Avi POV
Kinakabahan ako habang pauwi sa bahay. Kasama ko parin hanggang ngayon si Faith, si Gianna naman umalis na. May aasikasuhin pa raw siya.
"Bakit ba ang likot likot mo, Avi?!" iritang tanong sakin ni Faith. Napakagat ako sa labi. Hindi ko nalang siya pinansin at kinalma ang sarili.
Pero agad ding nabawi nang makita kona ang bahay namin. Mas lalo lang akong kinabahan.
"Bye, Avi! See u on Friday!" paalam sakin ni Faith, nag beso muna kami bago siya umalis. Hinintay kopang mawala sa paningin ko ang kotse niya bago humarap sa gate namin.
Huminga muna ako ng malamin bago pumasok. Naginginig pa akong hawakan yung doorknob. Gusto kong umatras, pero hindi pwede.
Pagkabukas ko, walang Mommy Trix ang bumungad sakin. Patay din ang ilaw, hindi paba siya nakauwi?
"Bakit ngayon kalang?" napatalon ako sa gulat ng biglang may nag salita. Sinubukan kong tignan kung nasaan, at ayun. Nasa unang palapag siya ng hagdan habang nakasandal at may hawak na wine glass na for sure wine ang laman. Nakatitig din ito sa akin, na para bang may ginawa akong masama.
"A-Ano..." sa loob-loob ko, sinasaktan kona ang sarili ko dahil hindi ako makapag salita.
Umalis ito sa pagkakasandal at naglakad papunta sakin. Kinabahan naman ako kaya napaatras ako.
Hindi siya tumigil maglakad papunta sakin kaya todo atras parin ako.
Huli na ng maramdaman ko ang dingding. Nakatitig parin siya sakin, hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.
Inilagay niya sa gilid ko ang kaliwang kamay niya, habang yung isa ay may hawak paring wine.
"Diba sinabi kong susunduin kita?" napalunok naman ako at napayuko.
Guilty naman ako ron, sadyang nakalimutan ko lang talaga.
"Alam mo bang mahigit isang oras ako nag hintay don sa labas ng skwelahan mo? Kung hindi pa ako napansin ng guard, hindi pa ako uuwi." mas lalo akong na guilty dahil sa sinabi niya.
"S-Sorry, mommy..." mahinang ani ko habang nakayuko parin ako.
"Look at me." utos nito. Kaya kahit naiilang ay tumingin ako sa kanya. Napaiwas din agad ako ng tingin.
"I said look at me, Avi." napalunok na ako dahil tinawag niya ang pangalan ko. Dahan dahan naman akong tumingin sa kanya.
Hinawakan niya ang baba ko, at inilapit ang mukha niya kaya mas lalo akong kinabahan.
"You should be thankful because I can't do that..." hinimas niya ang pisngi ko at bumaba ang tingin niya sa labi ko. "For now."
---
Maaga akong nagising para ipagluto si Mommy Trix. Pang peace offering dahil sa kasalanan ko.
Naalala ko naman ang ginawa niya kagabi. Pagkatapos niyang sabihin yon, iniwan niya nalang ako ng basta basta.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong, “You should be thankful because I can't do that, for now?“
Napailing nalang ako at nagluto ng sinangag na may hotdog, at hotdog din at itlog. Sunny side up egg ang niluto ko dahil yun daw ang paborito ni Mommy Trix. Lalo na yung malasado.
Nang matapos akong magluto, nag handa na ako ng dalawang mga kubyertos para sa aming dalawa.
Kahit sabihin na lumaki ako sa mayamang pamilya, marunong ako mag luto at ng gawaing bahay. Lalo na kapag nagkakaroon si manang ng emergency at kailangan niya umalis. Mga dalawa o tatlong araw ang tinatagal niya.
YOU ARE READING
My Hot Mommy (GXG)
FanfictionAvi is one of the smart student. She have looks that everyone admires. She gets everything she wants, but there is something she can't get. Her freedom. She's stuck to her hot mommy, Beatrix.