Chapter 15

173 8 17
                                    

FERDINAND'S POV;

Maaga akong nagising, balak ko sanang ipagluto ang mag ina ko kaso hindi ako makatayo nakayakap kasi ng mahigpit sakin si imelda

"S-sweetheart"ungot ni imelda kaagad ko naman siyang niyakap, napansin kung medyo mainit si imelda kaya chineck ko ito

"Nilalagnat ka sweetheart"ika ko at agad na tumayo, nag panic naman ako, kaagad naman akong pumunta kay inay sa baba para sabihing nilalagnat si imelda

"Inay si imelda nilalagnat"ika ko kay inay

"Ay nako delikado na, kumuha ka ng isang plangganang tubig"Ika ni inay kaagad naman akong kumuha ng isang plangganang tubig at sumunod kay inay sa taas, pinunasan ko si imelda baka kasi mas tumaas pa lagnat nya eh

"Imelda kumain kana"ika ni inay at nagdala ng lugaw

"A-ayoko po"tanggi ni imelda napasapo naman ako sa noo, haynako ano ba 'to

"Please sweetheart kain kana"pakiusap ko sa kanya, umiling naman siya alam kung masama ang pakiramdam nya pero dapat ay kumain padin siya

"Kain kana hija, baka makunan ka nan"ika ni inay, agad naman akong namutla baka nga makunan nito si Imelda

Kaagad namang kumain si imelda, napanatag naman ako haynako bakit ba ngayon pa nagkaganito si imelda, pagalingin nyo po siya, oh diyos ko

"Anong nangyari?"ika ni daniel habang dala dala ang kumot nila

"Nagkalagnat eh"ika ko at hindi siya nililingon, ano ba dapat kung gawin?bukod sa alagaan siya?

"Dalhin na natin sya sa hospital"ika ni daniel at inayos ang dala dala niyang kumot

"Hindi na kailangan hijo, hindi na naman masyadong mataas ang lagnat ni imelda kelangan nya lang makapagpahinga"ika ni inay, huminga naman ako ng kay lalim kinakabahan ako baka kung anong mangyari sa mag ina ko, gagawin ko talaga ang lahat para lang gumaling siya, kahit hindi nako kumain o matulog basta mabantayan ko lang si imelda

(Phone ringing)

"Hello, who is this?"tanong ko

"Hello congressman marcos, good morning pinababalik ka sa opisina may kelangan ka paraw tapusin at may meeting din raw po kayong pupuntahan"ika ni gabriel sa kabilang linya napasapo naman ako sa noo, alam kung si gabriel na 'yon tono palang ng pagsasalita eh

"I'm so sorry, hindi pako makakabalik d'yan kelangan ko kasing alagaan ang asawa ko eh"ika ko

"I'm so sorry too congressman marcos pero kelangan na kelangan raw po kayo dito at kung maari nga raw po ay mag impake na kayo ngayon palang"ika ni gabriel napakamot naman ako sa ulo ko, si daniel at inay naman ay basta nakatingin sakin

"Hindi talaga pede, hindi ba talaga kayo mapakiusapan?buntis ang asawa ko at may sakit siya tapos gusto nyong umalis ako dito, nahihibang naba kayo?"sigaw ko sa kabilang linya naiinis na kasi ako, ano ba ang kelangan kung tapusin doon ha

"Dumbass, ang gusto ko lang ay pumunta ka dito we're having a meeting naiintindihan moba 'yon congressman marcos?,basta babalik ka dito sa ayaw at gusto mo!"sigaw ni mr. Arsenio sa kabilang linya

Ginuhit na tadhana (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon