II: Ikalawang liham ng pusong nagdadalamhati sa pag-ibig na minsan niyang hiniling.
Cavite, Philippines
Ika-6 ng DisyembreMahal ko,
Minsan kong hiniling ang pag-ibig na dapat sana ay nagdudulot sa akin ngayon ng sigla at saya. Madalas kitang ikuwento sa mga kaibigan ko— ikinukuwento kita habang ‘di mabura ang ngiti, paulit-ulit binabanggit kung gaano ako kasuwerte sa iyo at sa lahat ng ipinakita mo na umabot na rin ako sa puntong hindi ko nakitang lahat ng iyon ay pakitang-tao na lamang. . .
Masiyado akong naging bulag sa lahat ng ipinakita mong pawang kasinungalingan lamang.
Ang dami ng tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon ngunit kung may pagtutuonan man ako ng pansin at kung mabibigyan ako ng pagkakataon at lakas na kausapin ka at magtanong, itatanong ko sa iyo kung kahit kailan ba’y naging ako?
Kahit kailan ba’y naging ako? Kahit kailan ba’y nauna ako riyan sa puso mo? O baka naman ginamit mo lang ako para takpan ang butas sa puso mo na iniwan ng dati mong kasintahan?
Panakip butas ba ako o naging ako talaga at sadyang nagsawa ka lang kaya ngayon ay ayaw mo na?
Putang inang iyan, oh. Bakit sa rami ng babae sa mundo ay sa akin ka pa tumakbo? Wari ko ngayo’y pinagsamantalahan mo lang ang kaalaman mo sa paghanga ko sa iyo kaya naman sinikap mong pataasin pa iyon hanggang sa nauwi ka na sa panunuyo at doon na nabuo ang pag-ibig sa atin.
Madalas kong hilingin ang isang ginintuang koneksyon kung saan mararamdaman kong ako’y yakap-yakap ng pagmamahal at mawawala lahat ng alinlangan. Madalas kong ipagmakaawa ang isang tao na ipararamdam sa akin at ituturing akong parang isang reyna ngunit kailan man ay hindi ko hiniling na bigyan ako ng tadhana ng kapalit.
Siguro nga ay ganoon talaga. . . Kapag may ibinibigay sa iyo, malamang ay palaging may mawawala.
Hindi ko maisip kung paano ako magsisimula ngayong wari ko’y mawawala ka. Nasanay ako sa iyo at hindi ko alam kung paano ako muling masasanay na wala ang presensya mo sa lahat ng pagkakataon na kakailanganin ko.
Nagmamahal,
k
YOU ARE READING
The Anthology of Unspoken
Poetryかて:: 𝐬 𝐨 𝐟 𝐞 𝐢 𝐧 𝐠 𝐜 𝐮 𝐭 :: collectenea of unspoken thoughts.