Chapter 15

49 14 0
                                    

A/N: Don't forget to follow me!

I am busy preparing for the Student's Night later. Nahihirapan din ako ngayon sa pagpili ng susuotin kong damit. Summer attire ang napiling theme, hindi naman ako pwedeng mag-bikini baka hindi ako papasukin. I have different clothes that are laid on my bed. I have maxi dress, ternos and croptops and wide leg pants.

"Oh, tagal mong mamili dyan ah" ani Tala na nakasandal sa may pintuan. Hindi kasi ako makapili ng maayos, hindi ako sanay sa mga ganito.

"Is this good?" turo ko sa isang one-sided bodysuit. It is in color white with a metal design on the strap.

She went near me at pinagmamasdan ang pinakita ko sa kaniya. Tala has a good taste when it comes in outfits. She can even be a model in a fashion show. She loves dressing herself with different outfits that she bought and ordered online.

"Wear this" she handed me a white maxi dess with a minimal design of flowers. "Call me kapag mag-aayos kana. Maliligo lang ako" she added before leaving my room.

"Thank you!"

Cael will be my date later. When he asked me to be his date, hindi na ako tumanggi. I've decided to focus myself on things that will not cause harm on me. From my past experience I don't want to turn-down other people for just a simple things, masakit ang mareject. And I don't want others to feel what I experienced before.


"How are you?" Tala asks while doing my makeup. I told her to put a light makeup on me because I'm not used to wear heavy makeup look.

"I'm always good" sagot ko habang nakapikit. I don't want her to see my eyes. It might be a simple question for others, but for me it's not. "You? How are you with Sinag" I asked her back.

"We're good, actually he will be my date later" I know from her voice that she's happy. Sinag is an ideal man, with his sense of humor, kindness with a bonus good look, they are perfect match. "But are you really okay? These past few days, you look occupied and sad. May problema ka ba?" she worriedly asked.

Am I okay? I don't really know the answer. A tear drops from my eye. Pinawi ko ito agad, "it's okay to cry pero ang hindi okay ay magpanggap kang ayos ka lang" she caught me.

"May naalala lang" I lied. I don't want her to worry, I don't want them to be worried. As far as I can, itatago ko ito. Hindi napang siya umimik napansin niya siguro na ayaw kong magkwento.


I didn't get any update from Cael. Kahit sa groupchat naman ay wala itong paramdam. Marami na akong message sa kaniya pero hindi pa rin nagrereply. Baka abala lang sa pag-aayos sa kaniyang sarili.

"Oh wala pang mahal na araw pero biyernes santo na iyang mukha mo" bungad sa akin ni Alona. Kanina pa kasi ako aligaga dito. Lahat ng mga kaklase at kaibigan ko ay nakaayos na at ako ay hindi pa nakabihis.

"Si Cael kasi e" hindi pa rin niya talaga ako nirereplyan, kanina pa ako nag-aalala sa kaniya.

Tumabi ang babae sa akin habang nilalagay ang hikaw sa tenga niya. "Oh napano naman?" tanong nito.

"Hindi ako nirereplyan e"

"Baka busy lang naman, o kaya walang load. Nega ka no" ani nito.

"Bakit 'di ka pa nakabihis?" kakababa lamang ni Hiraya. Nakasuot siya ng puting bestida, para siyang isang diwata. Bagay sa kulay ng kaniyang balat. Kasabay niya rin si Amihan at Tala. Lahat sila ay handa na, ako nalang ang hindi.

Hindi ako sumagot. Tinatamad na tuloy akong pumunta. Aba! Ikaw ba naman ang tanungin kung pwede kang maging ka-date tapos hindi pala darating. Paasa sila sa part na iyon.


"What's up guys" sigaw ng kung sino. Lahat kami ay napatingin sa may pintuan. Nakatayo doon si Sinag at sa likod naman niya ay si Lakan. Anong ginagawa niyo dito?

"Ingay" saad ko. Inirapan naman ako ng lalaki at linapitan ang kaniyang LOML (love of my life) edi sila na. Hindi na nga lang ako pupunta.

