Kabanata 3

31 11 1
                                    

Panay ang buntong hininga ko habang bumabiyahe kami papunta sa paaralan. Tanging si Mommy lang ang naabutan ko sa hapag kainan kanina at niyaya kami ni Rogue mag almusal.

Hindi na ako hinatid ni Daddy dahil maaga daw itong lumuwas papuntang Maynila.

Ang kuya naman ay tulog pa, mas maaga kasi ang klase ko kesa sakanya ngayong first day kaya hindi ko siya kasabay sa pagpasok.

Sayang lang at sa unang araw ng klase ko, ay ang estranghero na ito ang kasama ko.

"Don't you know that what you are doing is rude?" Salubong ang kilay ni Rogue nang lingunin ko siya.

"I'm sorry" sarcastic na sabi ko

Dahil sa totoo lang ay ayaw ko talagang makasama siya sa kotse. And I know, na hindi din gusto ng lalaking katabi ko ang nangyayari.

Matunog ang apelyido ng mga Montreal, dahil gaya namin ay isa din sila sa mga mayayaman na pamilya dito sa Cebu. Pero madalas ay sa Maynila nakadistino ang mga ito.

Masyadong tahimik sa loob ng kotse at ang tanging naririnig ko lang ay ang paghinga namin.

Iniiwasan ko na tumingin sa kanya kaya naman ay nanatili ang tingin ko sa view sa labas. Bahala na kung ma-stiff neck ako.

Minutes later ay nakarating na din kami sa Unibersidad.

Unlike noong enrollment, ay mas madami akong estudyanteng nakita.

Nakaramdam ako ng kaba nang makita kung gaano kadami ang mga estudyante.

Ang ilan sa kanila ay nakatingin sa gawi ko.

"Hindi ka pa ba kikilos?" Malamig na sabi ng binatang Montreal sa akin.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang nang lakad na para bang alam kung saan ako dapat magpunta.

"Alam mo ba kung saan ang building mo?" Tanong niya

"Grade 8 ka pa lang, mas matanda pa din ako sayo. Hindi naman ata tama na ganito ang trato mo sakin" Parang nang aasar na sabi niya sakin.

Nilingon ko siya.

Bigla ay naalala ko nanaman ang itsura ng Binatang Villan.

Umirap ako sakanya

"I don't care, hindi ko naman gusto na kasama ka eh. And please, leave me alone".

Binawi ko sakanya ang mga braso ko at dumiretso na patungo sa building ko.

"Okay then. If you need anything nasa kabilang building lang ako"

Tukoy niya sa building kung nasaan ang mga classroom ng mga grade 9 students.

Napailing nalang ako sakanya dahil sa atensyon na nakukuha niya sa pagsisigaw.

Aaminin ko, may itsura si Rogue. He look so strict yet playful. Binura ko agad ang ideya na iyon nang mapagtanto na nasa paaralan ako para mag aral.

I am just on my 8th Grade, and yet I am already thinking about boys. What's wrong with me.

Nakihalubilo ako sa ilang estudyante habang tinatahak ang aking classroom.

Pagpasok ko, ay kakaunti pa lang ang mga estudyante. Halos walang nakaupo sa unang row kaya naman naisipan ko na doon na lamang pumwesto.

Malaking kaibahan ang pagpasok sa aktwal na classroom kesa sa homeschooled.

Dito mas maraming tao ang makakasalamuha mo, at sa tingin ko mas madali ito dahil mas maiintindihan mo ang ilang lessons.

Napatingin ako sa pinto nang pumasok ang pamilyar na babae.

His Glamorous DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon