"Pagod na ako..." sabi ni Anaya habang pinagmamasdan si Averie na mag-type sa laptop nito
"Bakit ano bang ginawa mo?" tanong ni Ara dito bago inabot ang papel na hawak kay Averie
"Titigan si Averie" sagot nito at bahagya namang natawa si Averie bago pinagpatuloy ang pag-type sa laptop nito
Kasalukuyan silang nasa library ngayon dahil nag-me-meeting ang mga teacher kaya naging free time ang morning classes nila
"Tapos na ba kayo sa research niyo?" tanong ni Jaz habang tinutulungan si Averie na gawin ang research nila
"Ewan" sagot ni Anaya bago ihiga ang ulo sa lamesa "Hindi naman ako ang leader para intindihin yun" napailing naman ang tatlo
"Include mo to" sabi ni Averie kay Jaz na gumagawa ng powerpoint para sa final-defense nila
"Bakit naman kasi ganito ang exam natin sa research" pagrereklamo ni Anaya matapos umupo ng ayos "Imbis na exam lang...ginawang defense"
"Bored na talaga ako" sabi nito bago muling ihiga ang ulo sa lamesa
"Tapos na" sabi ni Averie matapos mai-send kay Jaz ang research nila
Pero kahit na tapos na ay abala pa din ang daliri nito sa pag-type na ikinakunot ng noo ni Anaya "Ka-chat mo ba boyfriend mo?" tanong nito
"Wala akong boyfriend" sagot ni Averie habang nag-ta-type
Nagkatinginan naman si Jaz, Anaya at Ara dahil duon "Wala daw..." paglabi nila sa isa't-isa
"Ayun!" sabi nito kaya napaayos ng upo si Anaya
"Compassion" biglang ani Averie bago tingnan si Anaya "Yun ang ibig sabihin nang bracelet na suot mo" paglinaw nito bago iharap ang laptop kay Anaya
"Compassion" pag-ulit ni Averie bago bawiin ang laptop at i-search naman ang kay Ara
"Loyal" sagot nito
"Yun ang ibig sabihin nang bracelet ni Ara" paglinaw nito at napatango naman si Ara "Wolf symbolizes Loyalty"
"Dagger symbolizes protection, sacrifice and bravery" pag-imporma nito tungkol sa bracelet ni Jaz
"How about sa blood vial?" curious na tanong ni Jaz sa kaibigan
"Trust, vulnerability, and sacrifice" sagot nito at naging abala ulit ang daliri nang mag-message ang leader nila sa research
"Sa tingin niyo...anong pinag-me-meetingan ng mga teachers?" tanong ni Anaya at kibitbalikat naman ang naging sagot nung tatlo
"Nandito ulit sila oh" sabi nito at napalingon naman ang mga kaibigan
Nakita naman nila sa bintana ang mga uniformed military officers at mga doktor "Ano bang trip ng mga yan at dito sila natambay sa uni?"
Isinawalang bahala naman ito nang tatlong kaibigan at bumalik na lang sa kani-kaniyang gawain bago bumaba para mag-lunch kahit na recess pa lang;
"Masarap" pagkomplimenta ni Ara sa luto ni Averie na nagpangiti sa dalaga
"Talaga ba? Salamat" nakangiting sagot ng dalaga bago nagpatuloy sa pagkain
Maya-maya pa ay nakapasok na din sila sa classroom nila para sa pinaka-unang klase nila;
"Good afternoon, Ms. Pascual" bati nila sa adviser na kakapasok lang
Naupo naman sila nang senyasan sila ng guro "Present ba lahat?" tanong nito at binigay naman sa kaniya ng secretary ng klase ang attendance para sa araw na ito
"Okay, mabuti namang present lahat" sabi nito bago ibaba ang folder sa lamesa nito
"Yung mga tatawagin kong pangalan, iligpit niyo ang mga gamit niyo tapos pumila sa labas" panimula nito at tumango naman ang mga estudyante nito
BINABASA MO ANG
THE EXPERIMENT
General FictionWhen a normal day suddenly turned into a ghastly event. Five groups of students must reach the school top floor in order to survive the man eating creatures that suddenly appear on their campus but the twist is, only one group will be accommodated b...