MHL [22] Gusto ko sana..

4.3K 46 4
                                    

A/N:

Pasensya na po kung hindi ako nakapag-update, nagpapamiss lang ako. Chos! :) Humihingi po ako ng pasensya sa mga taong nagcomment at nagmessage pa para lang mag UD ako. Haha. Bawi-bawi rin di ba pag may time? Di pa namin Sem break eh. Pero tingin ko, dapat na akong mag UD! So leggo! :)

P.S. Pinag iisipan ko po kung, magpapamigay pa uli ako ng PDF eh.

CHAPTER 22 

Gusto ko sana..

TRISH POV..

Nagmamadali ako papunta sa condo namin..

Para siyang nanay ko.. daming text at tawag eh! Pero baka nag aalala lang talaga siya.. Sumakay na ako agad ng taxi...

"Manong sa ********* residence po."

15minuteslater..

"Eto po." Inabot ko ang bayad kay Manong at saka bumaba..

Tumakbo ako papunta ng elevator.. 

TING!

Nagmamadali akong pumunta sa condo namin.. Pag bukas ko ng pinto nakita ko si Rence, hawak ang kape at phone niya.. Mukhang hindi siya natulog..

"Mahal.." Tanging salitang nasabi ko.. At mukhang narinig niya naman, nalaglag niya ang kape at phone niya.. Humarap sa akin..

"Trish??! Saan ka nanggaling? Sabihin mo sa akin.. Akala ko ba uuwi ka na kagabi? Bakit di ka umuwi? Nag alala ako sa'yo.. Naghintay ako buong gabi.. Ngayon ka lang umuwi.." Rence..

Di ako nakapag salita.. Mahal niya talaga ako..

"Sorry.." yan lang yata ang masasabi ko.. Humagulgol na ko.. Di ko inaasahan lahat ng nangyari kagabi.. Kahit na nakilala ko si Sam ulit.. Muntik na ako ron..

"Wag ka na umiyak Trish.. Kumain ka na ba?" Niyakap niya ako habang hinahabol ang hininga niya dahil sa mga sinabi niya..

"H-hindi pa..." Nanghihina na rin ako nung sinabi ko iyon..

"Tara na kumain na tayo iinit ko lang yung pagkain.." 

Iinit? Ibig sabihin nag luto siya? First time yata yun? Mukhang namiss ko ang isang parte ng  buhay niya na nag luto siya.. Ano ba yan trish...

Tumulong na ako sa pag handa ng kakainan namin, para naman makabawi..

"Tara na, kumain na tayo.." Alok ni Rence..

"Oh sige.." Sang ayon ko...

Tahimik kaming kumakain.. Di ko alam sasabihin ko eh.. Habang tinitignan ko si Rence, namumutla siya.. Mukhang wala talaga siyang tulog.. Pero di niya sinabi sa akin..

Di ako makapag salita, nakakainis...

"Uhmm... trish.." 

"B-bakit?"

"Gusto ko sanang magkaanak na tayo.." Rence

"Ha?" Tama ba rinig ko? Gusto niya ng magkaanak?

"Wag na lang pala.." Urong nya.

"Narinig ko yon rence, kaso... sino mag aanak?" 

"A-ako.." 

"Sigurado ka na ba? Patapusin mo lang muna ako sa school babe, ako na.." 

"G-gusto ko ring mag kaanak na galing sa akin.."

Bakit kaya? Anong meron?

"Nagpacheck up na rin ako kahapon, hinihintay kita eh. Sasabihin ko sana yung result, pwede na akong magkaanak. Kaso wala ka rito.. Hinintay kita.. Pero okay lang nandito ka naman mahal di ba?"Rence.

"Oo naman hubby ko! Ano ka ba.. Magkakaroon na tayo ng baby! Yehey! Sasamahan kita mahal sa check up! Babawi ako ngayon! Sleep muna tayo ha?" CHUP! 

RENCE’S POV

Ang weird naman ng mga kinikilos ni Trish ngayon..

Kahapon nagpacheck up ako sa Clinic, kasi napaisip ako sa sinabi Carlo.. baka pag gumraduate na si Trish sa Course niya, maging busy na kaming parehas at wala ng time para magkababy pa ako..

Kaya hinihintay ko siya kagabi para sabihin na gusto ko ng magkababy.. Kahit bukas ready na ako sa operation na gagawin ng doctor, kaso di siya dumating…

Hinintay ko siyaa buong magdamag..

First time ko pa ngang mag luto, kasi ayokong nagluluto. Adobong manok ang niluto ko.. Di niya yun favorite pero yun kasi ang madaling instructions sa youtube eh..

Kaya medyo nalungkot ako nung di siya makakauwi agad..  Tapos nag alala ako ng sobra dahil halos 1 am na di pa siya umuuwi.. Tinawagan ko siya.. tinext pero walang reply..

Ginising ko na lahat ng barkada ko.. Pero wala talaga silang alam, tumawag na rin ako sa police station pero ang sabi icoconsider lang daw nilang missing ang isang tao kapag 24 hrs nang nawawala, kaso wala pang 24 hrs eh..

Halos mabaliw ako sa kakaisip.. Naka 5 basong kape ako.. Halos naubos load ko kakatawag sa mga kakilala namin..

Halos, mamutla na ako kakainom ng kape at dahil sa walang tulog..  Sa susunod na uuwi siya ng late, SUSUNDUIN KO NA SIYA..

Magkatabi kami sa kama, pero parang ang bilis niyang natulog.. Pagod  siya… Bakit may galos siya sa siko? Anong meron? Trish, may dapat ka bang aminin sa akin?

Di naman sa nangingialam ako sa gamit pero dahil nga nag aalala ako, tinignan ko yung wallet niya.. Nalaglag ang isang calling card..

“Sam Chua?”

My Husband is a LESBIAN?!(Book 2) [TAGALOG-ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon