"Rach, where are you?" sigaw ko sa loob ng bahay nila. Andito ako ngayon dahil tutulungan ko siya mag-impake ng dadalhin niya bukas. Bukas na ang alis namin ng madaling araw at hindi pa raw siya nakakapagempake.
"I'm here." rinig kong sigaw ni Rach galing sa kwarto niya. Umakyat ako sa hagdan papunta sa kwarto. Nakita ko naman siya na inaayos ang iilang damit na gagamitin niya.
Wala ang mga magulang namin ngayon dahil bibili raw sila ng supply para hindi na kami mahirapan na doon pa bibili sa Bataan. Mag-double date din ata sila kaya hinayaan na namin.
"Oh, ayan lang dadalhin mo?" tanong ko sa kaniya na makitang hindi gaano karaming mga damit ang nakalatag sa kama niya.
"Hindi meron pa sa walk in closet ko. Alam ko naman na malamig kaya magdadala ako ng jacket. Magdadala ka ba?" tanong niya sa akin. Lumapit ako sa maleta niya at unti unti na nilalagay ang pants at shorts niya.
"Yes, dalawa lang din dala ko. Nag iimprove ako. Isang maleta na lang dala ko ha." natatawang sabi ko sa kaniya.
"Aba buti naman ano. Hindi iyong puro gamit mo ang ilalagay sa sasakyan. Para kang maglilipat bahay eh." sermon niya sa akin pero inirapan ko lang siya.
"Pumunta ka na doon at kunin mo ang iba mo pang dadalhin. Bilisan mo na." sabi ko sa kaniya. Tumalima naman siya agad at pumunta na sa walk in closet niya. Hindi ko pa muna nilagay ang iba dahil panigurado may dadalhin pa siyang short niya.
Kinuha ko ang phone niya sa bedside table, hindi ko rin kasi dala ang phone ko dahil dito lang din naman ako pupunta. Pagbukas ay napangiti ako dahil picture namin iyon noong nasa coffee shop kami, feeling ko picture iyon galing kay Tita Merlen. Pag unlock ko ay nagtaka ako dahil dalawa na sa sim niya ang may signal. Hindi ako aware na may dalawang sim ang babaitang ito ah. Tinignan ko ang messages niya para malaman kung naitext na ba niya ako sa ganoong number niya.
Nagtaka ako ng makita ang may name na R. R? Alam kong mali pero inopen ko iyon dahil kuryosidad. Napatakip ako sa bibig ko sa gulat at pagtataka. What? Paano? I can't believe this.
"Rose, —" tumingin ako kay Rach ng matigilan siya na nakatingin sa hawak ko. Nakakunot ang noo ko siyang tinignan.
"What is this? Ikaw si Jadiel? Rachel, what is this?" nanginginig na lumapit ako sa kaniya at pinakita ang convo namin ni Jadiel sa phone niya.
"I can explain, Rose." natatarantang sabi niya sa akin at ibinaba ang mga hawak niyang damit niya.
"Tell me the truth. Ikaw ba ito? Niloko mo ko?" nanginginig na tanong ko pa rin sa kaniya at unti-unti na tumutulo ang luha ko.
"Rose, please. Don't cry. Did you bring your inhaler? Baka atakihin ka." natataranta at nag-aalala na sabi niya. Lalapit pa sana siya sa akin pero lumayo ako.
"Rachel, please. Just tell me the truth!" dahil sa frustration ko at nararamdaman ko, nasigawan ko na siya. "Just tell me the the truth please. Huwag ka magsinungaling." unti-unti humihina ang boses ko habang sinasabi ko iyon sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/302858709-288-k835668.jpg)
YOU ARE READING
Moon and Sunset (Short Story)
Teen FictionShe's mesmerized by the beauty of the moon, but she also needs to see the beauty of the sunset. "Sunset is breathtaking, right?" Rose said while looking intently at sunset. "No, the moon is much more beautiful than the sunset." Rachel said it while...