Over Again
Ito ang hirap kapag walang phone eh. Kapag may gala hindi ako macontact kung andun na ba sila. Di ko tuloy matantya kung andun na sila o mauunahan ko sila. Pero kasi usapan namin 3 eh. 5pm ang show. Siguro nga andun na sila.
Umalis na ko sa bahay saka na nagpunta sa meeting place namin ng isang friend ko. Isang sakay na lang naman hanggang sa venue ng show eh. Sana talaga di pa ko late o di ako masyadong maaga.
"Ate Cza!" untag ko nang makita si Ate Cza sa Mcdo. "Kanina ka pa ate?"
"Hindi naman, Pat. Kakadating lang." sagot niya. "Kanina pa sila trips sa Trinoma. Tara na ba?"
"Sige po."
Umakyat na kami ni Ate Cza sa MRT saka na bumili ng ticket at naghintay sa pagdating ng tren.
"Si trips nagrereklamo nanaman. Bakit daw fafaney nanaman tayo. Hahahaha."
"Actually ate tanong ko din yan eh. Pero no choice. Baka sabihin nila tinakwil na talaga natin idol ni Cas. Hahahaha."
"Ay chrue. Hahahahaha."
Nagtawanan kami ni Ate Cza at nagkwentuhan pa. Sa totoo lang nakakamiss din naman to. Nakakamiss gumala kasama sila. Eh kasi naman eh. Last gala namin nung birthday pa ng kapatid ni Ate Cza. Ay hindi. Overnight pala yun di pala kami gumala nun.
"Pupunta si Maq?" tanong ni Ate Cza maya-maya.
"Sabi. Pero ewan ko dun sa babaeng yun kung pupunta." sagot ko naman.
"Kasi naman yang phone na yan eh. Bakit ba kasi nagpakuha yan eh. Di tuloy matext si Maq."
"Eh yaan mo siya. Malaki naman na si Frencheska. Kaya na niya sarili niya." sagot ko at nagtawanan nanaman kami.
Mga 20 minutes din siguro ang biyahe at nakarating na kami sa last station nitong MRT. Inip na inip na nga kami ni Ate Cza eh. Tapos sila Ate Telle tanong na nang tanong kung asan kami.
"Nasa may Tokyo-Tokyo daw sila Pat."
"Okay po." sumunod na ko kay Ate Cza at nang makita sila ay nagtilian nanaman kami na parang di kami nagkakausap palagi sa phone. Sabagay. Iba ang confe sa personal.
"Ang tagal-tagal. Inugat na kami. Lumiit na tyan ni Teresa. Nakalimot na si Alessia. Wala pa rin kayo." reklamo ni Ate Telle.
"Grabe ka naman saken Telle." sabi naman ni Ate Tere.
"Tara na. Grand entrance nanaman tayo dun dahil late tayo." sabi naman ni Ate Am.
"Mareshki that's what you call, fashionably late. Pero pota. Pakiexplain nga bakit fafaney nanaman tayo? Akala ko ba walang pera guys? Ha?" ani Ate Telle.
"Tanong din namin ni Pat yan eh. Hahaha." sabi ni Ate Cza.
"Casandra, bakit ba kasi nagpafans day nanaman tong idol mo ha?" sabi ko kay Cas.
"Chill lang kayo guys. Ako nagrequest eh. Hahahaha." sagot niya. Binatukan ko naman agad siya saka lang siya tumawa. "Gago ka bes! Hahahaha."
"Ewan ko sayo. Gago ka rin!" sabi ko.
"Sila Yel?" tanong ni Ate Cza.
"Andun na sila sa Sky Dome, Maestra."
"Early bird ang mga jugets. Never forget that guys. Hahahaha." pabirong sabi pa ni Ate Telle.
Pagdating sa Sky Dome ay marami na ang nga nakapila sa labas. Hindi pa ata nagpapapasok dahil sarado pa rin yung pinto eh. Pero 4:00 na. Dapat nagpapapasok na sila diba?