03

2 0 0
                                    

"Dito ka sa'kin!" Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin ako bigla ni Ethan mula kay Aeriah, masama siyang tinignan nito at hinawakan ang braso ko para mapunta ulit ako sakaniya

Nasa gym kami ngayon dahil may event kami ngayon, may bibisita raw samin para sa career orientation

"Ano ba!" inis na sigaw ni Aeriah dahil hawak hawak na naman ako ng pinsan niya, hindi naman ako maka angal dahil sa sobrang lakas nilang dalawa

"Nasasaktan siya! huwag mo siyang hawakan" Napatitig ako kay Ethan nang yakapin niya ako at iginilid para hindi na ako mahatak pa ni Aeriah pero ayaw talaga magpatalo ng babae dahil lumapit pa rin siya

"Dun ka nga! STEM ka diba?!"

"Ayun oh! Si Keon may katabing babae!" Agad na napalingon si Aeriah kung saan tumuro si Ethan, agad akong hinila ng lalaki palayo sa kaniyang pinsan at tuwang tuwa nang magtagumpay siya sa plano niya

"B-bakit?" utal na tanong ko nang marahan niyang hawakan ang braso ko at tignan ito

"Baka lang napahigpit hawak namin eh" sagot niya habang kinukuha ako ng upuan, inayos ko ang palda ko dahil kahit may short ako ay mahirap na ang panahon ngayon

"Ito oh" hinubad niya ang jacket niya at ipinatong sa hita ko para matakpan ito

"Yung jacket mo at cap nasa bahay pa" sabi ko dahil hindi pa naman iyon nalalabahan

"Sa'yo na yun, tabi mo sa pagtulog para always together tayo" pag ngisi niya dahilan para kumunot ang noo ko

"Huh?" bakit ko naman gagawin iyon?hindi ko na nakikita ang sarili ko na gagawin iyon ng dahil sa lalaki

"Joke lang" mahinang sabi niya kaya tinanguan ko nalang siya

"Hoy, huwag kayong mag daldalan, nagsisimula na oh" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Nate sa likod namin habang katabi si Savanah, nginitian niya lang ako kaya binigyan ko rin siya ng ngiti

"Kasama mo na naman 'yan, susumbong kita kay tita" pag irap niya, tinutukoy ang nanay ni Savanah

"Tita mo, mama ko" mahinang tawa niya

"Huy, huwag mong paasahin! napakasama talaga ng ugali mo" pag iling ni Ethan at sinenyasan si Savanah na ayain na paalis ang kaibigan, sinunod naman ito ng babae at hinila ang uniform ni Nate para makabalik na sila sa upuan nila

"Good Morning, students!" malakas na bati ng emcee, agad namang nag sisagutan ang mga estudyante "So what are your thoughts about college? your dream profession and dream school?"

Hindi kona naintindihan ang emcee nang kausapin ako ni Ethan

"Margauz,anong gusto mong maging trabaho? diba abm ka?" napatigil ako dahil sa tanong niya, napalunok ako bago magsalita

"Uh, business woman" pag-iwas ko ng tingin

"Bakit? I mean gusto mo ba'yun?" Napabalik ako ng tingin dahil sa tanong niya, pa'no niya nalaman?

"Hindi, gusto ng parents ko" deretsang sabi ko, nakita ko ang gulat sa mga mata niya pero ngumiti pa rin siya sa'kin

"Ikaw pa rin naman dapat ang mag dedesisyon hindi ba?" hindi ko pinansin ang sinabi niya at hindi na nagsalita "Anong gusto mo?" I kinda feel happy about his question, for the first time may nagtanong din kung ano ang gusto ko

"Wala pa eh, hindi ko malaman" pag-kibit balikat ko, hindi na ulit dinugtungan ito at natahimik nalang

Noong lingunin ko siya ay nakatingin lang siya sa harap mukhang malalim ang iniisip

"Gusto mo tulungan kita? Hanapin na'tin kung anong gusto mo?" Binigyan niya ako ng malaking ngiti at hinintay ang sagot ko

"Pa'no?" curious na tanong ko, pwede ba iyon?

Epitome of Clashing PersonaWhere stories live. Discover now