15

11 6 0
                                    

Violet.

Nandito na ako sa school. sinabayan ako pumasok ni Elena dahil kailangan ko parin nang alalay kahit nakasaklay ako. hindi ko parin maintindihan bakit hindi sumasagot si Jake sa mga texts ko. Simula nung isang gabi na doon siya matulog kinabukasan nun which is kahapon di na siya sumasagot or nagpapakita sakin

"Dito na ang room ko Elena thankyou ah" ani ko ngumiti naman siya kaagad sakin at sabay abot ng bag ko

"No problem basta ikaw. osige text mo nalang ako kapag lalabas ka na ng room para mapuntahan kita dito" tumango lang ako at agad pumasok ng room. napansin ko lahat sila nakatingin sakin kaya napayuko lang ako habang naglalakad gamit ang saklay

"Tulungan na nga kita hindi mo pa kaya bakit pumasok ka pa?" Napatingin ako sa harap nandoon si Enzo. agad niya kinuha ang bag ko at inalalayan naglakad

"Thankyou enzo" sagot ko binigyan lang niya ako ng isang ngiti. nang makarating ako sa upuan ko dahan dahan akong umupo siya naman kinuha ang saklay ko nang makaupo ako at sinandal yun sa gilid ng table ko at inabot ang bag ko

"Call me if you need help ok? mayayari ako niyan ako kay Denzel" nakangiti niyang ani at bumalik sa upuan niya, Napabuntong hininga lang ako nang mabanggit niya si Denzel

Masaya ako na nagagawa ni enzo na tulungan ako or bantayan para kay Denzel. pero hindi niya naman dapat gawin yun dahil si Jake na gagawa nun dahil alam kong naiintindihan ako ni Denzel ngayon kung bakit nagmahal ako ulit

Napatingin ako sa phone ko. niisa wala akong nakitang pangalan ni Jake na nag text or tumawag. ano ba nangyayari doon? ok naman kami ah simula nung umalis siya samin. ang sabi niya kay mom babalik daw siya samin bago daw ako magising kahapon pero hanggang ngayon wala siyang paramdam

Hindi sa praning ako dahil hindi siya nag text or tumatawag sakin. pero nag aalala lang ako sakaniya ngayon. debale na magkikita rin naman kami mamaya sa canteen at doon ko nalang siya kakausapin hindi naman ako galit need ko lang mg explanation niya

"Class may anouncement ako" napatingin ako kaagad sa harap dahil sa sinabi ng prof namin. may dala siyang papel

"Letter to ng dean niyo. pinaaga ang ball niyo para kahit papaano marelax yang mga utak niyo sa friday na gaganapin yun at maraming gaganapin na competition dito da school mga athletes kaya magiging busy tayo sa pag support sa mga athletes ng school natin. pero pagtapos nun kailangan mag ready kayo mag aral kayo dahil malapit lapit na rin ang midtrem niyo" ani nang prof namin naghiyawan naman ang mga classmates ko

Wow ah mabuti nalang naisipan yan ng dean namin dahil stress na kami mga college. at kailangan ko rin muna mag focus sa pag aaral para makapasa sa darating naming midterms

"At kapag nangyari na pumasa kayo congratulations dahil gagraduate na kayo. pero wag masydong exited baka maudlot" nagpalakpakan ulit kasabay ng hiyawan. napatingin ako sa lahat ng kaklase ko lahat sila bakas sa mga labi nila ang saya dahil sa mga narinig nilang balita

Nahagip ng paningin ko si Zarya na siya lang ang bukod tanging nakatingin ng seryoso sa prof namin. niisa wala akong nakitang ngiti sa labi niya. kahapon ganon rin siya hindi siya umiimik nung bumisita sila samin para kamustahin ako

Feeling ko may problema siya talaga. hindi siya nag sasabi sakin, at kailangan ko siya tanungin dahil alam kong kailangan niya nang makakausap na katulad ko at gagawin ko yun dahil naging importante rin siya sa buhay ko

Napatingin siya bigla sakin kaya binigyan ko siya ng isang ngiti. pero agad siya umiwas ng tingin sakin. alam ko may namumuong galit parin siya sakin pero hindi ako susuko hanggang sa mapatawad na niya ako

...

Nang matapos ang klase namin agad ko kinuha ang saklay ko. tatayo saka ako nang bigla akong alalayan ni Enzo. napangiti lang ako sakaniya at unti unti niya akong tinayo

Still you, JakeWhere stories live. Discover now