"Hoy! Ano na? Pakopya" sabi ni Anaya kay Averie bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi nito at iniusog naman ni Averie ang kamay para makakopya ang kaibigan
"Anong meron?" tanong ni Jazlyn na kakadating lang sa loob ng classroom nila at napatingin naman ito sa buong paligid nito na halos ang salitang maririnig ay 'pakopya'
"May assignment!?" tanong nito bago napatingin sa sinasagutan ni Averie
"Oo, kumopya ka na lang" sabi ni Anaya na mabilisang sinusulat ang sagot ni Averie
"Ara! May sagot ka sa four? Yung essay" tanong ni Averie sa kaibigan na si Victonara, Ara for short
"May assignment?!" gulat na tanong nito bago ilapag ang bag sa upuan sa likod lang ni Averie "Hala! Anong subject yan?" tanong nito
"General Biology" sagot ni Jaz habang kumokopya na din sa libro ni Averie
"Ay! Gago, Averieeee" malambing nitong pagtawag sa kaibigan na ikinatawa naman nung tatlo
"Sige na, pero di pa ako sure duon sa sagot ko sa number 10 at 15 ha-"
"Okay lang yan at least may sagot" sabad ni Jaz na nagmamadali nang isulat ang sagot ni Averie sa essay part
"Jaz, may sagot ka sa 15?" tanong nang lalaking kaklase nila kay Jaz
"Kumokopya nga lang ako kay Averie eh" sagot nito bago natawa nang makitang hilamusin nang kaklase ang mukha sa narinig
"Ano ba yan! Mga nasa with honors kayo pero nagkokopyahan lang pala kayo!" sigaw nito na ikinatawa naman nang halos lahat ng estudyante sa loob ng classroom
"Pang ilang subject ba natin to?" tanong ni Ara habang kumokopya kay Anaya
"Una" sagot ng nagmamay-ari nang librong pinagkokopyahan niya
Nanlumo naman si Jaz at Ara sa narinig "Kakagising ko pa lang tas yung prof. na yun kaagad ang bubungad sa'kin"
"Di naman" pagsingit ni Anaya bago ibigay kay Jaz ang libro ni Averie "Ang bubungad sayo ay yung mga teacher sa gym mamaya pag tumunog na yung bell" sagot nito na hindi naman ikinatuwa ni Jaz na halatang nagising lang nang malamang may assignment
"Bakit nga ulit tayo nag STEM?" tanong ni Jaz
"Ngayon ka pa nagtanong kung kelan Grade 12 ka na" natatawang sabi ni Ara "Idagdag mo na din yung dalawang buwan na lang at ga-graduate na tayo..."
"Balik ka na lang Grade 11 kung nagsisisi ka sa strand mo" suhestiyon ni Anaya at nagsimula naman na silang magbangayan ni Jaz
"Hayan na!" sabi ni Averie nang tumunog na nga ang bell
Agad naman silang dumiretso sa gym nang school para sa flag ceremony at naibalik naman sa tamang ulirat si Averie nang makitang nag-iikot ang adviser nila
"Kabisado mo ba ang Prayer ng school?" tanong nang adviser nila at agad namang tumango ang dalaga dahilan para papuntahin ito sa harap
Napatingin naman ito sa mga kaibigan na bahagyang natatawa sa kaniya "What the fuck" paglabi nito bago tumabi sa kaklaseng babae tsaka tinuro at tinawanan si Jaz na magdadasal para sa personal prayer
"Masusunog tayo sa gagawin natin..." sabi ni Averie at natawa naman silang magkakaklase na nasa harapan nang mga estudyante from grade seven to college
Maya-maya pa ay sinimulan na ni Jaz ang dasal at natapos naman ito kay Averie bago nasundan nang national anthem nang pilipinas at hymn ng Emerald Green International High. Nang matapos ay agad ding bumalik sa pila ang limang babae para makabalik na sa classroom nila
BINABASA MO ANG
THE EXPERIMENT
General FictionWhen a normal day suddenly turned into a ghastly event. Five groups of students must reach the school top floor in order to survive the man eating creatures that suddenly appear on their campus but the twist is, only one group will be accommodated b...