i : l

941 19 3
                                    

aking iniirog, nais kong ipabatid na. . .

ang mainit mong apoy ang siyang lumulusaw sa puso kong nananahimik at naghihintay na sa aki’y may taong pupukaw. bawat salita mo, titig, at paalala, lumalala nang lumalala ang lapnos sa puso ko kasabay ng paglaki nito ngunit hindi ko magawang magreklamo dahil ang apoy mo’y kay sarap sa pakiramdam— hindi masakit ngunit mainit, at alam kong kahit sunugin ako nito, mananatili pa rin akong buo.

ang pinakamainit na apoy na siyang sumusunog sa lahat ng puot na aking dinidibdib at iniisip ay ikinakalat ng iyong presensya. lahat ng puot, galit, at tampo ay kusang nalulusaw sa tuwing kausap kita’t naramdaman ko na kahit ano ang gawin ko, kahit ako pa ang maging pinakamasamang tao sa mundo, ay mananatili kang nakatayo sa tabi ko.

lahat ng parte sa aking pagkatao na dinaanan ng apoy mo ay nagpapasalamat dahil dinaanan mo ito. lahat ng parte sa akin na pinaramdaman mo ng init ay kailanma’y hindi mapapagod umintindi. ‘pagkat ang bawat parte sa akin na dinaanan mo at daraanan pa lamang ay handa nang matupok. lahat ng parte sa akin, nakadepende na sa iyo.

mahal, sunugin mo man ng buo ang katawan ko, ang kaluluwa, maging ang buo kong pagkatao ay hindi ako mawawala. mainit man o malamig ang apoy mong kay sarap damhin, hindi ako magsasawa na sa ‘yo ay aminin ang nararamdaman na nahirapan akong ilihim.

mahal na mahal kita.

The Anthology of UnspokenWhere stories live. Discover now