Nagising ako ng madaling araw dahil sa ingay at lamig na naramdaman. Nilalagnat ata ako.
Mariin akong napapikit nang marinig ang boses ni Daddy na tila may kausap.
"Sa susunod kasi na makikipagkita ka sa babae mo, make sure na hindi makikita ng anak mo!"
Bahagyang dumilat ang mata ko ng marinig ang boses ni Mommy. Sinundan iyon ng mahina niyang mga hikbi.
Tanging mabibigat na pag hinga lang ni Daddy ang nadinig ko.
"Papaakyatin ko na ang doktor dito" bigong sabi ni Daddy na tila ba nililihis ang usapan.
Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Mommy sa pisngi ko. Kaya naman kahit medyo masama ang pakiramdam ay dinilat ko ang mga mata ko.
I smiled at her, assuring that I am fine.
"Ano ang nararamdaman mo anak?" She said.
"I'm glad, you're finally home" paos ko na sabi
Ngumiti lang siya sa akin, "Hindi na ako aalis" pinal na sabi niya.
Tumango lang ako dahil dumating na si Daddy kasama ang doktor para icheck ako.
Alanganin akong nginitian ni Daddy at hinalikan sa noo. Hinayaan ko siyang gawin iyon.
"Masyadong mataas ang lagnat niya, kaya mas mabuting magpahinga muna siya ng ilang araw" sabi ng doktor at lumabas kasunod ni Mommy para mag-usap.
Naiwan kami ni Daddy sa kwarto. Ramdam ko ang kagustuhan niya na magpaliwanag pero di niya alam kung paano iyon sasabihin.
"You misunderstood everything anak. She's just my business partner" pagsisimula ni Daddy. "It's not my intention to hurt you, walang namamagitan sa amin" paglilinaw niya.
Kahit na sinabi niya na wala iyon, ay di ako naniwala. Nasaksihan ko ang mga naging usapan nila Lolo at Mommy. Alam ko na may tinatago siya.
I heard him sigh
"Take a rest, madami akong gift na binili para sayo" sabi niya sabay halik sa aking noo ulit bago umalis ng kwarto ko.
Now I am left alone in my cold room
Di ko tuloy maiwasang isipin kung sino ang babae na iyon at kung sino siya sa buhay ni Daddy.
Bigla, ay naalala ko si Kaiden. Paniguradong nabigla din ito at nag alala.
Kahit na sumasakit ang ulo ay kinuha ko ang aking cellphone. Tama nga ako ng hinala dahil pagbukas na pagbukas, ay bumaha iyon ng mensahe na mula sa kanya.
Hindi ko mabasa ang lahat ng iyon kaya naman ay napilitan ako na magsend nalang ng voice message para malaman na safe akong nakauwi.
Matapos iyon ay dinaan ko nalang sa tulog ang sama ng loob na naramdaman.
I WOKE UP feeling better than last night. Magdamag akong binantayan ni Mommy at Daddy na lihim kong ikinatuwa.
"Dapat ay hinayaan mo akong ihatid ka manlang, nagalala ako Flare" nakasimangot na sabi ni Kaiden na ngayon ay ka-facetime ko.
"Hindi ko na naisip" masungit na sabi ko at kinagat ang mansanas
Kaninang umaga pa kasi siya nangungulit sa pag tawag kaya pinag bigyan ko na.
"Mabuti at walang pasok ngayon. Makakapag pahinga ka ng maayos" nakangiting sabi niya.
Mula sa background ay kitang kita ko ang madilim niya na kwarto. Halos kulay gray ang tema nun.
Inirapan ko lang siya at di na sumagot pa
"Huwag mong ibaba ang tawag ha, panunuodin kitang magpahinga" maharot na sabi niya at muling tinuloy ang ginagawa niyang floor plan para sa isang subject
BINABASA MO ANG
His Glamorous Downfall
Novela JuvenilAmethyst Flare Valderama grow up in a strict household. She is used to act as a prim and proper woman. Everything should be perfect. That's what her mom told her. On her young age, freedom is what she is asking for to her parents.... but can she e...