25

26 5 0
                                    

Violet.

5 year's later

"Ok Mr.Sy, thankyou for contacting me... Yes for sure ako bahala sa bahay niyo... Mas pagagandahin natin yan"

Napangiti lang ako ng matapos ang pag uusap namin ng client ko. kaya agad ako napasandal sa upuan ko at napapikit.

Panibagong project nanaman ang kailangan kong aasikasuhin. need ko mag isip ng bagong design para dito.

"Ma'am" napadilat ako ng marinig ko may tumawag sa'kin. Nakita ko ang secretary ko kaya napaayos ako ng upo

"Why?" Tanong ko agad siya lumapit sa'kin at nilapag ang isang folder

"May meeting po kayo with Mr.Hale at etong folder po about po ata yan sa tree house na nakatayo malapit sa lake. May gusto po kase bumili ng lupa doon a--" napatango lang ako at sinenyasan siya na wag na magsalita

"Alam ko na to Jill, Ako na bahala dito salamat" napatango lang siya at agad lumabas ng office ko.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil naalala ko may gusto bumili ng lupa malapit sa secret place namin. kailangan idemolish ang tree house dahil tatayuan ng isang malaking restaurant doon.

ilang beses ako kinulit ng mga taong gusto bumili ng lupa pero hindi ko sila pinansin dahil important sa'kin ang tree house na yun at ang Lugar na yun sa'kin.

maraming taon na ang lumipas nanatili parin akong pumupunta doon. inaalala lahat ng mga memories namin doon, ayun lang ang nagsisilbing comfort ko kapag namiss ko si Jake.

Pero na realize ko na need ko rin i-let go mga bagay na nakapag papaala sakaniya. Dahil habang patuloy ako sa pag keep ng mga bagay na nakapag papaalala sakaniya mas lalo akong hindi nagiging ok.

Pero nakakatuwa dahil yung pinangako ko sakaniya na aayusin ko ang sarili ko unti unti ko na nagagawa. alam kong matagal na lumipas pero nasa healing stage parin ako

Agad ko kinuha ang ballpen ko at pinirmahan yun agad. maintindihan ako ni Jake bakit ginawa ko to. Masakit para sa'kin pero kailangan ko gawin to para sa'kin.

"Jill!" Agad naman bumukas ang pinto at agad inabot yun sakaniya. Binuksan niya naman yun agad. halata sa mukha niya ang gulat at napatingin sa'kin

"Sure na po kayo?" Binigyan ko siya ng isang ngiti at tumango. Kita ko sa mga mukha ni Jill ang pag aalala dahil alam niya kung gaano ka importante sa'kin ang tree house na yun

"Yes, Just inform me kung kailan idemolish ang tree house na yun dahil may mga gamit pa doon na kailangan ko kuhaain" napatango lang siya at agad lumabas ng office ko

napatingin ako sa right side ng table ko nakita ko kaagad ang picture namin na nakalagay doon. naramdaman ko ang pag patak ng luha ko at agad kinuha yun

Kitang kita ko ang mga ngiti namin dito. Mga ngiti sa labi namin na hindi na muli makikita. Shit! I really missed him!

"I'm sorry, lovey kung pinirmahan ko ang contract para sa tree house natin. ayun na siguro ang paraan para ilet go ang mga bagay na kailangan" agad ko yun niyakap habang humahagulgol sa iyak

"Ma'am t-- oh I'm sorry" napatingin ako sa pinto nandoon si Jill. kaya agad ko pinahid ang mga luha ko at inayos ang sarili ko

"Bakit?" i asked

"Ahh gusto ko po sana sabihin nandito na po si Mr.Hale para simulan na po ang meeting niyo."

"Paki sabi na i-cancel ko muna yung meeting with him. may kailangan lang akong puntahan" napatango lang siya at agad sinara ang pinto.

Still you, JakeWhere stories live. Discover now