04

19 12 0
                                    

Violet.

Kanina pa kami paikot ikot sa subdivision namin pero walang niisa samin nag sasalita. hindi ko alam kung bakit sumama ako sakaniya ng ganitong oras, at siguro kailangan ko rin to para marelax naman tong utak ko dahil kanina pa ako nag iisip ng bagong design para sa new project namin

at natuwa ako sa naitulong niya sakin sa canteen about sa quiz namin. nagustuhan yun ng prof namin at napaka taas na score na nakuha ko. dahil yun sa mga naisip ko at sa naisip niya

"Take my hand, take a breath
Pull me close and take one step" natigilan ako, dahil sa kinanta niya agad ako napatingin sakaniya at napangiti

"I love that song" sagot ko napatingin siya sakin agad. at napahinto sa paglalakad kaya napahinto narin ako

"Sorry?" tanong niya kaya natawa ako at tinignan siya

"I said I love that song, you have a good taste in music" sagot ko napangiti naman siya agad kaya huminga ako ng malalim at napatingin sakaniya ng seryoso "Keep your eyes locked to mine and let the music be your guide" Kanta ko napangiti siya doon

"Won't you promise me?" Kanta niya kaya agad ako naglakad habang siya nakasunod sakin

"It's like catching lightning
The chances of finding someone like you. It's one in a million, the chances to feeling the way we do" Kanta naming sabay. nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at inikot natawa lang ako habang nag sasayaw kami dito sa gitna

"And with every step together we just keep on getting better" sabay naming kanta. nagulat ako nang kargahin niya ako kaya natawa lang laming dalawa. agad niya naman ako binaba habang tawa parin kami ng tawa

"So can i have this dance?" Tanong ko sabay yuko. napayuko din siya at agad hinalikan ang kamay ko

"Can i have this dance?" tanong niya rin at agad ako sinayaw. nagulat kami nang biglang bumuhos ang ulan. nagkatinginan kaming dalawa at sabay nanaman natawa

"ayan umulan na ang pangit daw kase ng boses mo" pang aasar niya. agad ko naman siya hinampas dahil doon

"Loko maganda kaya boses ko" sagot ko habang naglalakad na kami pabalik sa bahay. dahil basang basa na kaming dalawa sa ulan

Nang nakarating kami sa bahay agad ako humarap sakaniya at sabay ngiti. hindi ko alam kung bakit ako ngumingiti ngayon. sa totoo lang siya ang unang tao na nagpangiti sakin ulit

"By the way mas maganda kung nakangit ka. mas bagay sayo" sagot niya. Tinawanan ko lang siya dahil hindi ko alam ang isasagot ko sakaniya dahil ngayon ko lang ulit narinig yan ulit

"And i hate your smile" sagot ko ng kinagulat niya.

"Why? madilaw ba ipin ko para kaayawan mo ngiti ko?" tanong niya natawa lang kaming sabay. sa totoo lang hindi sa ayoko, ayoko makita siyang nakangiti dahil nakikita ko sakaniya si Denzel kapag nakangiti pero ang layo nila sa ugali ni Denzel

"No, pero mag smile ka na ok lang" sagot ko. bigla naman siya ngumiti, mga ngiti niya parang malarectangle na ang labi niya

"Sige na papasok na ako medyo malamig na" paalam ko napatango naman siya

"Goodnight Violet" sagot niya. binigyan ko lang siya ng isang ngiti at agad tinalikuran. pero napahinto ako dahil may nakalimutan akong sabihin sakaniya

"Ahmm goodnight din and thankyou.. Jake" Saad ko at agad na pumasok ng bahay. at agad umakyat sa taas na hindi parin mawala ang ngiti sa labi ko

Nang makapasok ako sa kwarto napasandal lang ako sa pinto ko. shit?! totoo ba to? napangiti ako ng isang lalaking yun?! at napapatawa niya ako! Shit siya lang nakagawa nun

Still you, JakeWhere stories live. Discover now