Prologue

29 1 1
                                    

"Margauz, Sasama kaba sa'min?" Nilingon ko ang kaklase ko nang tanungin niya ako pero bago pa ako maka-iling ay nagsalita na ka'gad ang isa sa mga kaibigan niya

"Naku! Huwag mo nang tunungin yan, kahit ilang beses mong pilitin yan, hindi sasama yan"

"True, masyadong suplada" Tawanan nila, Hindi ko nalang sila pinansin at tinabi ko nalang ang mga gamit sa table ko

Hinintay ko silang maka-labas bago ko kunin ang wallet ko sa bulsa ng bag, Wala akong planong makipag kaibigan kahit kanino, marunong lang akong makisama, kung hindi ako tatanungin ay hindi ako magsasalita, ewan ko din, nasanay kasi akong ganito simula bata pa.

Nakakulong lang ako sa bahay at walang kalaro, ibinibigay nila ang lahat ng gusto ko pero kahit kailan ay hindi nila ako binigyan ng kalayaan para maging masaya ang kabataan ko, hindi ako sanay makipag usap at makipag kaibigan

Ayoko rin sa masyadong madaming tao, okay na sa'kin ang mag-isa, masaya rin naman dagdag pa na sanay na ako

Naglakad ako papuntang canteen para bumili ng recess ko, wala naman akong masyadong gagawin dahil second week palang naman namin ito

Mabuti nalang ay walang masyadong tao dahil karamihan sa mga estudyante ay nakabili na but they are so loud

Nakakunot ang noo ko habang nakapila sa fries stall, sikat ito kaya nagpasalamat ako dahil naabutan ko pa, kadalasan kasi ay palaging nauubos

"One large fries po, barbecue" I simply said before getting my money from my wallet

"Iha, ngiti ngiti naman! Ang ganda ganda mo kaya!" Napalingon ako sa nagbebenta at tipid siyang nginitian

Habang iniintay ko ang order ko ay pinapanood ko ang mga estudyante na nagtatawanan at kumakain kasama ang mga kaibigan nila, kahit ganito ako ay hindi ko pa rin maiwasan isipin kung ano ang pakiramdam ng may mga kaibigan, masaya kaya?

"Ito na, ganda" Nabalik ako sa katinuan nang tawagin ako ng tindera

"Thank you po" Pagpapasalamat ko bago naglakad paalis, pabalik na sa classroom, alangan naman dito ako kumain nang mag-isa, I will probably look stupid

Napasinghap ako nang mapansing biglang dumami ang tao sa loob ng canteen at mas lalong umingay noong dapat palabas na'ko

Pinilit kong makipag siksikan sakanila dahil ayoko na dito

"Hoy! Laxus! Hintayin mo'ko, susuntukin kita!" Napailing ako nang marinig iyon, kahit hindi ko naman sila kilala, grabe naman ang bunganga nun at rinig na rinig

"Gago!" Nanlaki ang mga mata ko nang may maramdaman akong humila sa palda ko, muntik na itong mahila pababa kaya nataranta ako at nasuntok ang lalaki!

"Hala!" Rinig kong sabi ng kasama niya

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil parang lahat ng tao ngayon dito sa canteen ay na sa'min ang atensyon

Hindi ko alam kung saan ako babaling, kung sa lalaki ba na nasuntok ko o doon sa fries na hindi ko pa nababawasan! Natapon!

Napaatras ako nang tumayo bigla ang lalaki, hindi ko makuha ang iniisip niya

"Bakit?! Anong nangyari?"

"Sinuntok niya si Ethan?"

"Huy, hala hindi ba magagalit si Ethan?!"

Rinig na rinig ko ang mga pinagsasabi ng mga estudyante na nanonood sa'min

I can't talk but I can't leave either!Sana pala ay hindi nalang ako nag recess

Napaupo ako sa upuan na nasa likod ko nang maglakad pa palapit sa'kin yung Ethan na sinasabi nila

Epitome of Clashing PersonaWhere stories live. Discover now