Malalim na ang gabi at halos lahat ng estudyante na nananatili sa dorm ng campus ay tulog na at ang tanging tao na makikita sa labas ay ang mga guwardiyang nagpa-patrol. Hatinggabi nang maalimpungatan si Ara, dahilan na rin para mahirapan na itong makatulog muli
Tumayo naman ito at dahan-dahang lumabas ng kuwarto nila ni Averie na mahimbing nang natutulog para pumunta sa kusina at uminom ng tubig at habang naglalakad ito papunta sa kusina ay napaigtad naman ito sa gulat nang makakita ng bulto duon
"Anaya, wag kang nananakot...please lang" paki-usap nito pero nanatili lang nakatayo ang bulto na kinausap niya
Kinusot naman nito ang mata bago muling tingnan ang bulto "Jaz?" tanong nito pero nanatili pa ding nakatayo ang bulto
"Imposible namang si Averie ito" sabi nito sa sarili bago napakamot sa ulo
Lumapit naman ito nang kaunti sa bulto at tsaka lang naalarma ang katawan niya nang mapansin na ang bulto na nasa harapan niya ay isang lalaki
"Sinong kinakausap mo?" tanong nang isang bagong gising na Anaya sa kaibigan na nanginginig na ang buong katawan dahil sa bulto ng isang lalaki na nasa kusina nila at kahit na gustuhin man nitong lingunin ang kaibigan ay hindi ito makagalaw sa kinatatayuan
"Ahhhh!" sigaw ni Jaz na ikinalingon ni Anaya at Ara
"Shit!" singhal ni Ara nang mapaupo ito sa sahig matapos itulak nang lalaki na nasa kusina nila at sinundan naman ito ni Anaya pero nakalabas na ito gamit ang terrace nila
Hindi naman ito makapaniwala sa nakita, lalo na't nasa fourth floor ang unit nilang apat at mukhang sanay na sanay na ang lalaki sa ginagawa nito. Sumunod naman ito sa pagpunta sa kuwarto nila ni Jaz at duon naabutan si Averie, Jaz at Ara na nakatingin sa labas ng bintana
"Tumalon yung lalaki sa terrace natin, tas di man lang siya napilayan" sabi ni Anaya bago nakisilip sa labas ng bintana nila kung saan madaming tao ang nagkukumpulan sa ibaba ng building
"May nahuling student na gumagamit" sabi ni Jaz "Nakita ko talaga siyang nakatayo dito sa may bintana"
"Yung gumagamit?" tanong ni Anaya at tumango naman ang ka-roommate nito "Sino?"
"Si Jaclyn" sagot nito at napailing na lang silang magkakaibigan
Sinara naman na nila ang bintana bago nagsibalikan sa mga kuwarto at kama nila bago bumalik sa pagtulog. Kinabukasan ay maaga namang pumasok si Averie sa EGIH para ipasa ang revision 2 ng assignment niya
Dumiretso naman ito sa canteen matapos ipasa ang assignment para makapag-almusal. Napatingin naman ito sa bakanteng upuan sa harap niya nang umupo duon ang isang lalaki na base sa pangangatawan at tindig nito ay hindi mukhang estudyante, idagdag na din ang suot nitong pantalon at puting damit kung saan kita ang laki ng biceps nito at ang sleeve tattoo na nasa kanang kamay nito
Napatingin naman si Averie sa buong canteen at halos hindi maintindihan kung bakit dito naupo ang lalaking nasa harapan niya eh halos ang dami pang bakanteng lamesa't upuan
"Ahmmm, Mister..." pagtawag niya dito pero nanatili itong nakayuko habang abala sa pagkain "G-good morning" pagbati na lang ni Averie nang mukhang wala itong balak na tingnan siya at nagpatuloy na lang sa pagkain ng almusal
"Good morning" nanlaki naman ang mata ni Averie at nag-init ang mga pisngi nang marinig ang malalim at baritonong boses nang lalaking nasa harapan
Inangatan naman ito nang tingin ni Averie at nginitian kahit na nakayuko pa din ito. Nagpatuloy naman na ito sa pagkain kahit na lingid sa kaalaman nito ay nasa loob na din nang canteen si Anaya na abala sa pagkuha ng larawan niya at nung lalaking nasa harapan nito bago i-send kay Ara at Jaz
BINABASA MO ANG
THE EXPERIMENT
General FictionWhen a normal day suddenly turned into a ghastly event. Five groups of students must reach the school top floor in order to survive the man eating creatures that suddenly appear on their campus but the twist is, only one group will be accommodated b...