Moon and Sunset

5 0 0
                                    


"Rach, tara doon!" rinig kong tawag sa akin ni Rose at masayang tumatakbo pa palapit sa swing na malapit lang sa bahay namin. Napangiti ako at masayang sumunod lang din sa kaniya.


"Ang ligalig mo talaga, kapag ikaw nadapa magkakasugat ka pa niyan eh." sermon ko sa kaniya pero napanguso lang siya kaya napatawa ako ulit.


"Rach, kapag nag grade 7 tayo, same pa rin tayo ng school at dapat magkaklase tayo ha! Bawal ka humiwalay sa akin, dapat magkasama pa rin tayo hanggang grumaduate ng college tapos magkakaroon tayo ng trabaho." masayang sabi niya bago umupo pa sa swing at unti unti niya iyon ginalaw. Pumunta naman ako sa likuran niya para itulak iyon ng di gaano kalakas.


"Oo ba, eh ano ba gusto mo kunin paglaki?" tanong ko sa kaniya habang siya ay enjoy na enjoy sa pag swing.


"Hmmm, sabi ni Papa, gumaya raw ako sa kaniya. Magiging lawyer din daw ako katulad niya eh. I mean, wala naman masama doon, pero di ko pa kasi naiisip ang gusto ko talaga. Marami akong gustong gawin eh." sabi niya habang nakatingin sa papalubog na araw. Nasa malapit lang ang mga magulang namin at masayang nagkwekwentuhan din kaya andito kami sa park.


"Kung saan mo gusto, susuportahan kita." masayang sabi ko sa kaniya.


We are inseparable. Sinasabi na nga ng karamihan na para kaming kambal tuko dahil lagi kami magkasama at hindi mawawala ang araw na hindi kami magkikita o makakapag usap at makakapaglaro. Halos sabay din kami umuwi araw araw, mauuna nga lang siya makauwi dahil nasa dulo pa ang bahay namin.


We became friends after noong tinaboy ko ang batang nambubully sa kaniya noong first day of school namin. She has this chubby cheeks at ang cute cute niya. Kaya hindi ko rin maintindihan bakit ba inaasar siya ng mga bully na bata na iyon, after niyon ay hindi na rin siya inasar at tinantanan na siya.


Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang masayang nag swiswing at dinadama ang di gaano kalakas na hangin. She's so adorable.


GRADUATION DAY. Nagmamadali na ako dahil kanina pa ako hinihintay nila Mommy at Daddy dahil andon na rin daw sila Rose at ang parents niya. Kinuha ko na ang toga ko at ang small bag ko dahil andon ang regalo ko kay Rose. Bumaba na ako at naabutan ko sila Mommy at Daddy na naghihintay sa akin.


"Congratualations, Anak!" masayang bati nila sa akin at niyakap ako. Natatawa naman akong humiwalay sa kanila.


"Tara na po baka andon na sila Rose." masayang sabi ko sa kanila at nauna na lumabas ng bahay.


Bumiyahe na kami papunta sa school namin ni Rose at hinanap ko naman siya agad nakita ko siya na parang nag titip toe at parang may hinahanap, nang magawa ang paningin niya sa akin ay ngumiti siya ng napakalaki at tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako. Bigla naman lumakas ang kabog ng puso ko.


"Ang tagal mo, Rach. Kanina pa kita hinihintay. Tara na doon, pipila na tayo para mag martsa. Magkatabi tayo." ang kulit kulit niya habang nagtatalon talon pa sa harapan ko. She's very jolly and carefree. That's the reason why I like her so much.


Nang makarating kami sa pila namin ay pina-una ko siya dahil siya naman talaga ang una, Rose Marquez at ako naman ang Rachel Martinez. Lahat na lang kinakawayan niya, sa buong taon namin ng magkaibigan ay marami rin siyang nakasundo sa pagiging mabai niya. Masaya naman siyang pagmasdan at panoorin habang masaya niyang binabati ang mga naging kaklase namin. Ito na ang huling araw namin sa school namin na ito dahil lilipat na kami para sa junior high school naman.

Moon and Sunset (Short Story)Where stories live. Discover now