Prologue

2.6K 53 10
                                    


***

(Tori's POV)

*BOOGSSHHH* Tunog ng nasirang pader habang tumatakas ako sa mga naghahabol saking mga vampire hunters.

"Darn that perverted old man," mahinang bulong ko sa sarili.

Dali-dali naman akong umakyat sa isang malaking puno at doon muna pansamantalang umupo para habulin ang hininga ko.

"Goodness me, ganito pala ka hirap maging isang tao, talaga namang sobrang nakakapagod." Sabi ko sa sarili habang hinahabol ang hininga.

"Hanapin nyo sya ng mabuti, wag nyo syang hahayaang makatakas!" Sigaw ng pinuno nila habang palingon-lingon sa paligid niya.

"Wag ka nang mag tago bampira! Alam naming andyan ka lang sa paligid!"

'Oh alam nyo naman pala e, bakit hindi nyo parin ako makita?'

"Oo nga, wag mo na kami pahirapan pa. Sumama ka na lang sa amin!"

'Ayoko nga, ano kayo sinuswerte?'

"Alam mo, sayang pa naman ang ganda mo. Kaya kung ako sayo, sumama ka na lang sa amin ng kusa, at baka kaawaan ka pa namin."

'Alam ko naman talagang maganda ako, sus may pa compliment pang nalalaman eh. Pero hindi ako uto-uto mga pangit.'

"Tama. Pag sumama ka sa amin ng kusa, hindi ka namin sasaktan."

'Edi wow kuya, sige lang, hindi naman ako tanga.'

"Oo nga miss, hindi ka naman namin sasaktan. Siguro masasaktan ka lang sa sarap."

'Ewwww kadiri! Yuck!'

Hindi ko kinakaya yung mga pinagsasabi ng mga matandang kupal na 'to, sarap ilambitin sa tulay eh. Ang babastos.

"Boss, ayon sya sa taas ng puno!" Nagulat ako sa sigaw ng isang lalaki at hindi ko na pala namalayang papalapit na pala sila sa kinaroroonan ko.

"Fuck! Bilis nila makahanap ng target ha." Agad naman akong tumalon sa may bakod at binilisan lalo ang pagtakbo.
"Kahit kailan talaga pahamak ka sa buhay ko Kyle Harrison!" Pagalit kong sambit.

Bat ko ba kasi ininom yung walang kwentang pills na yun?! Tinanggal lang yung speed at fangs ko pero hindi naman yung pagka bampira ko, bwesit.

'I thought I'll be enjoying my day as a human, but it's just a pain in the gut. I've been tricked! Nakakapagod maging tao ano ba!'

Nagtago ako sa isang madilim na iskineta at maingat na umakyat sa parang hagdanan pa bobong.

"Nasaan na ba 'yon?! Natakasan na naman tayo!!"
"Tignan natin doon at baka doon lng sya nag tatago." Rinig kong sabay-sabay silang nagsi-alisan, kaya naka hinga na ako ng maluwag. Buti na lang talaga at magaling akong tumakas at mag tago kaya natakasan ko sila. Muntik na madale bunay ko doon ha.

Bumuntong hininga ako at umakyat na lang sa matabang sanga ng malaking puno.

'Hayst napagod ako don ah. 'Di na muna ako babalik sa kaharian puro sakit lang ng ulo madadatnan at bubungad sa akin don.'

Hindi ko na namalayan na unti-unti na palang bumabalik ang pagiging bampira ko. Kaya napa sipa na lang ako sa pader dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon.

"Tsaka pa bumalik kung kelan nakatakas na ako. Pambihirang buhay naman oh!" I murmured in annoyance.

Oh it's already late, kailangan ko ng umalis dito baka balikan pako ng mga pangit na vampire hunters.

Be My Queen Where stories live. Discover now