"Oh bakit 'di ka pa nakabihis?" tanong ni Lakan at tumabi sa akin. "Hindi ka pupunta?" dagdag pa nito.

"Ano bang paki..." nakatingin sa akin si Amihan. Biglang umurong ang tapang ko. 

"Dalian mo, sumabay ka na sa amin. Baka hindi ka na sunduin ng kadate mo. Anong oras na rin" ani nito.

"Baka hindi na ako pupunta" saad ko. Gusto ko nalang magpahinga ngayon. Napabaling lahat sila ng tingin sa akin. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Bakit naman?"

"Kay Cael ba?"

"Tawagan mo na nga"

"Masama pakiramdam ko. Tsaka gusto ko nalang magpahinga" hindi sila kumibo. Kaya umakyat na ako sa kwarto at agad na humiga. Narinig ko naman na nag-uusap pa sila sa baba at ilang minuto lang ay umalis na.


Nagising ako sa tunog mula sa cellphone ko. Hindi ko namalayan na thirty minutes na pala akong natutulog. Wala na talaga akong balak pumunta, may next year pa naman e.

"Hello?" bungad ko.

"Where are you?"

"Sa bahay. Bakit?"

"Labas ka"

Huh? Wala naman akong inorder ah. Tinignan ko naman ang screen ko at si Elliot pala ang kausap ko. Bakit nasa labas ito? Akala ko ay si Celine ang kasama niya?

"Wear your clothes. We'll attend the party" at pinatay ang tawag.


"Bakit ba nandito ka?" Hinihingal na ako sa kakamadali. Hawak ko pa lahat ng gamit ko, at ang sandals ko.

"Get in" he open the door for me. Luh, bago yata ito ah. Yayamanin talaga. Hinila niya pa ako para makapasok sa loob. Tinignan ko pa ang itsura ko sa may salamin at ayos lang naman ito. Maliban sa labi ko na wala ng lipstick. Naghanap pa ako sa bag ko para lagyan ng kulay ang labi ko.

"Seatbelt" he said while starting the engene. Hindi ko ito pinansin dahil abala ako kakahanap. Nagkandahulog-hulog pa ang laman ng bag ko.

"Oh bakit ka lumalapit?" tanong ko sa lalaki na nasa harapan ko.

"I said seatbelt"

"Sorry naman no" at pinaandar niya na ang kotse.

"May lipstick ka ba?" tanong ko sa kaniya. Wala kasi akong nadalang lipstick at nagbabakasakali ako na may dala niya dahil pula ang labi niya. Lipstick lang ba ito?

"I have on the compartment. Buksan mo nalang" there I saw a pink lipstick.

"Bakit may ganito ka?" pag-aakusa ko sa kaniya. "Bakla ka ba?" tanong ko ulit.

"I don't use lipstick" he said.

"Bakit pula iyang labi mo?" linapit ko pa ang mata ko sa labi niya. Nagpa-lip tatto ba ito?

"It's natural Cel"

He called me Cel. So he's thinking of Celine while with me. Lumayo ako agad at binalik ang lipstick sa compartment niya. Tumingin nalang ako sa labas para libangin ang sarili.

"Hey are you okay?" He asked.

Tumango lang ako bilang sagot. Kinuha ko nalang ang cellphone ko para tignan ang messenger. Nagtype ako at agad na isinend kay Sinag.

AC: Pahiram ng lipstick.

Sinag: Aanhin mo ang lipstick? Wala ako nyan.

AC: Panghiram mo ako kay Tala, kunin ko nalang mamaya. Salamat.

"I'm sorry"

"Bakit?"

"For calling you Cel"

Hindi ako kumibo. Ang layo ng Cel sa AC.

"Can I just call you Cel?"

"Bakit?"

"You're Celestine right. A lot of people call you AC, that's why I want to call you Cel" he explained.

"How's Cel?"

"You?"

"The other Cel"

"She's fine..." he eyes were drifted into the road, "I think".

Bumalot ang katahimikan sa amin. No one dared to talk. As if he or I said something bad that makes us silence.

