Chapter 13

54 15 0
                                    

Maaga akong nagising, kahit na gusto pang pumikit ng mga mata ko ay pinilit ko itong ibuka. Nakakahiya sa susundo sa akin ngayon at madatnan pa ako mahimbing ang tulog. Mahirap pa kung mukha akong mangkukulam sa itsura ko. Baka hindi good morning ang mabigkas ko at 'hihihihi' ang masabi ko. Lalo na at hindi pa ako makapag-moveon sa massage niya kagabi at kaunti lang ang tulog. I got a fight with my inner self if I should believe or not. But all I can say is believe I can fly.

"Aray" daing ko. Tumama ang balakang ko sa may hagdan. Yan! Malaya kang lumipad.

"HAHAHAHAHA" tawa ng mga kasama ko. Imbis na tulungan ay tinawanan pa ako. Si Alona na nagsusuklay, si Tala na may tinapay pa sa bibig, si Ami na nakadungaw sa may banyo at may bula pa sa ulo at si Hiraya na napatigil sa pagluluto. Tila tumigil ang mundo, at tinawanan ako. Nakakahiya.

Tumayo ako agad at mas lalong ininda ang sakit. Bakit ba kasi nag-day dreaming ako at natuloy ang iniisip ko. Ang lumipad ng malaya sa maaliwalas na kalangitan, "tawa-tawa pa kayo dyan, bumagkas sana kayo sa exam".

Hindi pa rin sila tumigil sa pagtawa at naglupasay pa, "bakit ka naman kasi lumipad?" hindi na makapagsalita ng maayos si Alona sa kakatawa. Hnampas pa niya ang lamesa.

"Aba malay ko ba, puyat kasi ako" I reasoned out. Naupo na ako at nagsimula ng kumain. Sakto naman ang labas ni Ami at naiiyak na dahil sa pagtawa. Mga walang hiyang ito, hindi maka-move on.

"Fly High Butterfly!" si Hiraya.

***

"Paro-paro G!" sigaw ni Tala sa may sala. Nagliligpit ako ngayon ng mga pinagkainan namin. "Nandito na ang sundo mo" dagdag pa nito.

Hindi ako alam kung sino ang tinutukoy niyang paro-paro G, pero alam ko lang na ako ng tinutukoy niya doon sa may sundo. Iba na ako ngayon! Iba-iba na ang sundo, huwag lang sana si San Pedro. Tumakbo ako agad sa may labas, pinagpagan ko pa ang kamay ko na basa.

Bumungad sa akin ang napakagwapong nilalang, matangkad, maputi, at malaki... ang katawan. Kung ito ba naman ang susundo sa akin sasama na ako everywhere, basta hindi ako sisingilin sa gas.

"Good morning!" I greeted him. Inaya ko siyang pumasok sa loob, hindi para pakainin o alukin man lang ng kape pero para ipabuhat sa kaniya ang mga ibebenta namin mamaya. Gusto niya yan e.

"Good morning" bati niya naman sa mga kasama ko. Nadatnan niya si Alona at Tala sa may sala.

"Upo ka, anong gusto mo coffee or juice? Water nalang kaya" alok sa kaniya ni Tala. Desisyon rin ito e, wala naman kaming juice nagaalok pa.

"No, hindi na" pagtanggi ng lalaki.

"Araw-araw bago ah" bulong sa akin ni Alona, tinulak niya pa ako sa may likuran.

"Aray ah! Yung ano ko kanina" giit ko. Talaga namang masakit, lalo na nung tinulak niya pa ako. Nakuha naman ng pagsigaw ko ang atensyon ni Elliot.

"Yan kasi, tatanga-tanga ka" ani Alona, susundutin niya pa sana ang likod ko kaya umiwas na agad ako.

"Ikaw ba naman lumipad. Alam mo ba Elliot may nag-paro-paro G kanina" asar sa akin ni Tala.

His gazed went on me, "who?" he curiously asked.

"Iyon oh!" turo sa akin ni Tala at ngumuso pa. Hilahin ko yan e.

Nahihiya naman akong tumingin kay Elliot, ewan ko sa istura mukha siyang naaawa or natatawa. "Puyat ng kasi" pagdadahilan ko.

"Bakit ba kasi puyat?" ani Alona na nangingiti pa.

"Baka sinong pumuyat?" gatong pa ni Tala.

"Wala wala, mga bwiset kayo" laban ko naman. Naupo ako sa tabi ni Elliot, gusto ko sana siyang alukin ng pagkain pero wala naman akong maiaalok. Naubos ko kasi kanina, mukha naman kasi siyang rich kid kaya hindi na kailangan.

Breezes of the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon