Kabanata 10

15 3 0
                                    

Palubog na ang araw sa mga oras na 'yon. Nakapasan ako sa likod ni Kaiden habang tinatahak ang daan papunta sa Mansiyon.

Hindi na kami sa kalsada dumaan at pinili nalang ang tagong daan malapit sa border sa pagitan ng lupain nila at lupain ng mga Valderama.

"Umiiyak ka pa ba?" tanong ni Kaiden nang marinig ang pagsinghot ko

"Hindi ah! Sisipunin ata ako" sabi ko sakanya habang hinigpitan ang pagkakakapit sa kaniya

"Teka lang, sinasakal mo na ako eh" natatawang sabi niya

Kahit ako ay di ko alam kung bakit ba ako napadpad dito  kasama siya. Basta ang pagkakatanda ko ay di na dumating si Manong kaya naman nag-offer na itong mokong na 'to para ihatid ako.

"Ayos ka na ba?" tanong niya sa akin

Hindi ako sumagot at nilagay ang aking baba sa kaniyang likudan habang pasan ako.

Napabuntong hininga ako at pilit na kinalimutan ang problema sa bahay.

"You should talk to your brother about this. Para naman hindi lang ikaw ang namromroblema diba?" sabi niya sa akin

Ayon na nga ang problema, kahit si kuya ay ayaw na pag-usapan ang nangyari. Samantalang ang daddy naman ay patay malisya lang na wala ang asawa niya sa bahay sa loob ng tatlong araw.

Muli ay nakaramdam ako ng galit kay Daddy.

Tahimik lang kaming dalawa habang binabaktas ang daan patungo sa mansyon.

Di nagtagal ay natanaw ko na iyon

"Hanggang dito nalang muna ako" sabi ni Kaiden at binaba ako sa isang troso na nakaharang sa daan.

Pinaupo niya ako doon

"Akin na ang sapatos mo, isusuot ko" sabi niya sa akin

Pinagmasdan ko siya at halata ang pagod sa mukha niya.

He looked so handsome despite of his simple attire.

Tahimik ko iyong inabot sa kaniya at pinanuod siyang lagyan ako ng sapatos.

"Huwag ng ganito na sapatos ang suotin mo. Paniguradong mangangalay ka talaga" sabi nito

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya

I really can't understand his intentions

Bat niya ba ginagawa 'to? May gusto kaya siya sa akin?

Agad akong namula sa naisip

Tumingin ito sa akin pero iniwas ko ang mata ko

"Bukas naman kakausapin mo pa din ako no?" paninigurado niya, tumayo ito at pinagpagan ang shorts na suot

"Depende kung well behaved ka" sabi ko at tinaasan siya ng kilay na para bang nang-aasar

"Ginawa mo naman akong aso" sabi niya dahilan kung bakit bigla akong natawa

"Mauuna na ako Kaiden" paalam ko sakanya

"Ge, una ka na. Baka may makakita sa akin dito ipabaril pa ako" sabay ngisi at hawak sa batok niya.
 
Nauna na akong tumalikod sakanya at nang makalayo na ay nilingon ko ang pwesto niya. 

Nandoon pa din siya at nakatingin pa din sa akin. Kumaway ito at kinumpas ang kamay na para bang pinapaalis ako.

Sa unang pagkakataon ay kumaway ako pabalik sa kaniya at tumalikod na para ipatuloy ang paglalakad pauwi. 

HINDI MAALIS ANG NGITI sa mukha ko sa aking pag-uwi. Pero sumalubong sa akin si Abuelo mula sa sala na abala sa pag-inom ng tsaa.

"Nakauwi ka na pala" sabi nito nang lingunin ako.

His Glamorous DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon