Avi POV
DAY 1
Time check: 6:10 AMNagising ako dahil sa wawang. Pupungas pungas akong bumangon. Kusot kusot kopa ang mata ko habang palabas ng tent.
"Nasaan ang sunog?! Nasan?!" napatingin ako kay Faith dahil sa biglaang sigaw nito. Halata sa kanya na natataranta siya.
Natawa ako nang makitang nasubsob siya kakamadali.
Nawala antok ko ron ah.
Lumabas na rin yung ibang mga kasama namin. Halos hindi na ako makahinga kakatawa dahil kitang kita sa kanila ang pagka-taranta.
Sino bang hindi matataranta kung pang-pagising sa inyo eh wawang.
"Good morning, everyone." napatingin kami kay Ma'am Acosta.
"Good morning, ma'am." bati namin pabalik. Tumango lang ito at ngumiti sa amin.
"So I guess, gising na ang mga diwa niyo?" nakangiting ani nito. Nagsimula namang magreklamo ang mga kasamahan namin. Ngunit tawa lang ang sinukli ni ma'am.
"So since lahat kayo ay gising na, oras na para gawin ang unang activity. Kung saan, nakasasalay ang magiging breakfast ninyo." paliwanag ni ma'am.
"Grabe ma'am, akala ko bakasyon to. Bakit may activity?" reklamo ng isang kasama namin.
"Nakinig kaba sa sinabi ko kahapon pagkarating natin dito kahapon, Ms. Valdez?" tanong ni ma'am. Pero nagkamot lang ng ulo si Ms. Valdez.
"Syempre, hindi lang hayahay ang gagawin ninyo rito. May mga activities din kaming inihanda para hindi mabulok ang katawan ninyo. Alangan namang nakahilata lang kayo buong araw, diba mas boring yon?" sabi ni ma'am. Tumango nalang kami.
"Ang first game natin ay may inihanda kaming sampung flag. Nakasulat don yung magiging breakfast ninyo. Halimbawa ay cereal. Hanapin ninyo sa buong paligid at pag nakahanap ay pumunta agad dito upang i-claim ang prize." paliwanag ni ma'am.
"Ma'am, sampu lang? Hindi ba kulang yon? Masyado kaming madami." sabi ni Faith.
"Sa sampung flag na yon, isa roon ay special. Nakalagay naman yon don sa flag. Kung sino makakuha non, siya ang mag de-desisyon kung ibabahagi niya ang napalanunan niya sa kasamahan niya o hindi. Wish niyo nalang na sana mabait ang makakuha non." medyo natatawang paliwanag ni ma'am. Nag angalan naman ang karamihan samin.
Unfair nga yon, paano nalang kung masiba yung nakakuha non? Kawawa naman kami.
"So let's start, dapat before mag seven-twenty ay matapos na kayo. Time starts now!"
Agad kaming kumilos pagkasabi ni ma'am. Hindi ko nakasama si Faith dahil bigla nalang nawala.
Habang naglalakad, nag iisip ako kung saan ba pwedeng mailagay yon.
Tumitingin tingin ako sa paligid, baka makakita ako kahit isang flag.
Chineck ko ang oras at nakitang 6:28 na. Kailangan kong makakuha kahit isa.
Habang naglalakad, may nakita ako sa di kalayuan.
"Si Dale ba yon?" bulong ko sa sarili. Pinasingkit kopa ang mata ko para malaman kung siya ba.
Nakasandal siya sa isang puno habang may kausap sa telepono.
At gaya nung una naming pagkikita, ibang lenggwahe parin ang gamit niya. Hindi ko alam kung anong lenggwahe ba ang ginagamit niya dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganyan.
Balak ko sana siyang puntahan nang makita si Faith. Nagtago ako sa isang puno at sumilip.
Kilala ba ni Faith si Dale? Bakit niya pinuntahan si Dale?
YOU ARE READING
My Hot Mommy (GXG)
FanfictionAvi is one of the smart student. She have looks that everyone admires. She gets everything she wants, but there is something she can't get. Her freedom. She's stuck to her hot mommy, Beatrix.