07

1 0 0
                                    

"Margauz" napalingon ako kay daddy na seryosong nakatingin sa'kin

"Po?"

"Ano 'tong nalalaman ko? sino iyang lagi mo raw kasama ha?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya, sino ba?

"Sino po?" pinilit ko ang sarili kong maging kalmado

"Huwag ka nang mag maang-maangan pa!lalaki raw! boyfriend mo ba' yun ha? sinasabi ko sa'yo" tuloy tuloy na sabi niya,bumuntong hininga ako nang mapagtanto kung sino ang sinasabi niya

"Kaibigan lang po" tinignan niya ako na nanlalaki ang mata

"Ano? tigilan mo'ko!layuan mo 'yun kung ayaw mong ilipat kita ng school!" naglakad na lang ako palabas para sumakay sa kotse dahil baka ma late pa ako, wala naman kaming ginagawang masama, mabait si Ethan

Komportable ako sakaniya, bakit hindi maintindihan iyon ng mga magulang ko, bakit ba ayaw nila ako magkaron ng mga kaibigan! nakakasakal sila

Buong byahe ay ayun lang ang nasa isip ko, pa'no na ngayon? wala akong choice kundi iwasan siya, ayokong malipat ako ng school at ayokong madamay siya sa ugali ni daddy

Huminga ako ng malalim bago tuloy tuloy na pumasok sa room, napatigil ako nang makita agad ang lalaki na naka-upo sa upuan ni Aeriah kung saan katabi ng upuan ko. Si Aeriah naman ay halatang naiinis dahil hindi siya maka-upo

"Hello" iginalaw niya pa ang kamay niya habang may malaking ngiti sa labi, hindi nagbago ang ekspresyon ko at tuloy tuloy na ibinaba ang bag ko bago umupo

"Good Morning" bati sa'kin ni Aeriah, matipid ko siyang nginitian, siguro naman ay ayos lang na magkaron ako ng kaibigan na babae

"Hala, bakit sa'kin wala?" he pouted like a kid, iniwas ko ang tingin ko sakaniya kaya lumipat siya ng pwesto kung saan makikita ko siya "May nagawa ba'ko?" mahinang tanong niya, umiling ako para tumigil na siya pero mali ako

Lalo siyang lumapit sa'kin habang nakanguso

"Uy, may problema ka ba?" malambing na saad niya, nilingon ko si Aeriah para manghingi ng tulong, mabuti nalang ay nagets niya kaagad ako

"Mamaya mo na kausapin, wala ata sa mood, give her time" mataray na sabi niya sa kaniyang pinsan

"Pa'no mo alam?" nag-iba ang boses ni Ethan

"Hello? babae rin ako, ganiyan talaga kami minsan duh!" tumango tango ang lalaki bago nagsalitang muli

"Ah, totoo ba? mukha kang lalaki" babatuhin na sana siya ng notebook ni Aeriah kaya naglakad siya palabas pero agad ding bumalik at lumapit sa'kin

"Ano andito ka na naman?" giit ni Aeriah pero hindi siya pinansin ng lalaki

"Sana hindi ka galit kung galit ka sorry ha, sorry kung may nagawa ako pero alam ko wala naman ako nagawa" kumamot pa siya sa ulo niya "Huwag ka nang magalit sorry na uwu" narinig ko ang malakas na tawa ni Aeriah kaya sinamaan siya ng tingin ni Ethan bago naglakad muli palabas

"Bakit ba kasi, sis?" mahinang tanong ni Aeriah habang tinatakpan ang ballpen niya

"Wala" maikling sabi ko kaya kumunot ang noo niya

"Anong wala? ano nga?" pamimilit niya

"Wala nga"

"Weh? siguro may pinagseselosan ka, ano?" agad akong napalingon sakaniya nang sabihin niya iyon, anong pinagsasabi nito? kanino naman? at bakit?

"Huh?" nagkunwari pa akong hindi naintindihan ang sinabi niya

"Hay nako, ano nga?" hinarap ko siya para tumigil na siya sa kakatanong

Epitome of Clashing PersonaWhere stories live. Discover now