit hindi pumayag yung nanay ko at pinapa-aalis nya lang sa tuwing pumupunta si Felix sa bahay.

•End of Flashback•

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga naalala ko.

Lumipas ang gabi ay naging ayos na ang nararamdaman ko at inaya nadin ako ni mama kumain.Habang kumakain kami ng hapunan sa hapag kainan tinanong ako ng aking nanay kung ayos naba ang nararamdaman ko.

"Ano ayos naba nararamdaman mo anak?" pagtatanong nito saakin.

"Ah opo ma medyo nahihilo nalang ako" sagot ko sakanya.

"Uminom kapadim ng gamot kahit wala ka ng nararamdaman at bukas ng umaga magpa-araw ka" ani ulit ni nanay saakin.

Napatango na lamang ako ganito si mama kapag may sakit kami ng kapatid ko.

"Kumusta ang pag-aaral mo rayray" pagtatanong ko sa bata kong kapatid.

"Ayos lang naman po kuya may isa nga pong lalaking transfere doon sa school namin ang puti nya po at ang liit ng mata" ani nya

"Ang tawag dyan rayray ay mga chinito kapag maliliit ang mga mata" usal ko sakanya.

"Naging magkaibigan po agad kami kuya ambait nya pa saakin." sabi ni rayray.

"Maganda yan wag kalang makikipag-away sa mga kaklase mo naiintindihan moba?mag-aral ng mabuti" ani ko ulit sakanya.

Napatango ito

Ganito talaga ako sa kapatid ko para na tuloy akong si nanay kapag nanenermon sa kapatid ko.Gusto ko kasi na lumaki siya hindi barumbado.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagligpit ng kinainan namin at naghugas nadin.

Umakyat na agad ako sa kwarto ko pagtapos ko maghugas wala din naman akong ginagawa kaya napagdisisyunan kong mag netflix muna tinuloy ko yung kakagerui na anime napakaganda kasi nya panoorin.

JOURNY TO THE STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon