MHL [36] Kapit lang.

4.8K 116 59
                                    

Maraming salamat sa patuloy na nag basa dito sa MHL! Thank you. Nais ko pong i-push natin ang #MHL sa twitter facebook at instagram. Haha. Gusto ko talagang gumawa ng isang group tungkol sa mga lovestories ng Lesbi. :) Gusto niyo ba? Wala naman kasing nag rereply sa akin e. Huhuhu.

Nais ko pong humingi ng paumanhin sa 1 taon kong pag kawala sa Wattpad. Nakakalungkot mang isipin, maraming nagagalit. Hindi ko naman po ginustong hindi ipagpatuloy itong story na ito. Nawalan lang ako ng time, inspirasyon at ideas. 

Ngayong, may time pa ako,ipupush ko na ang pagkakataong ito at hindi muna ako mag c-COC. Charot. Namimiss ko na kayo. Sorry talaga. Hindi ko naman pwedeng gawing isang buong chapter ikkwento ko lang sa inyo yung nangyari sakin kung bakit ako nawala ng matagal. Hahaha. Baka naman walang magbasa kasi out of the story na 'yun no. Pero, thank you talaga! Heto na heto na.

P.S.

Choknat = SAM

Poknat = TRISH

TRISH'S POV

Sumama ako kay Choknat, para naman makabawi ako sa kaniya. 

Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Pero kailangan ko munang lumayo, kahit ito lang. Kahit ngayon lang. Lumayo sa ngayon, alam kong iisipin niyong wala akong kwentang anak pero, hindi ko matanggap. Napaka-aga pa para doon. Hindi pa ko nakakatapos, hindi ko pa sila nabibigyan ng Apo. 

"Huy! Kwento ako ng kwento, nakatulala ka lang diyan. Namiss kita Poknat! Hahaha." Sam.

"Ha? Ang ganda kasi nun eh! Ha-ha-ha!" Nagturo ako, kahit wala naman talagang maganda.


"So what's the problem?" Sam.


"Ha?" 


"Ano ba 'yung problema mo?" Sam.


"Wala, hahaha baliw ka talaga." 


"Tayo lang dito sa kotse, magtatago ka pa?" Sam.


"Wala ngaa" 


"Kapag meron yan. At hindi mo sinabi, dadalin mo yan hanggang pag-uwi, Sige ka." Sam.


"Fine, fine.."

[Kinuwento ko sa kaniya yung nalaman kong balita. Doon lang nag sink in sa akin yung nangyari. Kaya nga napaiyak ako, hindi ko pa kayang mawala ang tatay ko ng ganun ganun lang. Itinabi niya muna yung kotse niya, para maicomfort ako. Dahil sa sobrang iyak ko.]

Dumaan kami sa Mcdo umorder kami ng fries at mcfloat. Syempre, paborito namin yun nung bata kami. Naalala niya pala. Nag aaway kami dati nun kasi ayaw ko ng ketchup pero nilalagyan niya, pero ngayon gusto ko na ang ketchup. 


Nahinto kami dito sa isang tahimik na lugar na may ilog.


"Alam mo ba dito, nung unang uwi ko dito sa Pinas, dito ako dinala nung driver namin. Dahil noon, stressed na stressed ako sa company namin, hindi ko alam kung ano dapat kong gawin." Sam.


"Sabi niya, dito daw siya pumunta kapag namimiss niya ang Pamilya niya sa Cebu. Dahil nga hindi siya pwedeng umuwi, college na ang mga anak niya. Nung una nga napaisip ako eh, anong sense nung ilog na to eh ilog lang siya na marumi, panay lumot.. Tapos habang tumatagal ako sa lugar na yon, naramdaman ko yung comfort na kinakailangan ko. Yung calmness na dapat nararamdaman ko sa ganoong sitwasyon. Humiga pa nga ako sa damuhan, para lalo kong maramdaman yung nature. Naka-suit pa ako noon, pero para sa akin, ayos lang iyon. Nung pumikit ako, naalala kita. Naalala ko yung tricia na makulet at palaging naiinis sa akin.." Sam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Husband is a LESBIAN?!(Book 2) [TAGALOG-ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon