CHAPTER 6

7.2K 300 28
                                    

Avi POV

Nandito ako ngayon sa sala. Hinihintay si mommy dahil sabi ni manang eh umalis daw ito.

Tinignan ko naman ang orasan. Alas dies na ng gabi pero wala parin siya.

Napabuntong hininga nalang ako.

Hindi ako makakasama sa field trip hangga't wala ang permiso niya. Inuunti unti ko ang sarili ko na tanggapin siya.

Napatayo ako nang makita siyang pumasok. Gulat naman itong napatingin sa akin.

"It's getting late, sweetheart. Why are you still up?" tanong nito at lumapit sakin.

"Uhm," tumikhim muna ako. "May field trip kasi kami this coming Friday. I want to ask your permission." sabi ko.

Natahimik siya sandali.

"Do you want to go there?" tanong nito. Tumango lang ako.

"Okay... If that's what you want, then I will allow you to go there." ani nito sabay ngiti. Napangiti na rin ako at bigla siyang niyakap.

Nang mapagtanto ang ginawa ko ay agad din akong kumalas.

"S-Sorry, uhm. Matutulog na ako." sabi ko ng hindi makatingin sa kanya ng diretso. Tumalikod na ako.

"Goodnight, Mommy Trix." huling sabi ko bago umakyat.

Simula ng mawala ang magulang ko, si manang na ang nag silbing guardian ko. Siya ang umaattend sa mga event na kailangan may guardian.

May binigay na ticket sa amin si ma'am Acosta, at sinabing kailangan papirmahan daw yon sa guardian. Sign na pinayagan ang bata na makasama sa field trip.

Pinirmahan naman ni manang yon, pero ang sabi niya, kailangan ko rin daw ang permiso ni mommy Trix. Dahil ngayon, si mommy na raw ang tumatayong guardian ko.

Pero ayokong malaman ng iba ang tungkol sa kanya. Ewan ko, pero yun ang pakiramdam ko. Kaya hindi ko hinahayaang ihatid niya ako sa classroom.

Gusto ko sanang sabihin yon sa kanya, kaso nag-aalala akong maoffend siya. I'm the type of person na concern sa mararamdaman ng iba. Hindi ako nagbibitaw agad ng salitang alam kong ikasasakit ng damdamin nila.

Kaya nag iisip ako ng paraan kung paano koba sasabihin sa kanya sa paraang hindi siya masasaktan.

Napailing nalang ako sa mga naisip at pinatay ang ilaw bago humiga.

I should rest na, dahil may quiz pa kami bukas.

---

"GOOD MORNING." napatingin ako kay mommy Trix ng batiin niya ako.

"Good morning." bati ko pabalik. Hinila niya naman ako papuntang dining area.

Pinaupo niya ako malapit sa kanya at sinimulan niyang lagyan ng pagkain ang plato ko.

Napalinga linga ako sa paligid dahil parang may kulang.

"Nasaan sila manang?" tanong ko habang nililibot ang paningin sa baway sulok ng bahay.

"Pinag day off ko." sagot nito. Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

"Kailangan niya rin ng day off, sweetheart. Kahit hindi sabihin ni manang, alam kong nangungulila rin siya sa pamilya niya." sagot nito habang abala parin sa pag lalagay ng pagkain sa plato ko.

Napatango nalang ako.

Hindi ko agad naisip yon, hindi ko naisip na kailangan niya rin makapiling ang pamilya niya. Nanatili siya sa tabi ko, samantalang siya, pamilya niya. Nangungulila sila sa isa't isa.

My Hot Mommy (GXG) Where stories live. Discover now