09

5 0 0
                                    

"Mabuti na lang at ngayon ang birthday ko!" tuwang tuwang sabi niya habang isinusuot ang relo na binigay ko, dala niya rin ang cake na bigay ko na kinuha niya pa sa ref ng canteen dahil ipinalagay niya kanina, yung fries naman ay kinain na raw niya kanina

"Bakit?" tanong ko habang pinapanood siyang ayusin ang mga regalo ko

"Kung december baka hindi ko na kayanin!"  mahina siyang tumawa

"Huh?" tanong ko, hindi makuha ang tinutukoy niya

"Kasi kung december, edi december pa tayo mag-uusap" he made a sad face

"Balita ko half day tayo ah!" sabi ni Aeriah habang palapit sa'min

"Oo, birthday ko raw kasi, mag pasalamat kayo sa'kin mga slapsoil" mayabang na sabi ng lalaki

"Akala mo naman talaga, bakit anak ka ba ng presidente para icancel nila ang klase at icelebrate ang birthday mo? tuloy tuloy na sagot ni Aeriah

"Oo, bakit?minamaliit mo ba ang magulang ko? president si mommy ng mga bingohera at si daddy sa mga majong!" pagbibiro ni Ethan kaya bahagya akong natawa

"Bye na nga, ganiyan ba talaga kapag birthday? nag tatransform na ang mga kiti kiti sa utak?" sabi ni Aeriah at ngumiti sa'kin bago nagpaalam na aalis na

"Huwag kang kakain mamaya!" pahabol na sigaw ni Ethan at nagreklamo pa sa'kin na paepal daw ang pinsan niya, hindi naman daw kagandahan

"Birthday na ni Ethan, birthday na ni Ethan! birthday-ni-Ethan, get get aw!" napalingon ako sa grupo ng kalalakihan sa hindi kalayuan, tinatawanan lang sila ni Ethan dahil sa pag kanta nila

"Happy birthday sexbomb Ethan!" bilang pag sulpot ni Nate habang kasunod niya si Keon sa likod niya

"Uy, may unggoy" turo ni Ethan

"Kainin na 'yang cake na' yan! mamigay ka para biyayaan ka pa ng isang birthday ni Lord!" sigaw ni Nate

"Ulol! bumili ka ng iyo sa birthday mo! wala ka bang birthday?!" malakas na sigaw ni Ethan kaya tinawanan siya ng mga kaibigan niya

"Damot" pabirong sabi ko

"Cake nga ipinagdadamot ko, ikaw pa kaya?" ngumisi siya bago tumabi sa'kin "Totoo ba 'yun? nag sorry ka sa' kin?" curious na tanong niya kaya tinawanan ko siya

"Oo, bakit?" tinaas ko ang isa kong kilay sakaniya

"Sabi kasi nila hindi raw marunong mag-sorry ang mga babae, baka lalaki ka talaga ha?!" napairap naman ako dahil sa sinabi niya, sa'n niya ba iyan nakukuha

"Eh? Balita ko hindi raw marunong makuntento sa isa ang mga lalaki?" inosente naman siyang tumingin sa'kin at mahinang tumawa

"Oh, edi babae talaga ako?!" bibong saad niya

"Baliw" pag-iling ko

"Sa'yo, sa'yo lang mababaliw" ngumisi pa siya sa'kin

"Mga banat mo, mga banatan pa noong kasagsagan ng buko at sirena eh" umakto naman siyang nasaktan dahil sa sinabi ko

"At least true feeling 'yun!" proud pa na sabi niya

"Akala mo purket birthday mo ay makakalagpas iyang ka-cornyhan mo" ismid ko

"Luh! corny mo naman, ikaw ba kailan mo ba ako babanatan?" kumindat pa siya

"Ngayon na!" tumayo ako at umaktong susuntukin siya pero tinawanan niya lang ako

"Omg! sige, willing me!" malokong sabi niya

"Okay, bahala ka hindi na ako pupunta sa dinner mamaya" pang-aasar ko

Epitome of Clashing PersonaWhere stories live. Discover now