12

5 0 0
                                    

"Umalis kana dito!" sigaw ni Aeriah habang ako ay nakaupo lang at inaatupag ang mga notes ko

"Edi ikaw umalis! ikaw naka isip eh" inirapan siya ni Ethan na kanina pang andito kahit kanina pa namin siya pinapaalis dahil busy lahat ng students ngayon.

Exam week na namin next week kaya pinaghahanda na kami ng mga teachers namin

"Ano? mahal na mahal? hindi na kayang hindi mawalay?" sarkastikong tanong ng babae

"Shut up, inggit ka lang"

"Ethan, mag focus muna tayo sa exam, please" pagsasalita ko, agad siyang napalingon sa'kin at parang nag liwanag ang mga mata

"Sure! ipeperfect ko ang exam para sa'yo!" tuwang tuwa siyang tumakbo palapit sa'kin at nanlaki ang mga mata ko nang bahagya siyang yumuko at akala mong hahalikan ako sa pisngi

"Hoy!" agad na saway ni Aeriah

Napakamot siya sa batok niya at pilit na ngumiti sa'kin

"Galingan mo! sa'yo ako forever! ikaw ang top 1 sa puso ko!" sunod sunod na sabi niya at parang batang kumakaway habang natakbo palayo

"Naku, hindi talaga tayo makakapag focus kung palagi siyang andito!" galit na sabi ni Aeriah pero hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pag aayos ng notes ko

Ang balak ko ay aayusin ko muna lahat ng notes ko bago ako mag review para maayos, gusto ko kasi ay iyong hindi na ako malilito

"1 week lang tayo makakapag review 'no!" pagpapatuloy niya

"Oo, kaya mag review ka na" saad ko

"Hays, hindi pa ako nakakapagsimula napapagod na ako!ayoko na, gusto ko na mamatay-"

"Ang ingay mo, Aeriah!" sigaw ng kaklase namin kaya napaismid na lang ang babae at nanahimik

Focus na focus naman talaga ang lahat dahil tinakot kami ng mga teachers na mahirap daw talaga ang exam namin ngayon..

At dahil uto uto sila ay todo review sila ngayon.

Noong napagod na ako sa pag aayos ay tinabi ko na ang mga gamit ko sa bag at kinuha ang cellphone ko dahil kailangan ko magpahinga

"Wow! tapos kana? tara na magchikahan, alam ko namang gustong gusto mo na" tuwang tuwa na lumapit sa'kin si Aeriah

"Chismakers" saad ko kaya mahina niya akong hinampas

"Tigilan mo'ko! dapat lumayo layo ka muna kay Ethan para makapag review tayo ng maayos"

"Kaya kong mag review kahit andiyan siya" napatitig naman siya sa'kin at hindi makapaniwala sa sinabi ko

"Grabe, parang ayaw mo na rin malayo sakaniya" pang-aasar niya, inirapan ko lang siya bilang sagot

"Wala namang masama dun" pagpapaliwanag ko, normal lang naman 'yon sa magkaibigan ah

"Ay sus" tinaas baba pa niya ang kilay niya

"Tara na lang kumain" inaya ko siya dahil naririndi na ako sa kakaasar niya, wala na ata 'tong magawa sa buhay niya

"Crush mo ba si Ethan?" biglang tanong niya kaya napatigil ako

"Hindi" agad na sagot ko

"Weh?" hindi ko siya pinansin at dumeretso na lang sa stall ng donuts

"Oh, speaking of the devil" nakapamewang na sabi ni Aeriah nang makita niya na nabili rin si Ethan

Nagtataka kong tinignan ang lalaki nang hindi niya pinansin ang sinabi ni Aeriah, hindi rin siya lumingon saamin na para bang hindi niya kami kilala

Epitome of Clashing PersonaWhere stories live. Discover now