"Ma, Pa. Alis na po ako. Babalik po ako before dinner." sabi ko sa kanila at kumaway na bago lumabas ng bahay. 10 am pa lang at napagdesisyunan ko ng umalis ng maaga para makabalik ako agad.
Nilabas ko ang phone ko ng maramdaman ko ang pagvibrate niyon.
(Good morning, Rose.) napangiti ako ng mabasa ko iyon.
(Hi, Good morning. I'll be busy this day, I don't know if I'll be able to message you.) reply ko sa kaniya. Naglakad na ako papunta sa sakayan ng tricycle. Para magpahatid sa sakayan ng jeep.
(Why? Are you okay? May nangyare ba?) reply niya sa akin.
(Oh, bibili kasi ako ng christmas gifts right now. So pupunta ako ng SM ngayon, mag out of town kasi kami ng family ko kasama family ng bestfriend ko kaya bibili na ako ng pang gift.) napapangiti na reply ko sa kaniya. Dumaan muna ako sa coffee shop ni Tita Merlen. Naabutan ko naman siya doon sa counter.
"Hi Tita!" masayang bati ko sa kaniya at lumapit kung asan siya.
"Aba! Andito ang isa sa mga anak ko. Ang aga mo naman ngayon, hindi mo kasama si Rachel? Maaga rin siya nagising kanina eh. Aalis daw siya ngayon.) sabi niya sa akin at nakangiting dinaluhan ako.
"Ay hindi niya po alam na aalis ako ngayon Tita. Pupunta lang po akong SM ngayon para bumili ng mga need bukas. Hanggang ano oras po kayo bukas ngayon?" tanong ko sa kaniya.
"Hanggang alas-tres lamang. Dahil mag-aayos din kami ng mga gamit mamaya. Ano gusto mo, iced chocolate?" tanong niya sa akin.
"Mocha Frappe po Tita, maiba naman po. Hehe" natatawang sabi ko naman sa kaniya at agad niya iyon sinabe sa barista niya. Binigay ko iyong card na binigay niya sa akin noon. Tinanggap niya naman iyon.
"Ay Tita, wala na po pala iyang laman. Hindi ko pa po nalalagyan ulit. Cash na lang po." sabi ko ng maalala kong hindi ko pa iyon nalalagyan ng laman. Pero naiswipe na niya.
"Ha? May laman siya anak." sabi niya sa akin inabot na sa akin ulit ang card ko.
"Po? Magkano po?" tanong ko ng kunin ko sa kaniya ang card. Pinakita naman niya ang screen sa akin. May laman nga itong 2k. Sino naman kaya nagload niyon?
"Ay, hindi ko po alam. Sige po tita, thank you po." sabi ko sa kaniya. Hinintay ko na lang din ang order ko sa claim line. Tinignan ko ang phone ko at nakita na may reply si Jadiel.
(Oh, ako rin. Aalis ako ngayon. Mag-iingat ka, my moon. Message me na lang, enjoy!) napangiti ako sa message niya.
(Ikaw din!) reply ko at tinabi na ang phone ko sa tote bag ko.
Kinuha ko naman na ang order ko ng matapos iyon. "Thank you, Tita. See you tomorrow." masayang sabi ko at lumabas na ng coffee shop at nagpara ng tricycle.

YOU ARE READING
Moon and Sunset (Short Story)
Fiksi RemajaShe's mesmerized by the beauty of the moon, but she also needs to see the beauty of the sunset. "Sunset is breathtaking, right?" Rose said while looking intently at sunset. "No, the moon is much more beautiful than the sunset." Rachel said it while...