MHL [33] Anak

3.3K 49 1
                                    

SAM'S POV.

Alam kong galit din kayo sa akin dahil sa mga ginawa ko, the truth is, mahal na mahal ko si Trish, akala ko siya na ang makakatuluyan ko nung bata pa kami. Kaya lang umalis kami nung bata palang ako. Since then, isang beses palang ako nag kagirlfriend, naging batayan ko ang trish na kilala ko, bago ako makapili ng liligawan. I know it sounds so stupid sa inyo, pero that's what love does to you right? Mahirap pigilan ang puso.

Sana maintindihan niyo, Oo itinanggi ko siya nung una, Ayokong makigulo sa relasyon na meron si Trish, pero naghintay na rin ako ng ganito katagal, susuko pa ba ako? Hangga't kayak o, pipilitin ko. Di ako susuko.

D I A K O S U S U K O!

Di ko alam kung anong klaseng hipnotismo ang ginawa sakin ni Carla at pumayag ako ng ganun. I am a man with honor, ayoko namang sirain ang napagkasunduan na. Saka, ako rin naman ang magbebenefit kapag nagkataon.

Pumunta ako kila Rence, (Oo, tinaon ko na wala si Trish doon)

Kinabahan ako bigla sa ginawa ko.

*TOK TOK!*

Sa kaba ko nahawakan ko pala yung sinisilipan nung door.

"Jessie, ano na naman ba?!" Rence.

*TOK! TOK!*

"Wait lang ho"

"Sino yan?" Rence. Oo, di ako nakasagot sa kaba..

"Sam."

"Sam Chua?"

"Oo."

"oh bakit ka nandito?"

"Gusto lang kitang makausap.."

"Eh ano namang pag uusapan natin? Para san pa?" Rence. Habang nakikipag usap, hinahawakan niya ang tiyan niya, medyo malaki na nga ang tiyan niya. Humaba na rin ang buhok niya.. Para na siyang babae.

"Alam ko namang nakita mo na kami ni Trish last three months na kumain sa resto right?"

"So?"

"I just want you to know that this game is on. Babalik sa akin si trish tandaan mo yan!" I shouted. Pero nakita ko ang kamao nya. Inikom niya ito. Na para bang galit.

"Kahit kailan, hindi siya naging sa'yo kaya kahit kelan, di siya babalik sa'yo GAGO!" Sigaw niya.

"Umalis ka na nga rito! Hindi ka welcome dito!" Pinilit niya akong ipag tulakan, pero nag matigas ako. Hanggang sa huli, di ko sinasadyang matulak siya. Sa lakas, tumama siya sa pader. Narinig ko ang pag kakauntog niya. Ang pagkakatama ng katawan niya sa pader, sa lakas ng impact, napadapa siya.

Hindi ko inaasahan yung nangyari. Hindi ko sinasadya, ni hindi ko alam na aabot sa ganito.

Nang makita ko siyang ganun, natakot ako. Ayokong makulong. Ayokong magkaron ng pagkakamali. Kaya't tumakbo ako..

RENCE's POV.

Tinulak ko siya dahil ayoko ng makarinig sa issue na ito. Sa totoo lang, gusto kong lumayo muna. Hangga't 'di ko napapangak itong sanggol sa tiyan ko.

Ayokong mawala ang baby ko, at lalo na ang asawa ko.

Pinilit ko siyang ipinagtulakan pero sa lakas niya, tumama ako sa pader. Tumama yung ulo at likod. Napadapa ako, pero di ko ininda ito, ang nasa isip ko ay protektahan ang pamilya ko.

Matapos nito, nakita kong tumakbo agad si Sam. Di ko alam kung bakit pero nakita ko ang takot sa mata niya.

Naramdaman ko na lang na may mainit na likido na umaagos sa pagitan ng hita ko.

Hinawakan ko ang hita ko, nakakita ako ng dugo..

Di ko alam ang gagawin ko..

Habang hawak ko ang dugo na nakuha ko sa hita ko, natakot ako.

"Ang baby ko! Oh jusko!" Sigaw ko.

"Ang baby koooo!"

"Tulong! Tulong!" Sigaw ko, i feel so helpless at that time, para bang nablanko ako.

"Tulong po!" Ngawa ko, nagpapanic ako, umiiyak at dinudugo.. Pinilit kong tumayo pero nanghina na ako, sobrang dami ng dugo, di na alam ang gagawin.

Pinilit ko pa ring tumayo, at inabot ang cellphone ko. Nasa kwarto yun..

Oo, nakuha ko pa ang cellphone ko. Pero mas marami ng dugo ang nawala. Dinial ko agad ang number ni trish ngunit walang sumasagot. Sinubukan ko kay Jessie..

"Pare, natutulog uli ako ohhh.."

"Pare, tulungan mo ako, dinudugo ako.. Paree..."

Matapos nun.. Di ko na alam ang nangyari..

-------------------------

Anak?

Clarence?

Mama? Papa?

Anak! Sigaw nung boses. Hinanap ko, pero di ko sila makita. Puti lahat ng nakikita ko.

Anak, namiss ka ni mama!

Nakita kong lumabas mula sa puti ang nanay ko, kamukha ko siya kasama ang tatay ko.

Mama! Papa! Niyakap ko sila agad..

Anak, sumama ka sa amin. Gusto ka na naming makasama.

Gusto ka na naming makasama habang buhay..

My Husband is a LESBIAN?!(Book 2) [TAGALOG-ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon