"Sir!" ani ng sundalo nang makasalubong ang Brigadier General nila
"Nandiyan na ba sila?" tanong nito bago tingnan ang papel na inabot sa kaniya ng Doctor
"Yes sir! Nandiyan na po silang tatlo-"
"Sandali! Tatlo?" tanong nito at tumango naman ang sundalong putok ang labi at gilid ng mata
"Yes sir!" sagot nito
"Anong tatlo! Apat dapat sila na dumating dito-"
"Infected na sir yung isa" sagot nung doctor "Yung may blood vial-"
"No!" sigaw nito bago pumunta sa helicopter
"Sabihan niyo sila na wag na munang pasabugin yung school, may kukunin lang akong importante" utos nito at tumango naman ang doktor bago sundin ang utos ng General
Nang marating niya ang school ay agad nitong pinuntahan ang clinic kung saan naka-assign sina Anaya, at nang buksan niya ang pinto ay nadatnan nito ang dalaga na nakahiga sa sahig
"Wag kang lalapit sa'kin please..." nanghihinang sabi sa kaniya
Hindi nito pinansin ang sinabi nito at agad lumapit sa dalaga bago lumuhod sa harap nito "Okay lang, I got you..." pag-assure nito at umiling naman ang dalaga bago umusog palayo sa kaniya
"Infected na ako" pag-imporma niya bago sinubukang umupo pero agad na bumagsak ang katawan sa sahig at buti na lang ay nasalo ng binata ang ulo niya
"Hindi mo ako kailangan alalahanin" napatingin naman ang dalaga sa pulsuhan ng binata at nakita ang tattoo nito
At yun ang huling nakita ni Averie bago tuluyang nagsara ang talukap ng mata nito. Maingat naman siyang binuhat ng binata bago ito ilapag sa kama at tanggalin ang uniform Jacket nito para isuot kay Averie at ialis na siya duon
"Pasabugin niyo na" utos nito bago buksan ang pinto sa helicopter at isakay na muna ang dalaga duon bago siya umikot para makasakay sa pilot seat at umalis na
Agad naman nitong sinagot ang tawag ng tumunog ang cellphone nito "Hello"
"Sir, nakuha niyo na ho ba yung importante niyong kukunin?" tanong ng doktor sa kaniya at napatingin naman ito sa dalaga na nasa tabi niya
"Nakuha na" sagot nito bago haplusin ang pisngi ni Averie tsaka muling tinuon ang atensyon sa pagmamaneho
"Paki-buksan ang laboratory. Pupunta ako duon" dagdag nito bago patayin ang tawag
Maya-maya pa ay narating na din nito ang safe zone, agad naman nitong dinala ang dalaga sa laboratory para mai-isolate na. "Jusko po!" gulat na ani ng doktor sa laboratory nang tanggalin ng binata ang jacket nito kay Averie nang maihiga na ito sa isang kama
"Ingatan niyo siya ha" bilin nito at tumango naman ang doktor bago dalhin ang dalaga sa isang malaking glass tube bago kunin ang dugo nito at i-test na
"Babalik ako bukas" sabi nito sa sundalo na nagbabantay sa labas
"Yes sir!" anila at lumabas na din ito nang tuluyan
Kinabukasan nang mag-umaga ay agad na pumunta ang binata sa laboratory para tingnan ang lagay ng dalaga, tulog pa din ito at abala pa din ang mga doktor sa pag-examine sa dugo at ibang parte ng katawan nito. Makalipas ang apat na araw ay tuluyan na ngang nagising si Averie at unlike sa ibang taong pinasok dito na nakagat ay hinayaan nila ang dalaga na lumabas sa glass tube at maupo sa sofa duon
"Hi, Good morning..." bati nito dito at tiningala naman siya ng dalaga bago ngumiti
"Good morning..." bati nito pabalik at naupo naman ang binata sa tabi ni Averie bago ito abutan ng sandwich na gawa niya
"Salamat" ani Averie "Puwedeng magtanong?" tanong ng dalaga sa kaniya at kumain na muna ang binata bago tumango
"Bakit buhay pa ako?" tanong nito "Hindi ba't nakagat na ako-"
"Immunity" sagot ng binata
"May mga blood type na immune sa virus na yun" dagdag nito at tumango naman si Averie bago kagatan ang sandwich na binigay sa kaniya
Kinuha naman ng binata ang kanang kamay nito bago haplusin ang kagat na nasa likod ng palad niya "Ah!" daing ni Averie sa biglaang contact na iyon
"Nalinis na ba nila to?" tanong nito
"H-hindi ko alam, nang magising ako. Pinalabas na nila ako" sagot nito bago tingnan ang mga doktor na nakatingin sa kaniya at may sinusulat sa papel na hawak
"I'm sorry, pero bakit sila ganiyan?" tanong nito sa binata bago ito tingnan mata sa mata
"Ine-examine ka nila" sagot nito bago tingnan ang dalaga at iipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga nito "I'm sorry kung nagmumukha kang experiment rat"
"Ah, it's fine..." sagot nito bago nagpatuloy sa pagkain
"Masarap ba?" tanong nito at tumango naman si Averie, nanatili naman silang ganuon hanggang sa mag-lunch
Kinabukasan ay pumunta naman sila garden sa likod ng laboratory kung saan patuloy pa din ang pag-examine kay Averie "Ligtas ba ang mga kaibigan ko?" tanong nito sa binata
"Oo, ligtas na ligtas" sagot nito habang nakapalibot ang kamay sa beywang ng dalaga dahil masyadong mabato ang dinadaanan nila
"Mabuti naman at nawawala na din" sabi nito bago hawakan ang kanang kamay ng dalaga kung saan unti-unti nang nawawala ang kagat dito
"Oo nga eh" sabi nito bago sila naupo sa upuan nanduon
"Mataas siguro ang rango mo para maging ganiyan sila sayo" sabi ni Averie sa lalaking dalawang araw na niyang nakakasama
"Kamusta pala ang mga tao sa lab?" tanong ng binata
"Ang papangit ng ugali nila" bulong na sagot ni Averie at natawa naman ang binata
"Hindi ka nagkakamali diyan" pagsang-ayon nito sa dalaga at nagpatuloy naman ang kuwentuhan nila
"Okay ka lang?" tanong ng binata nang mapansing medyo nagiging uncomfortable si Averie
"Nabibigatan na ako sa buhok ko..." sagot nito bago ilagay sa kanang balikat ang mahabang buhok
"Gusto mong gupitan?" tanong nito at agad namang tumango si Averie
Kumuha nang gunting ang binata bago pumwesto sa likod ni Averie at gupitan na ang buhok nito, hanggang sa umabot ito sa ibabaw ng balikat niya
"Fuck!" singhal nito nang makita ang kinalabasan. "Masyado atang napaikli"
"Hindi bagay?" tanong nito sa binatang naggupit sa buhok niya.
Hinarap ito ni Averie bago hawakan ang dulo ng buhok. "Bagay!" sagot nito "Bagay na bagay" sabi nito bago tingnan ang dalaga mula ulo hanggang paa
"Wow..." paglabi nito bago ilahad ang kamay sa dalaga at naglakad na sila muli pabalik sa lab
"Hmmm, isang linggo na lang at ibabalik ka na namin sa mga kaibigan mo-"
"Talaga!?" napangiti naman ang binata nang makita ang malaking ngiti sa labi ni Averie
"Hm!" sagot nito bago ngitian ang dalaga at muling nagpatuloy ang kuwentuhan nila habang naglalakad pabalik sa laboratory
"Miss ko na talaga sila" sabi ng dalaga at sakto naman kasi nasa tapat na sila ng lab
"Ahm! Puwede ba?" tanong nito sa binata habang hawak-hawak ang kamay nito
"Huh?" tanong ng binata at inangat na ni Averie ang sleeve ng uniform niya at nangunot nang hindi makita ang tattoo duon
"Bakit?" tanong ng binata at umiling naman si Averie bago siya ngitian
"Wala naman, salamat para sa araw na to" sabi nito at tumango naman ang binata bago nagpaalam kay Averie
Nang makapasok na si Averie sa loob ng glass tube ay hindi naman nito maiwasan ang mapaisip kung sino ang lalaking nagligtas sa kaniya, dahil ang lalaking nakakasama niya ngayon at ang lalaking nagligtas sa kaniya ay magkaibang tao
BINABASA MO ANG
THE EXPERIMENT
General FictionWhen a normal day suddenly turned into a ghastly event. Five groups of students must reach the school top floor in order to survive the man eating creatures that suddenly appear on their campus but the twist is, only one group will be accommodated b...