"You how are you?"

"I'm fine" here they are again. Do I look not fine? Mukha bang problema nalang ang itsura ko?

"With Cael?"

"We're good"

"Why do you asked?"

"He is supposed to be your date right?"

"Yeah. But he did't came. Kaya tinamad na rin akong pumunta. Kung hindi ka lang mapilit, hindi talaga ako aattend."

"Hindi naman kita pinilit" he said.

"Ay hindi ba?" we both laughed. 

"Ikaw kamusta ka?".


"I'm goo..."

"With Celine" I cutted him off.

"She left" and sadness cover his eyes.



"Si Elliot lang pala ang sagot" linapitan agad kami ni Sinag ng matanaw kami.

"Dalangin ko ba siya?"

"Hindi ba?" tanong ng katabi ko. Hawak niya ang bag ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit niya ito kinuha. Akala ko nga nung una magnanakaw e.

"Luh asa ka"

Tumikhim naman agad ni Sinag at tumataas pa ang kilay habang palipat-lipat ng tingin sa amin. Ahitin ko kaya yan.

"Oh" ani nito sabay abot sa akin ng lipstick. It is a nude one.

"Thank you!"

"Hoy anong thank you? May bayad iyan no" tukoy niya sa lipstick.

"Anong bayad ka diyan? Hindi naman sayo ito e" balik ko sa kaniya. I was about to put lipstick on my lips when a hand stop me.

"Let me fix your strap" Elliot said pertaining to my ribbon strap. Hindi ko napansin na nalaglag na pala ito. Sinag look at me differently, an accusing look. Inirapan ko agad ito.

"Sige na, alis na ako" hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa akin. Bumaling naman sa kaniya si Elliot. "Baka nakakaabala na ako" at tuluyan ng umalis.

"Why didn't you used the lipstick on the car?" Elliot asked after fixing my strap. 

"It's pink, and I don't use pink" I explain. "At baka sa mga babae mo iyong lipstick".

"I don't have girls, and besides it's mine"

"You don't use lipstick, don't you?" I'm trying to catch him.

"It's natural Cel"

"I'm not Celine, and don't call me that" at iniwan siya doon.


"Ayan na!"

"Dumating din"

"Akala ko may kiss"

"Anong kiss ka dyan?" turo ko kay Nathaniel. 

"Sabi ko ang ganda ng lipstick mo" pagiiba niya.

"Where's Cael? Akala ko siya ang kadate mo" tanong ni Liam. All of them have there partners. Para tuloy kaming nasa reunion at dala nila ang mga asawa nila. Maliban sa akin na wala akong kasama dahil isa na akong madre. 

"Akala ko rin" sagot ko.

"The program will start in five minutes, be ready!" sigaw ng kung sino. Lahat ay nag-ayos na at pumunta na sa may pila. We all need to ramp to enter the venue.

"Sinong kapartner mo?" tanong ni Alona. Kasama siya ngayon si Lakan.

"Required ba iyon? Kaya ko naman mag-isa ano pa't pinanganak akong maganda para hindi kayang rumampa mag-isa" pagdadahilan ko. 

Maraming nagtangkang mag-aya na maging kapartner ko pero tinakot ng mga lalaki sa harapan ko. Sabagay mukha naman silang aswang. 

"Sabay ka nalang sa amin" Tala suggested. Agad na bumaling sa akin si Sinag at ngniwian ako at umiiling-iling pa. 

Edi don't. 

Umiling ako agad, "hindi na".

"Sa amin?" tanong naman ni Alona. Pinanglakihan naman ako ng mata ng kasama niya. Bakit hindi kaya nila sabihin na ayaw nila akong kasama? Gingawa pa nila akong third wheel.

"Hindi na no, kaya ko naman"

"Let me be your partner" ani ng lalaki na kakarating lang at agad na hinawakan ang kamay ko. Agad ko itong tinignan at bumaling ng tingin sa pagkakahawak niya sa akin. "Let me, even just in this moment. I'm sorry for being late".



Breezes of the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon