CHAPTER 28

5.4K 131 17
                                    

Beatrix POV

Dali-dali kong tinawag ang tatlo para ipaalam na na-decode ko ang code.

"Alam moba kung saan 'to, Tita Trix?" tanong ni Rence.

"Yes, I know where it is. That's one of my condo here." sagot ko habang iniistart ang kotse.

"You owned?!" hindi makapaniwalang tanong ni Johan. I just nod.

Pagka-start ko ay mabilisan ko itong minaneho. Dumaan ako sa shortcut para mas mabilis kaming makarating.

"I hope she's okay." rinig kong saad ni Sammy.

"Sana si Faith din." dagdag naman ni France.

I hope both of them are fine. Specially my sweetheart. Hindi ko kakayanin pag nawala siya.

Pagkarating namin ay agad kaming bumaba sa kotse.

Mukhang nagulat pa yung receptionist dahil nakita niya ako. All my employees here ay kilala ako kahit na minsan lang ako bumisita rito dahil namalagi ako sa ibang bansa.

"Lara, may dinala ba ritong babae?" tanong ko kay Lara, manager ng condo ko.

"Uh, Ma'am Beatrix, dito po tingnan niyo po rito." sabay abot sa akin ng laptop kung saan makikita ang mga nag check-in.

"Mahihirapan tayong mahanap sila dahil “R“ lang ang nakalagay don." sabi naman ni France. Napabuntong hininga naman ako.

"Sa second floor, sabi rito sa sulat." biglang sabat ni Johan. Tatakbo na sana para pumunta sa second floor pero hinila ako ni Johan.

"Why?!" may halong inis na tanong ko sabay tingin kela Rence na tumatakbong paakyat sa second floor.

Pinakita niya naman sakin ang sulat. Tinuro niya ang code name na “R“.

"Oh?" nasabi ko nalang dahil hindi ko maintindihan.

"R din si Rence."

France POV

Hingal kaming nakarating sa second floor. Isa-isa naming binuksan ang mga pintuan. Binigay sa amin kanina sa susi.

"Teka, nasaan sila Tita Trix?" biglang salita ni Rence. Napalingon naman kami ni Sammy dahil hindi namin napansin.

"Ayun, may pinaguusapan yata sila." turo ni Sammy. Sumilip naman ako.

Nag taka ako dahil parang hindi maipinta ang mukha ni Tita Trix, at si Johan ay seryoso.

Minsan lang mag seryoso si Johan kaya nakakapag taka.

Pinagpatuloy nalang namin ang pag bubukas ng mga pinto.

Ang nakakapagtaka lang, walang naka-room sa second floor. Lahat ay nasa first floor, third floor hanggang fifth floor.

Halatang pinagplanuhan.

"May nahanap naba kayo?" napatigil ako.

"Wala pa, Tita Trix. Pero ang nakakapagtaka lang, walang naka-room sa buong second floor. Nabuksan na namin lahat ng kwarto rito pero walang tao." sabi ko.

"Huh? Eh ang nakita ko, maraming nag check-in dito sa second floor." sabi naman ni Tita. Nagkatinginan kaming lima.

"Ma'am Beatrix!" napalingon kami sa sumigaw.

"Oh? Lara? Bakit?" tanong ni Tita.

"Ito po," sabay pakita ulit ng laptop. "May nagbayad po rito sa buong second floor pero gumamit po ng iba't ibang pangalan. R po ang pangalan nung nag bayad."

"Sabi na." saad ko.

"Sige Lara, maraming salamat." pag papasalamat ni Tita. Tumango naman yung Lara at umalis na.

My Hot Mommy (GXG) Where stories live. Discover now