"Nervous?" tanong sa akin ni Kaiden
Tinulak ko siya at agad na sinamaan ng tingin
"Okay pero hanggang friends lang" kunwari napipilitan na sabi ko
"Oh well, kung iyan ang gusto mo" maloko niyang sabi
Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagkunwari na galit at asar para maitago ang nararamdaman.
Isinantabi ko ng mga sandaling iyon ang malakas na pagtibok ng dibdib ko.
And that is the exact magical moment when I realized that Kaiden is one of the important person to me.
The sun setting behind him while his messy hair, tied in a man bun is slightly dancing with the wind. Is definitely my favorite view.
TIME FLIES so fast, papalapit na ang summer ngayon at sa susunod pasukan ay nasa huling taon na ako ng highschool habang si Kaiden naman ay nasa last year na ng Senior High School.
Madaming nangyari. But I think one of the happiest thing happened, ay ang pagiging magkaibigan namin ni Kaiden. He stayed as one of my closest friend na hanggang ngayon ay tinatago ko pa din kila Mommy.
Mom and Dad spend more time together abroad, dahil gusto ni Lolo na bumalik sa dati ang relasyon nila. Which I think is a good thing.
"Andyan na ang sundo mo Flare!" sabi sa akin ng kaklase ko.
I immediately arranged my things. Nagprapractice kasi kami para sa gaganapin namin na stage play para sa isang subject.
I am currently on my 3rd year in highschool, hindi na ito gaya noong ako ay nasa ikalawang taon dahil mas dumami ang gawain.
"Bakit ikaw ang sinusundo ni Kaiden, hindi yung kapatid niya?" Usisa ng isang kaklase.
"Hay nako! Di ba obvious" irita na sabi naman ni Nova na sinundan ng pang-aasar nila.
They keep on pressuring me about the realnscore between Kaiden and I, na sa tingin ko ay wala namang dapat ika-pressure. Boys can be friends with girls naman without romantic feelings diba?
"Tama na nga yan, inip na si kuya oh" sabi ni Hallie sa akin at bahagya akong siniko sabay abot sa akin ng bagong print outs na script.
Napailing nalang ako sa kanila at tinignan si Kaiden na nakahalukipkip habang inip na inip.
"Hindi ka ba sasabay Hallie?" tanong ko sakanya para mabawasan ang awkwardness na nararamdaman.
"Hindi muna, di pa kami tapos nila Nova at Estella sa script eh"
Tumango nalang ako at kinuha ang paper bag pati na din ang scripts na kailangan kabisaduhin.
Agad naman akong sinalubong ni Kaiden para kunin ang mga iyon
"Thank you, alipin ko" nakangiti kong sabi, na umani naman ng tawa sa kanya.
"Busy ka maam ah, mukhang di nanaman ako makaka-date nito" sabi niya habang binabasa ang ilang parte ng script.
Hindi naman na nag usisa pa si kuya sa closeness na meron kami ni Kaiden. Ayos na daw para sakanya na may magbabantay sa akin dito sa Cebu gayong sa Maynila na siya nag aaral ngayon.
"Busy kami. Atsaka anong date date ka diyan. Mahiya ka naman kuya" pang-aasar ko habang pinag didiinan ang pag tawag sa kaniya ng kuya.
"Di ba pwede ang friendly date?" natatawa niya na sabi.
Di ko nalang siya pinansin at nagkwento nalang sa nangyari sa akin sa buong araw.
"Fishball nga manong, atsaka tatlo nitong kwekwek" sabi ko at nagbayad na
BINABASA MO ANG
His Glamorous Downfall
Teen FictionAmethyst Flare Valderama grow up in a strict household. She is used to act as a prim and proper woman. Everything should be perfect. That's what her mom told her. On her young age, freedom is what she is asking for to her parents.... but can she e...